Chapter 42: Too Good at Goodbyes

949 45 5
                                    

Chapter 42: Too Good at Goodbyes

A/N: Hello guys! Kita kits tayo sa epilogue hehe. Natapos ko na siyang isulat. Tuloy-tuloy na ang updates nito.

---

In this world, we are often tested through our attachments, to teach us one of the most important lessons; detachment.

---

Yoona's Point of View

I'm already exhausted because of non-stop running from stall to stall. Kailangan namin na mahanap ang perfect dress na papasa sa taste ni Sica at Fany.

Dumiretso kaming SNSD sa may mall. Dito na din kami manggagaling bago pumunta sa school. Sa ngayon ay nakahinto kami sa bilihan ng dresses.

"May type ka ba eonni?" tanong sa akin ni Seohyun. Nakita ko naman na nagsusukat-sukat na silang lahat.

"Bagay sayo yan, maknae." komento ko naman. Dalaga na talaga ang bunso namin! "Nako, mababaliw lalo sa iyo si Oh." asar ko sa kanya.

She just rolled her eyes. "As if eonni. Bigla-bigla nalang nagdedeclare ng boyfriend ko siya tsk." Kita ko naman sa mukha niya yung kilig. Ay, ibang klase.

"Kinikilig ka naman eh." asar naman ni Yuri. Pumamewang naman ako sa harap niya kaya napahinto siya. "Bakit?"

I pointed her. "Hindi ka ba kinikilig kay Kai?" tanong ko sa kanya pabalik. May pagkamakulit lang talaga ang lahi ni Kwon Yuri. "Halata sa mukha mo na patay na patay ka." asar ko sakanya.

Hinawakan naman niya yung mukha niya. "Halata ba?" wala sa sarili niyang sabi. Bingo! "Ah este halata ba na patay na patay siya sa akin?"

Huli na nga itong si Yuri pero ayaw pang umamin. Napunta naman ang tingin ko sa isang damit. "Maganda yan Yoona, gusto mo ba?" Hinawakan ko yung damit.

Tumango naman ako kay Hyoyeon. "Oo, eto nalang ang bibilhin ko." natatawa kong sabi sa kanya.

After naming mabili yung damit na kailangan namin ay dumiresto kami sa kainan. "Sagot ko na to." sabi ko sa kanila.

Nagtaas ng kamay si Sooyoung. "Whoa? May ano ba? Kayo na siguro ni Luhan!" pang-aasar niya sa akin.

I gave her a glare. "Walang kami Soo." sagot ko naman sa kanya. Wala naman talagang kami.

"Ang bagal talaga non. Pero manhid naman kasi itong isa." sabi naman ni Taeyeon.

"Grabe kayo sa akin. Hayaan mo, mag-uusap kami mamaya." paninigurado ko naman sa kanila.

Kailangan naming mag-usap dahil hindi ko na siya makikita pa..

We headed back to our school. Siguro ay mamaya nalang kami magkikita nila Suho. Inayusan na din kami nila Fany. "You look gorg Yoong." sabi naman niya.

I chuckled. "Thanks. Dyosa ka din naman." natatawang sabi ko.

Lahat ay nakahanda na. May mga tao na din na dumadating sa mismong auditorium. Medyo kinakabahan ako pero kakayanin namin ito.

"Goodevening people!" rinig kong sigaw ni Baekhyun. Mukhang nauna na talaga sila sa may stage. Rinig na rinig namin ang sigawan ng mga tao. "We hope that you'll enjoy this night!"

"Guys let's do this!" sigaw pa ni Chanyeol before they started the music.

"Ready SNSD?" rinig kong tawag ni Sunny. "Wag kayong kabahan! Keri natin ito!"

I sighed. "Grabe yung nararamdaman ko." I mumbled.

Sigawan ng tao ang bumungad sa amin. Napangiti naman ako sa nakita ko. Nagkatinginan kaming SNSD at nagsimula nang kumanta.

We were Liars || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon