Athena's POV
Mabilis akong nakarating ng Batanggas. It's 1:18am kaya agad ko nang inayos ang sarili ko. Ikinabit ko na sa aking katawan ang mga gagamitin ko. I also wear my favorite mask. I scan the place using my favorite gadget so far. My scanner- the one that I invented. So... ilan lang ang tao dito sa warehouse dahil Lingo na ng madaling araw. Gaya ng dating gawi maingat kong pinag-aralan ang lugar at sinigurado ko na lahat ng epektus nila ay maglalaho ng tuluyan. Wala pang isang oras ay nakaayos na ang lahat ayon sa plano ko. Palalabasin ko na nagkasunog dahil sa short circuit. Nakatabi na rin sa kargamento nila ang mga kargamento ko na may pampasabog. Pumuta na ako sa lugar na kung saan tanaw ko ang buong warehouse at saktong alas tres ng madaling araw, pinasabog ko na ito. Nagkagulo ang iilang tao sa warehouse. Pasalamat sila dahil waka akong pinatay. Lahat ng kopya ng CCTV footages mula alas diyes ng gabi ay burado na. Sa ngayon ay hinihintay ko lang dumating si Aragon. Pero inabot na ako ng alas dos ng hapon, walang Aragon o Ramirez na nagpakita. I check Ramirez where about pero nasa magarang hotel ito sa Manila at may ka meeting na mga politiko. Naka-wire tap na rin ang cellphone ni Ramirez just to make sure that I will not miss any valuable information. Shit! Wala pa ata akong mapapala. Bantay sarado ko na si Ramirez pero wala pa rin. Halos matatapos na sa pag-iimbestiga ang mga pulis. Naghintay pa ako hanggang 6:00pm. Nakita ko nang gumalaw si Ramirez pauwi sa kanyang bahay. Nakatanggap ako ng alert message, ibig sabihin nasa basement na si Ramirez. Kaya agad ko ng binuksan ang aking laptop.
"Aragon, ano nang progress ng plano mo? Isang linggo na wala pa din bang nangyayari?" tanong ni Ramirez kay Aragon.
"Tang inang Mendoza na iyan! Masyadong madulas. Pagkatapos may malaki pa tayong problema! Yung mga epektus natin sa warehouse sa Batanggas nasunog lahat! Yari tayo nito kay Boss!" galit na himutok ni Aragon.
"What? Paano na yan? Eh, usap-usapan na palugi na yung Mendoza Cargo Services. Pati yung Blue Phoenix Airlines madaming kinahaharap na issues? Ano na gagawin natin? " tanong ulit ni Ramirez kay Aragon.
"Huwag muna tayo kumilos. Tanong ko muna kay boss ang gagawin natin. Mukhang palabas lang lahat to ni Mendoza o ng boss nya. Contact me after a week." sabi ni Aragon kay Ramirez at natapos na ang usapan nila.
"Tang ina naman! Kung kelan malapit na yung eleksyon, baka mapurnada pa yung perang manggagaling sa kanila." tsk! He is so greedy.
So matatapos ang araw na wala akong napala? No way! I am Ripper. And the word impossible is not part of my vocabulary. Think! Think! Think!... It's past 7:00pm so I decided to go home.
___________________
It's 9:32 pm when I got home. Kumain muna ako at pagkatapos ay naligo. Habang naliligo ako, something came up to my mind. Since I know Aragons Skype account, I just need to trace his number. Sana ito nga ang totoo nyang gamit na number para hindi na ako masyadong mahirapan. I need to go to Fox-mobile Telecom Company to check his location. I need to go near him so I can tap his phone and know his every activity and his whereabouts. Shit! Ang sakit na ng ulo ko. Wala pa nga pala akong tulog. Tsk! I open my computer to check my four knights whereabouts. Si Eros nasa bahay lang. Mabait na bata. Mas gusto nyang kasama ang mga gadgets nya o magdevelop ng computer games kesa mambabae. Si Fire, kasalukuyan nasa bar. Kasama yung best friends nya. Si Dark naman ayun, nasa hotel may kasamang babae. But I got shock when I check Ice. Kasalukuyan syang nasa bahay ni Dark. Tsk! Tama lang talaga na hindi muna nila ako makilala. ‘Anong kailangan mo kay Dark, Ice?’ Ngayon tatlo na sila ang kailangan kong bantayan. Ramirez, Aragon and Ice. Haist! Matutulog na sana ako para sana gigising ako ng mga 3am para pumunta sa telecom. Pero hindi rin naman ako makakatulog dahil sa nakita ko. I need to know the reason why Ice is in Dark's place. I check Ice tracking records to know his every location for the past six months. Bukas ko na lang pupuntahan yung telecom. Argh! Bakit mo mas pinasasakit ang ulo ko Ice. Ang pinakaayoko sa lahat ay ang tinatraydor ako!
YOU ARE READING
Code Name: Ripper
ActionMy name is Ripper. I was one of the special assassin in Black Sanctuary. I was raised by them and they teach us how to kill. But because I found out their deepest secret, they did kill me. Well, that's what they thought. Ngayon pulido na ang plano...
