Chapter 30: School Camp 2017

1.2K 61 31
                                    

Chapter 30: School Camp 2017

---

Chen's Point of View

Holy shems! Ang laki ng venue ng retreat namin. "Mas malaki pa ito sa inaasahan ko." bulong ni Jimin.

"Actually, mas malaki pa ito sayo." komento ni Jin sa kanya at nagbatukan na silang dalawa.

Nakita naman namin na nakapark na yung sinakyang bus ng SNSD nang may mapansin kaming hindi tama. "Nakikita niyo ba yung nakikita ko?" sabi naman ni Dyo.

May mga lalaking bumaba sa bus ng SNSD. Kumunot naman yung noo naming lahat. "Hindi kami naorrient." inis na sabi ni Lay.

Nakita namin na balak yatang tulungan nung mga lalaki yung SNSD kaya gaya ng inaasahan ay naging marathon yung pagpunta namin sa kanila.

"Ako na." sabi ko naman sa humawak sa gamit ni Hyoyeon. "Kaya ko na to, Lay dalin mo yung isa." Tumango naman si Lay.

"Ah, sige. Bye Hyo." Napalingon naman kami sa sinabi nung lalaki.

"Close kayo?" di ko mapigilan na tanong sa kanya. First name basis eh.

Umirap naman si Hyoyeon. Bakit ang ganda niya kahit masungit? Tinakpan naman ni Lay yung mata ko kaya inalis ko yon. "Alam ko iniisip mo." bulong niya.

Binatukan ko naman siya at makikichika nalang ako sa iba. Pinuntahan ko naman si Tiffany. As usual, ay buong bahay yata yung dala niya. "Kapag nagasgasan yan. Humanda kayo sa akin." Nako, eh under naman si Chanyeol at Suho dyan. Goodluck. "Hoy, Chen. Tumulong ka."

"No thanks." sabay takbo ko paalis sa pwesto nila. Hinihiyawan na nila ako pero hindi na ako lumingon.

Nakita ko naman na mukhang busy si Luhan at JK sa paghahanap kay Yoona. Nakita ko naman yung pamilyar na pigura. Napangiti naman ako. Lumakad naman ako at inakbayan siya. "Yoona." bati ko naman.

Nagshh sign siya sa akin. "Wag kang maingay." She said.

I smirked. "Haba ng hair!" pang-aasar ko sa kanya pero inirapan lang niya ako. "Tapatin ko nga ako Yoona, tao ka ba?"

She was taken aback of what I said. Mukhang nalilito siya kasi bigla siyang namutla. "B-baliw ka ba? Malamang! Ano ako? M-multo?" She said.

Natawa naman ako kasi ang cute niyang maguluhan. "Ang ibig kong sabihin ay hindi ka tao dahil ang dyosa mo! Saan mo naman pinulot yung multo? OA kekeke." I replied.

Imbis na sagutin ay hinambalos na niya ako ng bag at tumakbo palayo.

Sadista.

Nang mapadaan naman ako kay Sunny ay lumapit ako at magbless sana. "Lumayo ka sakin baka makagawa ako ng kasalanan." She said.

Nginuso ko naman si Xiumin hyung na nasa tabi niya. "Masayang gumawa ng kasalanan kasama yan!" masayang sabi ko kaya agad na akong tumakbo dahil pinandilatan ako ni Xiumin hyung.

"Ay malaki mata!" Nagulat ako kasi nasa harap ko na si Dyo. "Dyo naman, muntik mo nang makuha ang first kiss ko! Nakareserve to ka--"

"Kanino Chen hyung? Sa aso ko?" sabat naman ni Kai. Tsk.

I mimicked what he said. "Eh kesa naman sayo sunog na Kai, walang pag-asa!" asar ko sa kanya.

Sakto naman dumaan si Hyoyeon na kasunod si Lay. "Balita ko Hyo ay LDR tayo!" sigaw ko naman sa kanya.

Napatigil naman siya. "Ha?" She asked.

I smiled. "LDR." ulit ko ulit sa sinabi ko. "La Daw Relasyon hahaha."

We were Liars || ExoShidaeWhere stories live. Discover now