28- Call Me Daddy

2.7K 207 420
                                    

QM's Note: 120 votes / 150 comments (Ang bilis nyo eh maabot minimum eh! Haha. Tinaas ko para matagal next update haha! 😜 )

Wayo's POV

Paano ko ba sasabihin kay Oreo ang naging desisyon ko sa dilemma naming dalawa?

Kanina pa ako nakatitig sa phone ko pero 'di ko alam kung anong ite-text ko sa kanya.

Ang awkward naman kasi, I mean nahihiya ako.

Gusto kong sabihin na okay na at ituloy na namin ang spring romance naming dalawa pero hindi ko alam yung right words na gagamitin ko.

Sasabihin ko ba na....

'Baby Oreo bet ka na ni mommy.'

'Baby love ka ni mommy.'

'Baby I'll call you daddy na.'

'Mahal na kita, anak.'

'Come to momma, give't to mehh.'

Oh 'di ba!? Parang tanga lang yung mga naiisip ko.

Bahala na nga si Batman and friends.

Nag-type na ako ng 'I love you.' at pikit-matang sinend kay Oreo. Siguro naman these words will explain it all already.

This will be start.

Dapat na akong masanay na hindi na sya ang Oreo from 10 years ago.

Kailangan ko nang i-waksi sa isip ko ang mentality na anak ko sya. Starting today, I'll only think of him as my lover.

*vibrate

-1 message from Nick-

My heart skipped a beat nun mabasa ko ang pangalan ni Oreo dito sa phone ko.

Ang bilis naman nyang mag-reply!

Dapat pinatagal naman nya kahit konti, hindi pa ako handa sa sagot nya sa I love you ko.

'Papunta na ako ngayon dyan sa inyo.'

Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa text nya.

Damn! Punta talaga kaagad? Wala man lang 'I love you too' or follow up questions?

'Wag! Andito yung housemate ko sa bahay.' mabilis na reply ko sa kanya.

'Ano naman? Ikaw naman ang bibisitahin ko atsaka wala tayong gagawin na masama. Hindi mo alam kung gaano na kita na-miss. Para akong pinapatay nun mga nakaraang araw na hindi kita kasama o nakikita man lang.'

'Wag. Uhm ano kasi, hindi pa ako naliligo.'

Jusko! Anong palusot yon?!

'Okay lang. Gusto mo ba paliguan kita pagdating ko dyan?'

'Gago!'

'Hahahaha. 20 minutes andyan na ako.'

Na-imagine ko yung mga ngisi ni Oreo ngayon.

Lintek talaga 'tong bata na 'to eh.

Since wala naman na akong magagawa, dali-dali akong umakyat sa kwarto ko at nag-ayos ng sarili.

Hindi pa kasi talaga ako naliligo at woke up like this pa ang pormahan ko.

~•~•~•~•~•~•~

Nasaan na ba si Oreo?

Tapos na akong mag-bihis at nakapagpa-footspa na rin ako pero hindi pa rin sya dumadating.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Where stories live. Discover now