42- The Monster

2.7K 245 314
                                    

QM's Note: Happy Birthday Daddy Ming! 150 votes / 250 comments for next update.

Ming's POV

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nung maramdaman ko na mag-vibrate ang phone ko.

Kanina pa kasi ako nag-aabang ng update mula sa sampung private investigator na hinire ko para hanapin si Wayo.

-Daniella calling-

"Balita ba 'to tungkol kay Wayo? Kung hindi, wag mo na ituloy." iritableng bati ko sa secretary ko nung sinagot ko ang tawag nya.

"Director Ming, good morning po. Opo, tungkol po ito kay Sir Wayo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Anong tungkol kay Wayo?!" hindi ko napigilan sumigaw.

Uhaw ako makasagap ng balita tungkol sa asawa ko.

"Binigay na po ng contact natin sa airport yung mga CCTV footage at list ng passengers sa flight na sinakyan ni Sir Wayo."

"Ahh okay." nawalan ako ng gana, hindi na kasi relevant ang mga information na yan ngayon.

Dito na sa bahay last seen si Wayo at hindi na sa airport.

"Kasama po si Sir Oreo sa flight na yun."

"Huh?" hindi ko ma-absorb yung mga sinabi nya.

"Si Sir Oreo po, kasama ni Sir Wayo sa flight na pauwi ng Bangkok from Paris."

"Paano nangyari yun?" hindi pa rin ako makapaniwala.

"Pumunta rin po si Sir Oreo sa Paris noong umalis kayo."

Biglang nag-flashback sa isip ko yung scene na sinasabi sakin ni Wayo na parang nakita nya si Oreo.

Now it all makes sense, si Oreo nga yung nakita ni Wayo that day.

"Sa mga CCTV footage ba ni Wayo sa airport, magkasama sila ni Oreo?"

"Hindi po director. Pinanood ko po hanggang maka-sakay si Sir Wayo sa taxi pero hindi po nya kasama or kasabay si Sir Oreo. Mukhang hindi po nya alam na andon si Sir Oreo."

"Okay-okay, i-forward mo sa mga private investigator na kinuha natin ang mga CCTV footages. Baka sakaling maka-kuha sila ng clue."

"Masusunod po director."

"Mag-request ka rin ng CCTV footages ni Oreo sa contacts natin sa airport."

"I already did, director."

"Ohh very good."

"Tatawagan ko po kayo kaagad kapag naibigay na po nila."

"Okay." inend ko na yung tawag.

Napabuntong-hininga na lang ako nung maibaba ko ang phone ko.

Malamang ay nakita ni Oreo ang lahat nang ginawan namin ni Wayo sa Paris.

Siguradong galit nanaman sya sakin ngayon.

Sorry anak dahil nagkaroon ka nang ama na tulad ko.

Parati ka na lang nadadamay sa mga gusot ko sa buhay.

~•~•~•~•~•~•~

"Hulihin nyo yan." utos ko sa mga security guards noong umuwi si Pring sa bahay.

"Ming anong ibig sabihin nito?!" sigaw ni Pring habang nag-pupumiglas sa mga security guards.

"Dadalin na kita sa mga pulis. Ikaw ang prime suspect sa pagkawala ni Wayo."

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Where stories live. Discover now