Chapter 33: Mirror on the Wall

1.2K 71 59
                                    

Chapter 33: Mirror on the Wall

---

Kim Taeyeon's Point of View

Halos mabaliw kami kaiisip na kung ano na ang nangyari kay Yoona na bigla nalang naglaho na parang height ni Sunny. "Wag niyong idamay ang namatay kong height dito." inis niyang sabi sa amin.

Nagkibit balikat lang ako at mukhang nailakas ko pala yung sinasabi ng utak ko. "Ano bang nangyari Yoona?" tanong ni Fany na akala mo ay imbestigador dahil sa coat niyang neon pink! "Bakit nasa villa ka ng mga guys? May ginawa ba sila sa iyo?"

Kung ako naman yung nasa kalagayan ni Yoona ay baka tumahimik nalang ako dahil ang daming tanong ni Fany. "Isummary mo nalang yung buong nangyari. Gawan mo ng one sentence." suggest naman ni Sooyoung.

"Wala namang nangyari." sagot naman ni Yoona. Sabay-sabay naman kaming nag-ohhh dahil hindi pa kami masyadong convince sa sinabi niya.

"Girls! Let's go." Napalingon kami kay Dr. Park na nasa pintuan namin. She's waving her hands at us. Mukhang excited siya ngayong araw. "Wear something comfortable, we're having an activity. Be on the ground after an hour."

Tumango naman kami at umalis na nga si Dr. Park. "Fany, diba sister-in-law mo yun?" pang-aasar ni Hyoyeon. "Dapat nagpapalakas ka na sa kanya. Para naman kapag pupunta tayo sa kanya kapag may session ay hindi niya tayo tanungin ng bongga."

May point naman si Hyoyeon. We're under Dr. Park's care. Noong mga panahon na wala kami sa sarili. We often go to her. She helps us a lot. Kaya nagulat kami na kapatid niya si Chanyeol. We trusted her na hindi naman siya magkwekwento kay Chanyeol.

I saw Fany frowned at Hyoyeon's remarks. "Walang ganon guys. Move on din pag may time." sabi naman niya sa amin. Hindi naman kami naniwala sa kanya. She loves him. Kita naman talaga sa actions niya.

Napabuntong hininga naman ako. Kasalukuyan namang nasa kusina si Yoona at Sooyoung at nililigawan yung ref. Hindi ko alam sa dalawa na yun at parang walang katapusan ang gutom nilang dalawa.

Nang mga ilang minuto ay natapos na yata yung jamming sessions ni Soo at Yoong dahil sabay silang bumalik dito sa sala. Nauna naman nang maligo yung iba dahil may activity pa daw kami.

"Ano Taeng, magsosolo ka ba?" Nagulat ako sa tanong ni Sooyoung. Tinutukoy niya yata yung magaganap na finals namin.

Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko alam. Bahala na." sagot ko naman sa kanila.

I sighed. Baka nga mas okay kung sa kanta ko nalang sasabihin ang gusto kong sabihin sa kanya?

---

Nakarating kami sa venue at nakita namin na Exo, Bts at kami lang ang nandito. Sinabi sa amin na may ibang activity ang ginawa ng ibang grupo kaya hindi sila makakapunta sa ngayon.

Inayos namn yung upuan namin para macreate ng bilog na shape. Nagtabi-tabi naman kaming SNSD.

"We're playing, Mirror on the Wall." pamaya-mayang sabi ni Dr. Park sa amin.

Nagtaas ng kamay si Jimin. "Yun ba yung sa Disney movies? Ano nga ulit yun?" tanong naman niya.

"Snow White." sagot naman ni Jungkook. Nakipag fist bump naman sila sa isa't isa. Mga isip-bata talaga ang mga ito.

Binigyan naman kami ni Dr. Park ng papel isa-isa. May kasama ding pentel yung papel. "Place that on your back." sabi naman niya sa amin. Binigyan niya din kami ng double sided na tape.

Nagpatulong ako kay Fany na maglagay ng paper sa likod ko. I also help her in return. Pinaupo naman niya kami kahit saan pero within the room lang. Syempre ay tabi-tabi kaming SNSD.

We were Liars || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon