Chapter 20 - It started with the KISS

1.7K 39 0
                                        

Anthony's POV

Nakalabas na ng pintuan si Athena para bilhin yung mga pinabili namin. Sinadya ko talaga na lumabas ng ganito ang itsura para akitin sya. Siguro naman may epekto ang masarap kong katawan sa kanya. I can't wait na mapasa akin na ang Ferrari ni Troy.

"Sino yun?" tanong sa amin ni Troy.

"Siya si Athena yung pinagpustahan natin last night. Kaya ihanda mo na yung Ferrari ko." Nakangiting sabi ko kay Troy.

"Sayang hindi ko masyadong napagmasdan. Mamaya na ako uuwi." curious na sabi ni Troy.

"Anong pustahan?" biglang tanong ni Jake. Hindi nya ba alam?

"Umalis ka kasi non para magbanyo kaya hindi mo nalaman yung pustahan nila Anthony at Troy. Kapag napasagot ni Anthony si Athena sa loob ng isang bwan para maging gf nya, ibibigay lang naman ni Troy yung latest model na Ferrari kay Anthony." paliwanag ni Rex kay Jake.

"H-ha? S-sigurado ba kayo? Ibang tao na lang kaya ang pagpustahan nyo huwag na si Athena." medyo nauutal na sabi ni Jake. Ano naman kayang problema kung pagpustahan namin si Athena?

"Uy, bakit naman hindi? May gusto ka ba kay Athena?." tanong naman ni Bradley kay Jake.

"Wala at wala akong balak magpakamatay. Hindi pa natin lubusang kilala si Athena kaya ingat din sa paglalaro." sabi ni Jake. Ano ba to? General statement o warning?

"Tsk! Whatever!" Hindi ko na iintindihin yung sinabi ni Jake baka nagseselos lang at hindi maamin sa amin na may gusto sya sa alien na yun.

______________________

Athena's POV

After fourty five minutes nakabalik na ako sa unit ni Cyrus bitbit yung mga pinamili ko. Mga nagsisipagkainan pa lang sila. Niyaya nila akong kumain pero tumanggi ako. Umupo muna ako sa may sofa na nakaharap sa dining table para kita ko ang mga kilos nila at inilabas ko ang aking loptop. I check again my four knights. Si Eros mukhang tulog pa. Base sa location na nandoon pa siya sa bahay nya sa mismong bedroom nya. Sina Dark and Fire nasa kaniya-kaniyang opisina nila. But to my suprise si Ice naroon ulit ito sa pharmaceutical company. Same location just like the last time. Sa peripheral vision ko nakita ko na papalapit na si Bradley. I immediately close the program and open where our project is saved.

"Hey Athena, baka naiinip kana. Would you like to watch some movies?" tanong sa akin ni Bradley. Sa triplets si Bradley ang pinaka maasikaso kaya naman hindi ko na siya masyadong dinededma.

"I'm good, don't worry. I also double check our report just incase I missed something." sabi ko kay Bradley.

"Alright! Just feel at home kahit kay Cyrus itong unit. Huwag ka mahihiya sa amin." nakangiting sabi ni Bradley na tinanguan ko na lang. Bumalik na ito sa dining table para kumain at makipagkwentuhan sa mga kasama. Pagkatapos nilang kumain, ipinakilala nila sa akin si Troy na grabe ang ngiti. Nang makaalis si Troy, doon pa lang kami nagstart na tapusin at i-distribute yung report. Sa wakas natapos din kami after three hours. Kasalukuyang naghahanda ng mirienda sina Cyrus at Anthony samantalang naglatag ng sapin at nalagay ng mga unan si Bradley sa tapat ng tv para upuan. Sinet-up niya kasi yung PlayStation ni Cyrus habang ako naman ay nakaupo sa sofa medyo malapit kay Bradley. Kasama niya nang naglalaro si Rex at Jake. Inaya ako nila Bradley pero tumanggi ako dahil nag-aayos pa ako ng gamit ko. At saka baka maangasan sila sa akin kapag natapos ko yung game na yon. Maya-maya pa ay lumapit na yung dalawa. Haist! Grabe ang ingay at ang liligalig nila. Naghaharutan yung apat maliban kay Rex na tuloy sa paglalaro. Tumayo ako para sana kumuha ng tubig ng biglang hampasin ni Bradley ng unan si Anthony kaya na out of balance siya. Kaso bigla na lang nahablot ni Anthony ang braso ko kaya para hindi ako bumaksak kasama niya, hinigit ko pabalik ang braso ko. Kaso hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari...

Hindi nabitawan ni Anthony ang braso ko ng higitin ko yun. Dahil sa lakas ng pwersa ng paghigit ko, napunta sa akin ang bigat ni Anthony kaya hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ko sa sahig kasama si Anthony. Parang slow motion ang mga pangyayari. Habang unti-unti kami bumabagsak, bigla naipit naman ang mga braso ko sa pagitan ng magkabilang braso at katawan ni Anthony na para bang papayakap ako sa kanya ganun din siya sa akin. Basta natulala na lang ako ng lumagpak na kami sa sahig. Nasa ilalim ako at siya naman sa ibabaw habang magkalapat ang aming mga labi. Hindi ako makakilos dahil naipit ako sa katawan niya.

Dugdug!... Dugdug!... Dugdug!...

Shit! Ang puso ko nagwawala! Aatakihin na ata ako sa puso. Hindi ako makahinga ng ayos. Heto na ba ang katapusan ko?

_______________________

Code Name: RipperWhere stories live. Discover now