Athena's POV
Lunch break na kaya dumaretso ako sa canteen. Carbonara with garlic bread ang inorder ko saka pineapple juice kasi mas hilig ko ang pasta kaysa sa rice. Luminga-linga ako para maghanap ng table at buti naman medyo marami pang available sa bandang dulo. Nakita ko sa peripheral vision ko yung tatlong babaeng mukhang mga clown na nakabangga ko kahapon. Oo nga pala. Sila sina Faye yung lider kasama yung alipores nyang sina Lisa and Jane. Mga nakangiting nakatingin sa akin. I have a bad feeling. Kaya naglakad na ako papuntang table sa may dulo pero naramdaman ko na nasa likuran ko na sila at may ilang estudyante na rin na nakatingin sa akin. Sakto naman na nakita ko sa salamin yung aktong ibubuhos nya yung isang basong juice sa ulo ko. Mabilis akong umikot paharap sa kanila. Kaya ang nangyari ay imbes na sa akin matapon yung juice pasimple ko tinabig ang braso nya kaya natapon ito sa mukha nya. At umarte akong natalisod kaya yung dala kong tray ng pagkain ay nabuhos lang naman sa mamahaling damit nya. Nagtawanan halos lahat ng estudyante sa canteen dahil sa nasaksihan. Malakas ang loob nilang tumawa palibhasa mga frat members din sila.
"Aaaaahhhh! Shit kang babae ka!" Malakas na tili at sigaw sa akin ni Faye.
"Your so stupid talaga!" segundang sabi naman ni Jane sa akin. Malamang di papatalo din tong si Lisa sa sasabihin nya.
"Ang kapal ng mukha mong tapunan ng pagkain si Faye. Bayaran mo yung mamahaling damit nya!" tsk! Tama nga ang hula ko.
"First of all, di ko kasalanan kung tanga sya at itapon nya yung soda nya sa mukha nya. Second, sorry naman kung lampa ako kaya natalisod ako at natapon yung pagkain sa damit nya. And lastly, hindi mahal yung damit nya imitation lang yan. Because I know one when I see the original one." nanlaki ang kanilang mga mata. Tsk! Kapagod ang haba ng sinabi ko.
"OMG! Faye, di ba di naman fake yung dress mo?" Di makapaniwalang sabi bi Lisa. Yun pa talaga yung inalala nya imbes na si Faye na parang basang sisiw ang itsura.
"Sye-syempre di totoo yon!" nauutal na sagot ni Faye. "Hoy babae! May araw ka rin sa akin!" sabay talikod at patakbong umalis si Faye. Tumingin muna ng masama yung dalawa nyang kaibigan bago sumunod ito sa kanya.
That's what you get if you try to mess with me. Tsk! Nawalan na ako ng ganang kumain kaya dederecho na lang ako sa library. Bukod sa tahimik, malamig pa doon dahil may air-conditioned. Kaya masarap matulog. Hanap na lang ako ng pwesto sa may tabi ng bookshelf na di puntahan ng mga estudyante. Konti na lang din ang napunta don yung mga nag-aaral lang talaga. Bihira na lang din may mag-search ng books kasi nakaasa na sila sa Internet. Kaya perfect na gawin kong tulugan ang library.
_______________
Anthony POV
Hay naku! Ang hirap talaga ng sobrang gwapo. Ang hirap iwasan yung mga naka-fling kong babae ang clingy nila masyado. Kahit malinaw na I don't want any commitments. Tapos ang mas worst yung mga humahabol na biglang mananampal sa gwapo kong mukha or mag-iiiyak dahil niloko ko daw sila. How come na niloko ko sila kung ang tawag nila sa akin ay either Bradley or Cyrus? Tsk! Hanep talaga yung mga kakambal ko. Ang bait-bait ko pati ako nadadamay sa problema nila. Kaya heto tuloy ako nasa library nagtatago. Pano may na ispatan ako na babaeng nakaabang malapit sa tambayan namin. Mabuti na yung sigurado ayoko ng sakit ng ulo. Bahala yung dalawa naman magtaboy dun sa babae. Tutal sila yung mga sobrang hilig sa mga chicks. Hehehe... Kala nila makakaligtas sila ngayon. At least dito sa library tahimik at walang makakaisip na dito ako tatambay or kahit dumaan nga lang eh. Yun lang ang tanong, ano ang pwede kong gawin aside sa pagbabasa ng books? Nakakatamad kayang magbasa. Wala din akong napansin na hot sexy ladies panay nerd lang yung mga naandito. Yung mga mahilig lang mag-aral. Haaay, naku... pahamak talaga yung mga kambal ko. Aist! Mag-iikot muna ako baka sakali may mapagtripan akong gawin.
________________
Hindi akalain ni Anthony na malilibang sya sa library. Pano breaking the record na sya. Almost one hour na sya sa loob ng library. Nalibang sya sa pagtingin ng history books.
Busy si Anthony sa pagtingin ng mga books kaya hindi nya napansin na may nakahiga pala sa sahig.
"Shit! Ano yung nadali ng paa ko? Hindi ko na mapigilan babagsak na ako sa sahig." Nasabi ni Anthony sa kanyang isipan lamang. Pero laking pagtataka nya na parang ang lambot ng binagsakan nya. Kaya laking gulat nya ng idilat nya ang kanyang mga mata. May pares ng dalawang magandang mata syang nakita at magkalapit lang ang mukha nila sa isa't-isa. Sigurado sya na kung magpa-pout sya sasayad na yung labi nya sa labi ng babae. Hindi sya agad makakilos dahil parang hinihigop sya ng tingin ng magandang mata na kulay dark brown.
"Hoy! Wala ka bang balak umalis dyan sa ibabaw ko?" mahinang singhal ni Athena kay Anthony. Mabuti na lang at di sya masyadong nagulat at nakilala nya agad kung sino ito bago bumaksak ang binata sakanya. Kundi baka napatay nya ito ng walang kamalay-malay.
Doon palang natauhan si Anthony ng marinig nya ang boses ng babae. Medyo nilayo muna nya ang mukha nya sa babae at nang matitigan ang kabuuang mukha nito don nya narealize na si Athena pala ito. Ang weird nyang klasmeyt.
"Bakit kasi dito mo pa naisipang matulog? Dito pa talaga sa sahig ng library? Huwag mong gawing kwarto ang buong school namin!" Mahinang asik din ni Anthony.
"Bago ko sagutin yang tanong mo, pwede bang tumayo ka muna! Enjoy na enjoy ka dito sa ibabaw ko eh!" inis na sabi ni Athena kay Anthony kaya naman bigla itong tumayo. Umupo lang si Athena at tumingala lang ito kay Anthony.
"Kaya dito gumawa ng tulog kasi una, tahimik. Ikalawa, malamig dito at carpeted ang flooring kaya comfortable matulog. At ang huli kala ko walang istorbo. Now, did I answer all of your questions? " nakapoker face nang sagot ni Athena.
"Tsk! Dyan ka na nga! Panira ka talaga ng araw. " sabay talikod at alis ni Anthony. Ang totoo bigla kasi bumilis ang tibok ng puso nya at hindi nya ito maintindihan kung bakit.
YOU ARE READING
Code Name: Ripper
ActionMy name is Ripper. I was one of the special assassin in Black Sanctuary. I was raised by them and they teach us how to kill. But because I found out their deepest secret, they did kill me. Well, that's what they thought. Ngayon pulido na ang plano...
