Chapter 25 - The First Date?

1.6K 44 0
                                        

Athena's POV

Narito na ako ngayon sa labas ng Cuerco's Restaurant. Shit! Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Maayos kong pinark ang Ducati ko pagkatapos ay pumasok na ako sa resto. Agad akong kinausap ng isang babae at sinabi ko ang reservation ni Anthony. Agad naman niya ako sinamahan papunta sa dalawahang upuan. Wala pa si Anthony. Tinanong ako ng waiter kung gusto ko na mag-order pero agad ko naman sinabing mamaya na. Inilabas ko muna yung laptop ko to check kung asan na si Anthony. Yup! I also put a tracking device dun sa triplets. Tsk! Andoon pa pala siya sa unit niya. So I check kung nasaan si Ice. Mas malimit ko na siya i-tract dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa din why did he want to spy Eros, Fire and Dark. Kung may kailangan siya sa akin, he can ask me unless he have a hidden agenda. So naroon ulit siya sa MazArc Laboratories. Later, I will find out kung ano ang tinatago mo sa akin Ice. Maya-maya pa ay nag-beep ang alarm, ibig sabihin may kinontak si Senator Ramirez.

"Hello Aragon? What's the latest update?" tanong ni Ramirez kay Aragon.

"Putang inang boss ni Ethan. Palyado ang plano. Yari na naman ako kay boss niyan." Galit na sagot ni Aragon.

"Nakilala mo na yung boss ng hayop na iyon?" tanong ulit ni Ramirez.

"Hindi ko pa talaga kilala. Basta nagpakilalang Ripper ang pangalan. Kinuha niya lahat ng cellphones ng taong inutusan ko. At mas malala pa, nakita ko na yung CCTV. Wala pang isang minuto ng patayin niya yung mga taong pinadala ko. Nagbanta  pa na wala siyang ititirang buhay sa atin. Tang ina lang! Paano ko sasabihin kay boss to?" inis na parang medyo takot ang boses ni Aragon.

"Ano takot ka na ba sa taong iyon? Gusto mo ako na ang kikilos? " pang-aasar pa ni Ramirez.

"Tsk! Huwag ka muna gumalaw. Baka may ibang balak si boss. Balitaan na lang kita ulit." tinapos na ni Aragon ang tawag. Pero si Ramirez may tinawagan.

"Hello, Arman? May ipapatrabaho ako sayo. I'm gonna send you an e-mail." iyon lang ang sinabi niya at tinapos niya na yung tawag. Since nahack ko na yung computer system niya, nakareceive na ako ng kopya. When I check it, panay larawan and info ni Dark. Tsk! Ang kulit din nito ni Ramirez. Dinadagdagan pa ang trabaho ko. Sa sulok ng aking mata ay nakita ko sa entrance si Anthony. Wearing his expensive black suit, parang mas gumandang lalaki siya sa akin paningin. Bigla na lang ulit nagwala ang aking puso at hindi ko mapigilan na mapalunok.

"Kanina ka pa?" tanong sa akin ni Anthony. 

"Five minutes before seven." tipid kong sagot. Shit! Bakit ang init ng pakiramda ko.

"Ano naman yang ginagawa mo? Tigil mo na nga yan." sabi ni Anthony kaya agad kong niligpit yung laptop ko. Pagtingin ko kay Anthony nakakunot na ang noo habang salubong pa ang mga kilay. Bakit kaya?

"Bakit ganyan ang suot mo? Hindi ba sabi ko wear something nice?" mahina nitong sabi.

"Maayos naman itong damit ko saka bagong bili ko kaya ito?" sagot ko kay Anthony. Nakita ko na lang siya na marahang hinilot ang sintido niya. Binalewala ko na lang yon at tinanong ko siya.

"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" kasi hanggang ngayon hindi pa rin niya sinasabi yung kailangan niya.

"Order na muna tayo." sabi ni Anthony na agad tinawag ang waiter.

________________________

Anthony 's POV

Kahit kelan wala na pag-asa tong si Athena. I invited her para sana makipagdate. Sumakit ang ulo ko na isiping ligawan pa itong babaeng ito. I want to back out. Kaso hindi lang yung sasakyan ang nakasalalay dito, ang pride and ego ko rin. Ano na lang sasabihin ng buong tropa kapag hindi ko tinuloy? Tiyak pagtatawanan nila ako and what's worst? Baka hindi na nila ako irespeto bilang leader nila.

"Actually Athena, kaya kita pinapunta dito kasi I want to date you." medyo naiilang pa akong sabihin. "But I think hindi mo agad na gets yung sinabi na wear something nice. Well anyway, what important is... You're here." salubong lang ang kilay ni Athena habang matiim na nakikinig. Parehas kaming tahimik na kumakain ng ilang saglit ng muling nagsalita si Athena.

"Bakit mo ako gusto maka-date?" daretsong tanong ni Athena. Ano kaya sasabihin ko? Tumikhim muna ako bago ko siya sinagot.

"Because I want to be your boyfriend." bahala na. Wala na akong iba pang masabi. Uminom ako ng tubig habang inaantay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Okay." sagot ni Athena na ikinagulat ko. Kaya muntikan pa ako masamid.

"O-okay? As in boyfriend mo na ako at girlfriend na kita?" hindi talaga ako makapaniwala.

"Oh? Akala ko ba gusto mo na maging boyfriend kita? Nagbago na ba bigla ang isip mo?" tanong ni Athena habang hinihiwa yung stake.

"O-of course not! Masaya ako at girlfriend na kita. Hindi mo na ako pinahirapan." nakangiting asong sagot ko kay Athena.

"But hindi ko alam kung paano maging isang girlfriend. Tell me kung ano ang kailangan kong gawin, ano yung gusto at ayaw mo." seryosong sabi ni Athena sa akin. But until now, hindi ko pa rin maabsorb na kami na ni Athena.

"Eherm!... Paano ba?.. Just be yourself and ayoko ng clingy. Ayoko din pinakikialaman yung mga gusto at desisyon ko. Ayoko ng selosa yung tipong lahat na lang ng babae na makausap ko ay aawayin. Ayaw ko ng naeeskandalo. Let's just take it slow para walang pressure. Kung meron kang gustong sabihin just talk to me in private." mahaba kong paliwanag. Hindi ko din kasi alam yung sasabihin dahil nabigla ako.

"Alright! Kain ka na. " sabay ngiti sa akin ni Athena. First time ko lang siyang nakitang ngumiti. Kaya medyo natulala pa ako ng saglit.

Code Name: RipperWhere stories live. Discover now