Chapter 7 - It All Started with the Bet

2.3K 58 0
                                        

Athena's POV

Pagpasok ko sa school nakita kong nagkukumpulan ang ibang mga estudyante. Habang naglalakad ako ay narinig ko ang iba na mahinang tumatawa.

"Lagot sya sa grupo nila Faye ngayon. Lakas din kasi ng loob kay bago-bago sila Faye pa yung kinalaban." narinig kong sabi ng isang babae.

So, Faye and her gang has planning something against me. Hindi ko muna sila papatulan ngayon. I need to save my energy for tonight. Maingat kong minamanmanan si Senator Ramirez. And tonight I'm going to enter his lair.

After ng morning classes ko dumaretso ako sa canteen. Hindi ko pa nakikita ang abc triplets. Kaso sa kasamaang palad sinalubong na ako ni Faye and her bitches. So bale mga sampu sila ngayon.

"Well... well... well... Its payback time bitch!" maarteng sabi ni Faye. Agad akong pinalibutan ng grupo nya. Maya-maya pa ay may naramdaman akong malamig na likidong umaagos mula sa ulo ko hanggang pababa sa katawan ko. Tubig pala ito na may food color na red. Tsk! pasalamat sila at wala ako sa mood. Pagkatapos naramdaman ko ang malakas na dampi ng kamay galing kay Faye at may dalawang babae na nakahawak sa mga braso ko. May sumuntok sa akin sa tagiliran, sa tyan at sampal ang naranasan ko sa mga kasama ni Faye.

"Itigil nyo na yan!" sabi ng isang baritonong boses kaya agad na tumigil ang grupo nila Faye. Buti dumating na si Anthony kasama yung mga kakambal. Nang matitigan ko ang mata ni Anthony napansin ko medyo malungkot ito habang nakatingin sa akin.

"Anthony, malaki kasi ang kasalanan ng babaeng ito sa akin. Pinahiya niya kasi ako noong isang araw." paliwanag ni Faye.

"Ah, yun ba yung natapunan ka sa damit ng dala nyang pagkain? Eh, ikaw kaya may kasalanan non. Balita nga sa buong campus yun. Gusto mo rebyuhin natin yung CCTV." nakangiting sabat ni Bradley samantalang tahimik lang si Cyrus. Hindi naman makapagsalita si Faye.

"Ayun naman pala. Alam nyong ayokong may nag-aaway dito sa loob ng campus lalo na kung walang kwenta ang dahilan. Kapag naulit pa ito, sisiguraduhin kong may kalalagyan ang grupo nyo! Maliwanag ba?" seryosong sabi ni Anthony.

"Oo, Anthony!" sabay-sabay sabi ng grupo ni Faye.

"Umalis na kayo sa harapan namin. Ang sakit nyo sa mata!" singhal ni Anthony kaya dali-daling umalis ang grupo ni Faye.

"Salamat!" tipid kong sabi kay Anthony.

"Huwag ka kasing maangas. Hindi mo naman sila kaya. Tsk!" pasupladong sabi ni Anthony. Kung alam nya lang ang totoo. Baka pati sya ay matakot sa akin.

"Basta kapag ginulo ka pa rin nila, pwede mong isumbong sa amin. Kami na ang bahala." nakangiting sabi ni Bradley.

"Umalis ka na nga! Ang pangit mo!" muling singhal sa akin ni Anthony. Kaya umalis na ako sa harapan nila.

______________

Anthony (POV)

Hay naku! Isang nakakatamad na araw na naman. Aga-aga nasermonan pa kami ni Dad bago pumasok. Pano kasi pasaway si Bradley pati tuloy kami ni Cyrus nadamay. Kaya medyo late na kami nakarating. Napansin namin ang mga nagkukumpulang estudyante ng dumating kaming magkakapatid.

"Ano kayang meron dun? Tara tingnan natin!" curious na sabi ni Bradley.

"Kalalaki mong tao napaka-tsismoso mo. Ayoko maraming tao dun." inis kong sabi kay Bradley.

"Tara na pumunta na tayo dun. Baka may pinagti-tripan na namang estudyante ang ibang frat. Mamaya malaman ni Dad na wala tayong ginawa, eh di yari na naman tayo nyan." seryosong sabi ni Cyrus.

"Hmp! Sige, tara na pumunta na tayo dun. Huwag ka nang pasaway kasi Bradley. Alam mo naman yon si Dad, isa lang sa atin ang may kasalanan pero lahat tayong tatlo ang nasesermonan."asik ko kay Bradley.

Paglapit namin sa tumpok ng mga tao, nakita ko na may sampung estudyanteng babae na member ng isang sorority. Pinagtutulungang nilang bugbugin ang isang kaawa-awang estudyanteng babae. Nang lapitan namin, nagulat ako na si Athena pala yung binubugbog nila. Bukod pa dun daig pa ang basang sisiw dahil kitang kita ang likido na umaagos pababa sa kasuotan nya. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na sitahin sila kaya naman umalis na ang grupo nila Faye.

"Salamat." buti marunong pa palang magpasalamat itong si Athena.

"Huwag ka kasing maangas. Hindi mo naman sila kaya. Tsk!" inis kong sabi kay Athena. Napaka war freak kasi.

"Basta kapag ginulo ka pa rin nila, pwede mong isumbong sa amin. Kami na ang bahala." nabigla ako sa sinabi ni Bradley pero hindi ako nagpahalata. Mukhang may balak pang landiin si Athena. Tsk!

"Umalis ka na nga! Ang pangit mo!" inis na sabi ko kay Athena. Baka makipaglandian pa sa harapan ko. Mabuti at umalis na rin ito.

"Bakit ba ang sungit mo kay Athena? Kawawa na nga yung tao, eh." pangongonsensya sa akin ni Bradley.

"Oo nga. Huwag mong sabihin na issue pa din sau yung pagsipa nya sa upuan mo? Nung isang araw pa yun ah." Himala! Biglang nagsalita na si Cyrus samantalang kanina di makausap.

"Alam ko na kung bakit. Dahil sanay lang yan si Anthony na laging syang nginingitian at nagpapa-pansin sa kanya ang mga babae. Hindi kasi umubra kay Athena yung kagwapuhan nya! Hehehe!" pang-aasar sa akin ni Bradley. At nagtawanan pa talaga yung dalawa.

"Leche kayo! Kung hindi umubra yung kagwapuhang ko na sinasbi nyo, hindi rin kayo uubra kay Athena. Dahil kahit magkakamukha tayong tatlo, mas gwapo ako sa inyong dalawa." balik asar ko sa kanila. Kala naman nila papatalo ako.

"Ganito nalang. Yayain natin makipag date si Athena. Kung kanino sya sumama sa isa sa atin sya na ang pinakagwapo. Ano? Date lang naman hindi kailangan ligawan." nakangising sabi ni Bradley.

"Okay sa akin yon. Huwag kayong iiyak kapag ako ang pinili." sabi naman ni Cyrus.

"Umiral na naman ang kamanyakan nyo! And no way! Hindi ako sasali sa kalokohan nyo. Hindi pa ganon kababa ang standard ko sa babae para makipagdate sa kagaya ni Athena." grabe lang ang kamanyakan ng dalawa.

"Anthony, bulag ka ba? Hindi pa nga nag-aayos si Athena may dating na. Eh, pano kung nagdress na sya? Baka mahigitan pa nya yung standard na sinasabi mo at magsisi ka sa huli." mahabang litanya ni Bradley.

"Kayong dalawa nalang ni Cyrus. Basta ako, ayoko!" mariing tanggi ko sa kanila.

"Sige tayong dalawa nalang Bradley at huwag mo nang pilitin yang si Anthony. Basta within two weeks lang kung kanino sya sumama sya nang panalo." nakangiting sabi ni Cyrus.

"Kahit nga one week lang. Pero sige two weeks mo na at mukhang challenging naman ang yayain sa date si Athena." excited na sabi ni Bradley.

"Ako ang pusta ko hindi uubra ang kamanyakan nyo kay Athena dahil may pagka-alien yung babaeng yon. Hay naku! Tara na nga. Mamaya nyo na pag-usapan yan sa tambayan at late na tayo. " sabi ko sa kanila kaya nauna na ako maglakad papuntang classroom.

Code Name: RipperWhere stories live. Discover now