Chapter 23 - The First Attack

1.8K 51 0
                                        

Athena's POV

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari kahapon. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko si Anthony. Haist! Ano ba naman kasi ito. I need to focus... Ano nga ba yung agenda ko for today? Oh! I almost forgot. I need to talk to Dark and I also need to investigate what's in that pharmaceutical company. It so impossible for Ice na mag-invest to that kind of business because ang layo nito sa line of business na meron siya. Unless bumalik ito sa dati niyang work before I met him. Tsk! Well I'm going to find out what's your secret Ice and I'm still hoping na hindi ako madi-disappoint sa malalaman ko pa.

Sa wakas narito na ako sa tapat ng building ni Dark. I'm wearing black rip jeans and black with touch of color gray shirt and my mouth mask. I also have my back pack. Kasalukuyan akong naghihintay sa labas ng coffee shop and base sa gps ko malapit na si Dark. Habang tinatanaw ko ang kalsadang dadaanan ni Dark, napansin ko ang tatlong motorsiklo sa katabing building na tila may inaantay. Masyado sila kahina-hinala dahil hindi nila tinatanggal ang helmet nila which means that they don't want to show their faces so no one can't identify them. Maya-maya pa ay natanaw ko na ang sasakyan ni Dark just two blocks away from his building. Kaya tumayo ako at naghanda na just incase may mangyari. Then suddenly, bigla hinarangan ng isang pares yung nasa malapit sa coffee shop nakatambay ang sasakyan ni Dark. May dala itong de kalibreng baril. Ganoon din yung dalawa pang pares na nasa magkabilang kalsada. Agad kong pinulot ang tatlong batong gapandesal ang laki sa malaking halamang nasa paso ng coffee shop at ibinato ang isa sa kamay na humarang sa sasakyan ni Dark. Nahulog ang baril niya kaya sinunod kong pinuntirya ang lalaking nasa katabing building ng coffee shop habang tumatakbo papunta sa unang pares na nasa gitna ng kalsada. Yung isang may hawak ng baril sa kamay tinamaan habang yung kasama naman ay sa leeg. Agad kong isinaksak sa leeg gamit yung dulo ng hawakan ng tinidor ang driver na nasa gitna ng kalsada. Isinunod ko naman yung may hawak ng baril at sa leeg ko rin pinatamaan kaya mabilis namatay yung dalawa. Buti na lang at walang kumakain sa labas ng coffee shop. Bigla na lang ako nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Tsk! Ako na pala ang binabaril ni hindi naman makatama. Anong klaseng hired killer ang mga ito hindi mga asintado. Kaya agad kong ibinato ang hawak kong tinidor at agad itong bumaon sa leeg ng bumabaril. Nakababa na ng motor yung ikalawang lalaki na binato ko at akma niya nang pupulutin ang baril na nahulog pero mas mabilis kong napulot ang baril ng lalaking una kong napatay. Kaya agad kong pinaputukan yung dalawa na tinamaan sa leeg at noo kahit pa nakahelmet pa ang mga ito. Huli kong binaril ang driver ng ikatlong motor na natataranta sa pagtakas. Wala pang tatlumpung segundo nang mapatay ko yung anim na lalaki. Haist! Kailangan ko na tuloy umalis ng hindi nakakausap si Dark. Kaya mabilis ko nang iniwanan ang lugar bago pa may humabol sa akin.

______________________

Dark's POV

Kamusta na kaya si Ripper? Until now hindi pa rin siya nagpaparamdam. It's Sunday morning but I still go to work. Sa dami ba naman kasing negosyo ni Ripper bukod pa sa mga negosyo ko kaya heto. Iba talaga ang utak ni Ripper sobrang nakaka-amaze. Kasi hindi ko naman talaga kakayanin na patakbuhin yung negosyo niya at negosyo ko ng sabay sa dami non. Pero dahil sa mga instructions niya, nagagawa ko ang lahat. Wala ding nagiging problema dahil maagap na naiiwasan. I'm two blocks away from my company ng biglang may humarang na motorcycle sa daraanan ko kaya agad kong inapakan ang preno. I lock all the doors of my car and get my gun under my seat. But I got shock. Bigla na lang nabitawan ng gun man yung baril niya at halatang nasaktan. Tila na may kung anong bagay na tumama sa kamay niya. Pagkatapos ay bigla ko nalang nakita si Ripper na may itinusok sa leeg ng dalawang lalaki na humarang sa kalsada at pagkatapos ay nagulat na lang ako sa putok ng baril. Nang tingnan ko ang pinanggalingan ng putok si Ripper na ang puntirya nila at hindi na ako. Bubuksan ko sana ang bintana sa left side ko para barilin yung bumabaril kay Ripper pero bumulagta na ito. At nang muli kong tingnan si Ripper, nakatutok na ang hawak niyang baril sa right side ko naman. Kaya nang sundan ko ito ng tingin ay bumulagta naman yung dalawang lalaki. At isa pang putok ng baril ang narinig ko. Pinabagsak niya na ang driver na nasa left side ko. In less than thirty seconds napatumba ni Ripper ang anim na hired killer. At base sa itsura ng anim, mukhang walang iniwang buhay si Ripper. Ganito pala siya kabilis at ka-precise kumilos. Walang sayang na bala at oras. Lahat ng binitiwang galaw ay sigurado. Ni hindi ko nga nagawang kumilos. Ngayon nakita na mismo ng mga mata ko kung paano makipaglaban si Ripper, mas lalo ko siyang hinangaan at nirespeto. Kung noon hindi ko mapaniwalaan kung paano niya napabagsak na mag-isa ang dating agency ko, ngayon may idea na ako. Kaya dapat lang siyang katakutan ng mga taong gustong kalabanin siya. Maya-maya pa ay nagkagulo na ang ilang mga tao sa paligid. Napalingon ako sa taong kumatok sa bintana ko.

"Sir, ayos lang po ba kayo? Nakatawag na po kami ng pulis at papunta na po sila. " sabi sa akin ng guard sa katabing building na pag-aari ko.

"Yes, I'm alright." hindi na ako bumaba ng sasakyan. Dito ko na lang hihintayin yung mga pulis na mag-iimbestiga. Suddenly I receive a text message from Ripper.

From : Ripper 

Dark, please don't tell the police that they tried to ambush you. Tell them that they chase someone you don't know. Just describe my outfit and how did I killed them. Para less stress ka na sa mga questions nila. Deny anything kung may  taong nakaaway o any threat sa buhay mo. Kalaban sa negosyo oo, but they're not a threat dahil normal lang may kakompetensya sa trabaho. They can check all the CCTV' s in the area. Let's talk some other time na lang. erase this after you read.

Ang bilis talaga mag-isip ni Ripper. Hindi na ako mahihirapan pa ng sasabihin. Pero ano kaya yung gustong sabihin ni Ripper?

Code Name: RipperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon