Chapter 26: Turn Tables

1.5K 76 15
                                    

Chapter 26: Turn Tables

---

Taeyeon's Point of View

"Eonni, makikisleep over kami dito!"

Gusto ko nalang magfacepalm sa sinabi nilang lahat. Nakihiga naman sa kama ko si Panyang.

"Speaking of the performance, ay nakahanda yung kanta na gagawin natin." sabi naman ni Hyoyeon.

Oo nga pala. May ganon kaming requirement. "May special stage ka Taeyeon." komento ni Tiffany.

Nagulat naman ako sa sinasabi niya. "H-Ha?" tanong ko naman. "B-Bakit may ganon?"

Tumawa naman ng mahina si Sooyoung. "Oh, duet daw sila ni Baekhyun." She said. "Oops. Joke lang."

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. "Kinikilig si Taeng." bulong ni Fany na narinig ko naman.

"Hindi ako kinikilig." sabi ko naman sa kanila.

"Eh bakit nagblublush?" pang-iinis sa akin ni Jessica habang nag-aayos ng kama sa baba. Dito talaga sila matutulog?

Hinawakan ko naman yung mukha ko. Namumula ba talaga ako? "Hay nako eonni! Di ko alam ha pero alam mo bang inakyat ka niyang si Baekhyun."

Napalingon naman kami kay maknae. "Ay ideny pa more Fany eonni?" natatawang sabi niya. "You and Dobi sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G."

Binato naman ni Fany si Seo pero ang natamaan ay si Sunny. "Harujuskong mga bata!" pagalit niyang sabi.

Tumayo naman si Yuri at hinila yung belo ni Sunny. "Teh, gabi na." sabi niya rito.

"Sunkyu, baka nakakalimutan mo na ibang katauhan ka sa mga susunod na araw." paliwanag ni Fany.

Napailing nalang ako sa kanila. Mukhang okay naman na kami na bumalik dito. Hindi na ganoon kasakit.

Napansin ko naman na tahimik lang na nakamasid si Yoona sa amin at nagsusulat siya. Kelan pa siya sinipag magsulat?

"Eh ano naman ang status ng Luyoon? Oy, ako founder non." proud na sabi ni Soo at hinila si Yoona papunta sa amin. "Haha. Pati din ang Baekyeon ay ako ang founder."

"Eh ang TaoSoo?" tanong ni Yoona. "Tao and Sooyoung."

Tumahimik naman kaming lahat at after ng ilang seconds ay nagtawanan na kami na naging dahilan ng pagtameme ni Sooyoung.

"Edi moew! Ano na ba? May inaanak na ba kami?"

"Ang OA mo Soo." sabi ni Yuri habang yinayakap si Yoona. Talaga nga naman ang dalawang ito!

Natigil naman kami sa pag-uusap ng may kumatok sa pintuan.

"Hindi ako tatayo para buksan yon. Buksan mo Tiffany." utos ni Jessica.

Umirap si Panyang at nag indian sit. "No. Hindi kasi pink ang door ni Taeng. Pakibukas maknae." She replied. Nilait ba niya ang pinto ng kwarto ko?

"Porket bata ako? Hindi pwede yan mga eonni. Ikaw nalang Sooyoung eonni, mahaba naman ang legs mo." paliwanag naman niya.

Tumingin sa akin si Sooyoung. "Tsk. Yamo sila."

Hindi pa rin tumitigil yung katok. At medyo malakas ang boses nila kaya naririnig namin. "Hyung, makakatok? Wala na bang bukas?"

"Si Sehung uto yun." bulong ni maknae na ikinatawa namin.

"Tanga ka ba? Wala na ngang bukas kapag di ko nakita si Taeyeon."

"Si Baekhyung baliw yon. Baliw na baliw kay Taeyeon." Yoona said with a grin. "Di mo ba pagbubuksan ang future husband mo?"

"Yoona!" bawal ko naman sa kanya.

We were Liars || ExoShidaeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن