Chapter 48: Midnight Memories

1.1K 38 2
                                    

Chapter 48: Midnight Memories

---

Isang sigaw ang narinig ko sa may baba. I looked at Luhan. He smiled at me. "Nandyan na sila." natatawa niyang sabi sa akin.

Kaagad naman akong bumaba para makita sila. Sinalubong nila ako kaagad. "Bruha ka! Ikakasal ka na talaga ngayon?" tanong ni Yuri sa akin.

I nodded. "Hay nako Yoona, kung alam mo lang." Kai said. Ngumuso naman si Yuri sa asawa.

"Wait, bakit tayo nandito?" Napalingon kami kay Fany. Yinakap naman niya ako bigla. "Ikaw ba yung surprise? May nangyari ba?"

Mukhang hindi niya alam kung bakit siya nandito. "She doesn't know." Chanyeol mouthed. Gets na namin kung bakit hindi sa kanya sinabi.

"Fany eonni, pwede mo ba akong ayusan?" tanong ko naman sa kanya.

Her eyes twinkle. "Oh yes naman. Kelan ba?" tanong niya sa akin. Nako, ihahanda ko na ang mga tenga ko.

"Ngayon na eonni. Ikakasal na ako." I said with a sheepish grin.

"Oh sige. Ikakasal ka na pa--WHAT? KAYA BA PINADALA SA AKIN NI YEOLIE YUNG GAMIT KO? MY GOSH!" Tinakpan naman ang mga tenga namin dahil sa lakas ng boses niya.

Nagpeace sign naman si Chanyeol. Nagsidatingan na din yung iba pa. Naghiwalay muna kaming Exo at SNSD.

"Eonni! Congrats~~" pakantang sabi ni Jen. Si Sulli naman ay todo ang picture sa amin. "I'm so happy for you~~" This kid, aish. 

"Ako na mag-aayos sa buhok ni Yoona." Sunny said. "May mga damit akong nailagay sa may kotse, pakuha naman Soo."

"Sige sige." mabilis niyang sagot.

"Sorry sa abala ha. Baka naman nakaistorbo ako?" pabiro kong sabi sa kanila.

Tumikhim si Taeyeon sa akin. "Hindi ka abala Yoona. Nagulantang kami ng marinig namin na ikakasal ka." She said while laughing.

"I'm happy for you eonni. Yung regalo namin ay nasa baba na." sabi pa ni Seo habang tinutulungan si Sunny sa buhok ko.

"May tatawagan lang ako." sabi naman ni Yuri sa amin.

"Maganda yung damit na ito Yoona." pamaya-mayang sabi ni Hyoyeon. I looked at the dress. Maganda na siya. "Easy access." She winked at me.

Siniko naman siya ni Sooyoung. "Ikaw talaga, you're corrupting her. Mamaya palang yan macocorrupt." She explained. Nakita ko na binatukan sila ni Taeyeon.

"Uy si Taeyeon, corrupted na." asar naman ni Yuri nang marinig niya yung usapan namin.

"Wow Yuri eonni, kayo nga po ni Kai eh s--" Tumaas ang kilay ko kay maknae. I looked at Yuri who is currently red right now. Kita mo to, halatain talaga.

"I'm done!" Fany eonni said. Ang galing niya talaga sa ganitong bagay. In just a couple of minutes ay natapos na akong ayusan. Isinuot ko naman yung damit na binigay sa akin ni Sunny.

"Wait, magpalit ka ng undergarments." utos sa akin ni Hyoyeon. Napatingin naman ako sa suot ko.

"Yeah, dali. Isuot mo to." May iniabot naman sa akin si Sooyoung. Tiningnan ko naman ito. "Come on Yoona. Dali na~" kantyaw niya pa sa akin. Kinuha ko naman yung binigay sa akin at isinuot ko.

"Magkakapamangkin na kami niyan, Yoona." bulong ni TIffany sa akin.

"H-Ha? Si Fany eonni!" nahihiyang sabi ko sa kanya. She just winked at me. Nagtawanan naman silang lahat. Oh how I miss them! "Group hug!" sigaw ko naman.

We were Liars || ExoShidaeWhere stories live. Discover now