4- New House, New Son and New LastName

3.6K 174 221
                                    

Facebook Pages: Singto PH / Josswayar PH / MewArt PH

Happy Birthday Queen Tee 😍😚

Qm's simple request: Kung nakilala nyo yung asawa ni Wayo please don't comment the name. No spoilers thanks 😚😗😙

Wayo's POV

Sa wakas nakatulog na din yung bata.

Hindi nya ako hinayaang makaalis sa tabi nya kanina as if he's longing for me.

Ngayon ko lang naman sya nakita pero bakit parang kilala nya ako?

Ang weird pa kamo, tinatawag nya akong mommy.

Ganon na ba talaga ako ka-mukhang babae?

Dahan-dahan akong bumaba ng kama para hindi magising yung bata. Ayoko ng maulit yung pag-iyak nya kanina dahil sinubukan ko syang iwan.

Lumabas ako at hinanap si P'Pat.

Nakita ko sya sa kitchen.

"P'Pat sino yung bata sa kwarto ko?"

Mukhang nagtaka yung maid.

"Hindi nyo po kilala?" takang taka yung tono nya.

"Hindi eh. Sino sya?"

"Anak po sya ni sir."

Napanganga ako. May anak na yung asawa ko?! Bakit hindi ko alam?!

Sa tingin ko kailangan na namin mag-usap ng asawa ko. Naguguluhan na ako sa mga rules nya and everything about this house.

"Nasaan nga pala sya? Anong oras na bakit hindi pa umuuwi?"

Wait. Wife na wife ang datingan ko sa tanong na yon ah.

"Nag overtime raw po sa trabaho."

"Ahh okay. Mga anong oras daw po uuwi?"

Ang lakas ng loob nya mag overtime samantalang may anak syang naiwan dito sa bahay. Hindi ba nya naisip yung feelings ng anak nya?

Sorry naman kung medyo OA yung reaction ko.

Naawa kasi ako sa anak nya.

Alam ko kasi yung pakiramdam. Lumaki rin ako na palaging naghihintay kay daddy tuwing gabi.

"Hindi po nasabi ni sir. Hindi po ba kayo kinokontak ni sir?"

Medyo nahiya ako sa tanong ng maid.

Asawa nga yung label ko pero paano nya ko kokontakin kung itsura nga nya hindi ko pa nakikita.

"Nevermind. Uhm nasan pala yung mommy ng bata?"

Curious lang ako. Baka kasi iniisip nyo na nagseselos ako.

"Hindi nyo rin po alam sir?"

Shiya. Magtatanong ba ako kung alam ko?

"P'Pat hindi naman ako magtatanong kung alam ko..."

"Sorry po sir. Uhm... Matagal na pong wala si mam. Nasa langit na po sya, 2 years ago."

Parang kinurot yung puso ko. Bigla akong naawa dun sa bata. Wala syang pinagkaiba sakin. Parehong pareho kami ng fate sa parents.

Namatay ang mommy at workaholic ang daddy.

"Anong ikinimatay?"

"Sir mas mabuti po siguro kung si sir nalang ang tatanungin nyo..."

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon