Chapter 22 - The Truth

1.7K 50 0
                                        

Athena's POV

Dali-dali akong lumabas ng unit ni Cyrus habang magulo ang isip. Hindi kaya may sakit talaga ako at pinagtitripan lang ako ni Cyrus? But if I do really have a heart disease, how come that my heart only beats irregular everytime I see Anthony? Haist! What the hell? Ano nga bang alam ko sa feelings? Eh, kung simula't sapul na magkaisip ako puros pagpatay lang ang itinuro sa akin. Walang lugar ang awa sa mundo namin dahil isa itong kahinaan. Kaya nga hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin na bakit pa kailangan magmakaawa yung ibang pinapatay ko, kahit alam naman nila na ang lahat ng tao doon rin ang kahahantungan sa huli. Pinaaga ko lang. Kung tutuusin masuwerte nga sila dahil mabilis ko silang pinapatay kaya hindi na sila nakakaramdam ng sakit at hirap. Naramdaman kong biglang may humawak sa balikat ko nang makarating ako sa tapat ng elevator. Paglingon ko si Jake pala. Tsk! Lintek lang. Kung sakaling kalaban ko itong si Jake tiyak napatay na ako nito. Dahil sa sobrang pag-iisip, wala sa paligid ko ang pansin ko. Mapapahamak ako nito kapag nagpatuloy pa ito.

"Athena okay ka na ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Jake.

"Tsk!" wala ako sa mood para mamansin.

"Athena can we talk? Kahit saglit lang. Importante lang talaga yung sasabihin ko, please." pakiusap sa akin ni Jake.

"Alright. Doon tayo sa roof deck." sabi ko kay Jake. After few minutes nakarating na kami doon. Maganda ang kalangitan kahit nag-aagaw na ang liwanag at dilim. At kitang-kita sa pwesto namin ang sunset. bahagya na lang ito nakasilip sa malayong parte ng kalangitan. Kahit kailan ang gandang pagmasdan ng kalangitan. Lumanghap ako ng hangin bago ako nagsalita.

"Speak." matipid kong sabi.

"Okay. But before I start, please promise me that hindi mo kami sasaktan or papatayin. Specially sina Anthony at Troy. Please?" nagmamakaawang sabi ni Jake.

"I can't promise you that. Depende pa rin sa sasabihin mo." paglilinaw ko kay Jake habang titig na titig ako sa kanya. Kaya naman napalunok ito ng biglaan.

"W-wait lang, hinga muna ako! Whoooo!... F-first of all kaya kita kinausap kasi I want to protect you from heart ache and my friends as well. G-ganito kasi yon. May naging pustahan kasi sila Troy and Anthony na kapag naging girlfriend ka ni Anthony within this month,  ibibigay ni Troy kay Anthony yung latest na car collection niya yung Ferrari. Naisip kong sabihin sayo kasi nga ayokong magalit ka sa amin dahil sa panlolokong gagawin ni Anthony." medyo mahabang paliwanag ni Jake.

"So, tinaraydor mo yung mga kaibigan mo dahil takot kang magalit ako?" tanong ko kay Jake.

"No. I told you. I want to protect my friends and also you from getting hurt. Pero kung yun ang tingin mo, wala akong magagawa. I just want to save them from your wrath. Mahal ko ang mga kaibigan ko at ayaw kong masaktan o mamatay sila." seryosong sabi ni Jake habang lumalaban ng tingin.

"Don't worry I don't know how to get angry or to get mad. But I'm curious. Bakit halos lahat ng tao takot o ayaw mamatay? Saka sabi mo ayaw mo masaktan ang puso ko?Wala akong maintindihan kung tungkol sa mga emosyon. Yes, I know that anger, joy, sadness, fear and love are part of people's feelings.... Pero yung nangyari kanina... first time ko lang naramdaman iyon....Pwede mo ba akong turuan about feelings?" I asked Jake.

"Seriously Athena? H-hindi ko alam kung paano ituturo iyon. Natural lang kasi naramdaman iyon depende sa sitwasyon at mga pangyayari sa paligid mo. Kagaya ng sabi ko sayo na ayaw kitang masaktan. Kasi kung ako ang nasa posisyon mo at malaman kong hindi pala ako mahal ng taong mahal ko, tapos pinaglaruan lang yung damdamin ko, masasaktan ako ng sobra. At dahil nasaktan ako, pwede kong masaktan din sa pisikal na paraan naman yung mga taong nanakit sa akin... Haist! Paano ba to?" napakamot na lang ng ulo si Jake.

"Para fair, habang tinuturuan mo ako, tuturuan din kita sa pakikipaglaban para hindi ka matulad kay Rex. Deal?" sabi ko kay Jake habang nakalahad ang aking kanang kamay.

"As if my choice pa ako. Kahit tumanggi ako, ikaw pa rin naman ang masusunod. Okay, deal!" nakasimangot na sabi ni Jake at tinanggap ang aking kamay.

"Actually, hindi ko ugaling mamilit ng tao. Wala naman problema kung ayaw mong makipag-deal kasi pwede naman ako magpaturo kay Fire and Eros. But since you accept it, wala nang bawian. A deal is a deal. So next week na lang." naglakad na ako papalayo kay Jake.

"W-what?!.. Athena ba't hindi mo agad sinabi?" nanghihinayang na sigaw ni Jake.

"Nagtanong ako kung deal, remember?" sigaw ko din kay Jake bago ako tuluyang umalis.

Code Name: RipperWhere stories live. Discover now