34- I Miss You So Much

2.9K 246 530
                                    

Qm's Note: 150 Votes / 250 comments for next update.

Wayo's POV

"Wayo! Pwede ba tayong mag-usap?"

Hinabol ako ni Ming dito sa backstage nung matapos ang performance nya.

Hindi ko sya pinansin. Nagpatuloy lang ako paglalakad.

Pero nun malapit na ako sa exit ay hinawakan na nya ang balikat ko para pigilan ako.

Mukhang wala na akong choice kundi ang harapin sya ngayon.

I composed myself bago ako humarap at nagtanong sa kanya, "Tungkol saan?"

Huminga sya nang malalim bago sumagot.

"Tungkol sating dalawa."

"Anong tungkol sating dalawa?" I used my clueless tone.

"Come on Wayo, you cried."

"So did you..."

"Oo at alam kong pareho tayo nang naramdaman kanina. Tinignan mo ako kanina gaya nang pagtingin sakin ni Wayo from 10 years ago."

"Yes I did." I admitted. "Naalala mo pa pala yun mga titig ko, Ming? Nakaka-touch naman." I tried to mock him.

"Yes at alam kong mahal mo pa ako."

"Hahahahaha! Nagbibiro ka lang 'di ba?" my laugh resonated across the room.

Buti na lang at walang tao dito sa exit area.

"Wayo seryoso ako. Alam kong apektado ka pa sakin at ganon din ako sayo. So please, spare Oreo from this game. Maawa ka sa kanya."

Napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi nya.

"Mahal ko si Oreo at hindi ako nakikipaglaro sayo gaya nang iniisip mo. Bakit ba hindi mo maintindihan yun?"

"Come on Wayo! You can't say na mahal mo si Oreo kung may feelings ka pa para sakin." he insisted.

"Ewan ko sayo Ming. Hindi tayo magkakaintindihan kung ipipilit mo yang mentality mo."

Tatalikod na sana ako pero hinila nya yung kamay at hinila palapit sa kanya.

Hinalikan nya ako sa labi.

Hindi lang basta smack dahil pinipilit nyang pasukin ang bibig ko but I resisted.

I gathered all of my strength tsaka ko sya tinulak at sinampal.

"Hindi ka ba nandidiri sa ginagawa mo?! Alam mong boyfriend ako ng anak mo!!"

Tumawa si Ming nang sobrang sarcastic.

"Sayo ko dapat tinatanong yan Wayo, anak ng asawa mo pinapatulan mo? Mahiya ka naman sa sarili mo! Kahit saang anggulo tignan ay ikaw ang mali!" sigaw nya sakin.

Sinampal ko ulit sya dahil sa mga sinabi nya.

"Kung hindi mo ako ginigipit sa divorce natin ay matagal nang tapos ang ugnayan nating dalawa. Ikaw lang ang nagpapagulo ng lahat Ming! Ang gusto ko lang naman ay maging malaya mula sayo para hindi na taboo ang relasyon namin ni Oreo pero ginagawa mong komplikado ang sitwasyon!"

"Gusto kong maniwala sayo Wayo pero ayaw tanggapin ng sistema ko dahil alam kong may nararamdaman ka pa para sakin."

Wow ha!

Hiyang-hiya naman ako sa tiwala nya sa sarili.

Para bang lumalabas na mahal na mahal ko pa sya.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Where stories live. Discover now