Chapter 1: Dangerous Women

2.4K 97 16
                                    

Chapter 1: Dangerous Women

---

Yoona's Point of View

"That's all for today." Yan ang the best line na narinig ko mula sa professor ko. Alam ko naman na hindi ako belong dito. Ako na feeling.

Feeling student lang.

"Yes!" Sigaw ko naman. Nakita ko naman na lumabas na ng room yung girl crushes ko. Sinundan ko naman sila sa pupuntahan nila.

"Where do you think you're going?"

Nag-init naman yung ulo ko ng harangan ako ni Jungkook. Englisherong koreano ang isang ito. Umirap naman ako sa kanya sabay flip hair.

"You're crazy." He said while looking at me. Pati ako nahahawa sa pananalita niya.

"Maka crazy ka diyan! Bakit ba kinakausap mo ako? Edi ikaw ang mapagkakamalang baliw. Hmp!" I said. Binunggo ko naman siya ng bongga.

I decided to follow my girl crushes. Aba, interested din naman ako sa kanila. Mukhang iba ang sched nila since senior na sila.

Huminto sila sa parang tree house. Medyo malayo na ito sa mga building nang mga students. Actually, walang halos na nagdadaan dito. Ano naman kaya ang gagawin nila?

"We're here!" Sabi naman ni Sooyoung. Umakyat sila kaya naman umakyat din ako kahit hindi ako invited.

Pagkapasok ko ay namangha ako sa nakita ko. Ang ganda ng structure sa loob. Pati yung mga tao dito ay magaganda.

"Absent ka na naman, Fany." Puna ni Hyoyeon. Yung babaeng tinutukoy niya ay nakaupo at may hawak na libro.

"Alam niyo naman kung bakit." She said. Isinara niya yung librong hawak niya at tumingin sa mga kasama niya. "Hindi ko talaga kaya."

"Sasamahan ko nalang si Yuri sa night sched. Pumayag na naman si Taeng at yung mga prof natin." Paliwanag na pa niya. Wow, mukhang prestigious yung school na ito kasi may night schedule.

Mukhang seryoso yung pinag-uusapan ng mga tao dito.  "Guys, Theology na next class." Kumunot naman yung kilay ko dahil sa nakita ko. Ang cute niya. Pwede siyang gawing key chain.

"Sus. Kung ikaw lang ang magtuturo ay aabsent nalang kami." Biro naman nung isa. Nilapitan ko naman siya para tingnan yung ID niya. "Geez. Bakit lumamig?"

Ay nagpaparinig ata tong isang ito. Her name is Seohyun. Yan yung nakita ko sa ID niya.

"Cold kasi si Taeyeon." They said. Yung babaeng ang name ay Taeyeon ay yung nakatulala sa may gilid. Tumingin lang siya saglit sa mga kasama niya at tumango.

"Sabay-sabay na tayo pumuntang class." Sunny said. Ang ganda niya naman. Madre ba talaga siya?

"Bakit ka nagmadre?" Di ko mapigilang tanong. Maraming boys ang umiyak ng magmadre siya. Pero mukhang masaya naman siya sa profession na tinatahak niya.

"Hanggang ngayon, di parin magsink in na nagmamadre ka." Mukhang narinig naman ako ni Hyoyeon dahil siya na yung naging spokesperson ko.

"Akala ko rin. Pero okay naman ako at masaya ako sa ganito." She answered. Ano kayang nagtulak sa kanya?

Medyo nagugutom na ako kaya naman nagteleport na ako pababa ng tree house. Hahanap muna ako ng makakainan. Saan naman kaya?

"Sorry miss." Nagulat naman ako. Wait, yung nagulat ako ay isang understatement. Sobrang shock ko ay napatulala nalang ako. "Okay ka lang ba?"

Tumango naman ako sa kanya. "O-okay lang." I said. Shemay. Nabunggo ko siya. At ang nakakaloka ay nakikita niya ako.

Nakikita niya ako. Isa pa tong mukhang barbie!

We were Liars || ExoShidaeWhere stories live. Discover now