Anthony's POV
Haist! Ano kaya sinabi nung dalawa kay Athena at tinanong ako ng ganun? P-ufff! Baka nag-aya na ng date yung dalawa. As if namang yayayain ko sya ng date. Hindi ako napatol sa alien. Asa sya!
Nandito kami ngayon sa bahay namin dahil tinawagan kami ni mommy. Kahit may kanya-kanyang condo kaming triplets sa condominium na pag-aari ni tito na malapit sa school, every weekend ay umuuwi pa rin kami dito sa bahay o kagaya ngayon kapag tinawagan kami ni mommy. Kumpleto na kami sa hapag-kainan at masayang nagku-kwentuhan.
"Kamusta na nga pala ang result ng exams nyo mga anak? May teacher ba kaming kailangan kausapin para makapasa kayo?" birong tanong sa amin ni mommy. Eh, si Bradley lang naman lagi yung alanganin ang grades.
"Ok lang naman po yung mga grades namin mommy. Wala po kayong kakausaping teacher para makapasa ako. Saka mommy hindi na si Cyrus yung top one ng klase namin." pang-aasar ni Bradley kay Cyrus.
"Eh, anong magagawa ko? Bukod sa scholar yung tao, mukhang genius pa. Mas naintindihan pa nga namin yung solution nya sa board kaysa sa turo ni Miss Villegas." Tsk! Imbes na maasar kay Bradley, pinuri pa ni Cyrus si Athena.
"Really? Scholar ba sya ng school natin?" interesadong tanong ni Dad.
"No, Dad. Scholar from FOXNAV company. Transferee po sya. " sagot ni Cyrus.
"Tapos Dad, partida pa yun. Late na syang nakapag take ng exam. Mga less than thirty minutes tapos isa lang ang mali nya. Para ngang sinadya nyang malian yung sagot sa pinakamadaling tanong ng exam." sobra naman ang pagmamalaki ni Bradley kay Athena. Kaya di ko na natiis at nakisali na ako sa usapan nila.
"Tsk! Palibhasa kasi alien yun kaya advance ang utak." masungit kong sabi sa kanila.
"Bakit ba ang init ng dugo mo kay Athena? Bukod sa matalino, maganda naman sya kahit hindi palaayos. " tanong sa akin ni Cyrus.
"Nagtanong ka pa. Walang alien na maganda at ke-babaeng tao ang angas. Late na nga sya kumuha ng exam, tapos ang aga naman ipinasa ung last na exam natin that day. Pakitang gilas masyado tapos ngayon hangang-hanga pa kayo." mahabang paliwanag ko kay Cyrus.
"Ano naman masama sa late kumuha at maagang natapos? Kahit naman siguro ikaw ganun din ang gagawin, lalo't wala kang tyagang maghintay. Saka mukhang busy sya kaya nagmamadali. " sige pagtanggol pa more! Ang haba tuloy ng sinabi nya. Tsk!
"Grabe lang ipagtanggol, ah! Bakit? Napapayag mo na ba sa date nyo?" asar tanong ko kay Cyrus kaya bigla nalang ito nanahimik.
"Ako sinubukan kong yayain kaso busy pa daw sya." medyo malungkot na sabi ni Bradley.
"Oo nga busy pa daw sya." sabi nalang ni Cyrus habang ako, pigil sa pagtawa. P-ufff! Sabi lang nila yon dahil ayaw ni Athena. Hindi ko na kinulit pa si Cyrus baka magkapikunan pa kami dito sa harap ng parents namin. Yari na naman kami kay Dad pag nagkataon.
________________
Third Person POV
"Okay class, listen! I want you to group into five groups. It will be six member for each group. I'm gonna give you a group project for your midterm. Yung grade na makukuha nyo for this project will be the same grade na makukuha nyo for your midterm exam." sabi ni Miss Villegas. May mga natuwa at meron ding disappointed. Agad na nagsalita si Bradley.
"Athena! Kagrupo ka na namin kaya huwag mo na silang pansinin." maagap na sabi ni Bradley. Marami tuloy ang nainggit kay Athena dahil kagrupo nya ang sikat na triplets. Yung iba, sobrang panghihinayang dahil panigurado mataas ang makukuhang grado kung sino man ang maging kagrupo ni Athena.
"Tsk!" tanging reaksyon ni Athena.
"Yung isa pa nating kagrupo ay si pareng Jake kaya isa na lang ang kulang." nakangiting sabi ni Bradley.
"Si Rex na lang yung isa. Ayoko ng babaeng kagrupo baka iba pa ang mabuo." sabat naman ni Anthony.
"Bakit si Athena, okay lang sayo? Eh, babae naman siya?" nakakalokong tanong ni Cyrus.
"Akala mo lang na babae sya. Pero ang totoo... alien yun. Pasalamat sya sa utak nyang may laman kaya pumayag akong maging kagrupo sya." mahabang sagot ni Anthony.
Pagkatapos ipaliwanag ni Miss Villegas ang group project nila, binigyan nya ng time ang buong klase na mag-grupo at pag usapan ang gagawin.
"So kailan natin sisimulan ang project natin?" tanong ni Rex sa kagrupo.
"Sa Saturday pwede na nating simulan ang brain storming. Doon nalang tayo sa condo ko." sagot naman ni Cyrus.
"Okay sige. Doon nalang tayo sa place mo Cy... Hoy, Athena number mo? Ite-text ko sayo yung address ni Cyrus." masungit na sabi ni Anthony kay Athena.
"Sabihin mo na lang. Matandain naman ako." maikling sagot ni Athena. Halatang ayaw ibigay ang number.
"Hoy! Wala akong balak na itext-mate ka! Hindi kagaya mo ang tipo ko. Huwag ka nga feeling!" nanggagalaiting sabi ni Anthony.
"Tsk! Dami sinabi. Heto na." Agad na nilabas ng apat yung cellphone na ikinagulat ni Anthony. Napailing na lang si Anthony at kinuha na rin nya ang cellphone nya.
"Suggest ko lang. Baka pwedeng magresearch na kayo ng topics para sa Saturday, kung kanino yung pinaka maganda yun yung gawin natin." sabi ni Cyrus na sinang-ayunan naman ng lahat.
Excited yung apat na lalaki dahil makakasama nila si Athena maliban kay Anthony.
YOU ARE READING
Code Name: Ripper
ActionMy name is Ripper. I was one of the special assassin in Black Sanctuary. I was raised by them and they teach us how to kill. But because I found out their deepest secret, they did kill me. Well, that's what they thought. Ngayon pulido na ang plano...
