Chapter 7: Devil's Trap

1.5K 80 3
                                    

Chapter 7: Devil's Trap

---

Tiffany's Point of View

Ang weirdo ni Hyoyeon kaninang lunch. Akala ko pa nama seryoso sa announcement kuno na yun pero hindi naman pala. Pagkatapos naming mag pillow fight ay umalis na sila para sa class nila.

Mamaya pa naman yung class ko kaya tambay muna ako dito. Napansin ko na umilaw yung phone kaya tiningnan ko naman at nakita ko na may unread message.

---

From: Dr. Park

See me at the old library after class.

---

Agad naman akong napasimangot. I really hate her surname. Tsk. Don't ask me why. Diba nasabi na nilang bitter ako, edi paninindigan ko nalang.

Hindi na ako nagreply at tinago ko na phone ko sa bulsa ng palda ko. I need to follow her rules kundi ay lagot ako kay mommy. She will definitely sue me kapag hindi ako sumunod sa doctor na yun.

Time flies so fast. Kahit tinatamad akong pumasok ay kailangan ko. I chose the night sched simply because I hate people, especially the male species. Ewan ko ba, all these years ay parang naging hobby ko na ata ang magjudge ng mga katulad nila.

"Stephanie."

Here we go again. Kelan ba titigil ang isang ito? Kaya ayoko sa mga katulad nila.

I just ignored him pero sinundan parin niya ako. Hindi pa ba sapat na halos mabali ko na lahat ng buto niya sa kamay pero lapit parin siya ng lapit sa akin?

"Babe, uwi ka na. Di na ako galit."

That's it. Puno na ako. Kinuha ko naman yung module kong hawak at binato sa mukha niya. I don't care kung gwapo pa siya o anuman. I just want to be alone. Ayokong makakita ng mga katulad niya.

"Love hurts kaya lagi mo akong sinasaktan. Tsk. I will not definitely give up on us."

Damn that guy.! Ang lakas talaga ng confidence ng J-hope na yan. Tsk. Naaasar lang ako sa pagmumukha niya. Tumakbo na agad ako sa classroom namin.

"May marathon?" Tanong ni Yuri. Inirapan ko lang siya. Inabutan naman niya ako ng tubig habang tumatawa.

"Uy hindi ka late. Anyare eonni?" Seohyun asked. Minsan akala ko na ibang maknae na ang kaharap ko.

"May nakita akong gorilla na nakawala sa zoo." Pagdadahilan ko lang. Taeyeon just stared at me. Dahil nga sa frustrations ko ay dumukdok nalang ako sa desk ko.

"Hello guys." Bati sa amin ng lit prof ko. She's one of the best prof I've ever have. "I'm giving some of you a special project."

Lahat naman kami tumahimik dahil sa sinabi niya. "Sinong magvolunteer?" She asked. Wala namang nagtataas ng kamay kaya nagtaas ako ng kamay. "Wow, great Fany. Para sa inyo talaga ang project na ito."

Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi niya. "Na kay Dr. Park yung mga gagawin niyo since I have things to do."

Tumango nalang ako at hinatak paupo ni Yuri. "Tiffany, tsk. Anyare sayo? Nakakatamad kayang gumawa ng project."

"Tulungan niyo nalang ako." Sabi ko naman. Nagsitanguan naman silang lahat. Iniwan ko muna sila since ayaw nila akong samahan sa lumang library.

Yung lumang library ay malapit lang sa tree house namin. Nasa pinaka itaas na floor yung lumang library. Kaya kesa naman akyatin ko ng 10th floor ay nagelevator nalang ako.

Nang isasara ko na yung elevator ay may pumigil dito. "Hala, okay ka lang?" Agad kong tanong dahil naipit yung kamay niya, buti nalang at napindot ko yung hold button.

We were Liars || ExoShidaeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu