36- 'Til We're Seperate Hearts

2.5K 226 385
                                    

Qm's Note: 150 votes / 250 comments. (Last 4 chaps left)

Wayo's POV

"Nahihibang ka na ba Ming?!" napasigaw ako dahil sa kagaguhan ni Ming.

Hindi man lang natinag si Ming sa pag-ngisi kahit sumisigaw na ako sa inis.

Sa katunayan ay nakuha pa nyang tumawa nang malakas. 

"Hahahahahahaha! Wayo Wayo Wayo, baka ikaw ang nahihibang kung sa tingin mo ay maiisihan mo ako."

Biglang naging seryoso yung mukha nya after nya magsalita tapos bigla nyang pinunit sa harap ko yung kontrata na gusto kong papirmahan sa kanya.

"Gusto mong kunin pabalik ang alas na hawak ko against you and you're expecting me to do nothing? HINDI AKO GANON KATANGA! Alam kong ipagpapatuloy nyo lang ni Oreo ang kabubuyan nyo kapag sa bahay ka na ulit tumira. Total naman ganon lang din ang gagawin mo, mabuti nang pakinabangan ko na rin yang katawan mo."

Nagpanting yung tenga ko sa mga narinig ko galing sa kanya pero hindi ako nakasigaw.

Tumulo na lang yung mga luha ko.

"Ano iiyak ka nanaman? Masakit ba at pakiramdam mo ang baba nang tingin ko sayo?!"

Pinunasan ko yung mga luha ko bago ako sumagot sa kanya.

"Hindi ako nasasaktan dahil sa tingin mo sakin. Nasasaktan ako dahil hindi na ikaw yung Ming na nakilala ko."

"Hahahahaha!" he laughed bitterly.

"So ikaw na lang ang may karapatang mag-bago ngayon? Nakakatawa ka! Noong nakaraan lang you stressed na 10 years na ang lumipas at marami na ang nagbago, kasama ka pa nga sa mga nagbago sabi mo. Hindi mo alam kung gaano ako naawa sa sarili ko noong pinamukha mo sakin yun. Sampung taon Wayo, sampung taon ang lumipas pero kahit kailan ay hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo. Sampung taon akong naghintay. Sampung taon akong nag baka sakali na babalikan mo ako kapag handa ka na. Sampung taon akong nagtiis pangalagaan 'tong korporasyon mo na puro pasakit lang ang dinala nito sa pamilya ko. Sampung taon akong tagged as murderer, pinatay ko daw ang daddy mo, pati ikaw pinatay ko din daw para maangkin ko ang lahat. Namatay ang tatay ko dahil sa stress at awa nya para sakin. Pero sumuko ba ako? Hindi! Alam ko kung gaano kahalaga sa iyo 'tong korporasyan na 'to kaya inalagaan kong mabuti para pag balik mo ay may babalikan ka pa."

Napatigil si Ming para punasan yung tumulo nyang luha.

Tulala naman ako at hindi makapagsalita dahil parang dinurog yung puso ko sa mga narinig ko.

"Buti ka pa Wayo, nagamit mo ang sampung taon na lumipas para magbago at mag-move on. Pasensya ka na sakin kung hindi ko nagawang mag move on ha? Wala eh, mahal na mahal kasi kita. Sorry kung hanggang ngayon ay pinagpipilitan ko pa rin ang sarili ko sayo. Sorry kung makasarili ako at ayaw pa kitang palayain. Sorry kung hindi mo na ako makilala dahil sobrang desperado ko na sayo. Sorry sa lahat Wayo. Sorry kung minahal kita all these years."

Nag-crack na yung boses ni Ming sa huling sentence na sinabi nya.

Umiiyak sya.

Unconciously, tumayo ako mula sa kinauupuan ko at umikot sa table para yakapin sya.

"Wag kang lalapit Wayo kung naaawa ka lang sakin." pinigilan nya ako.

Nabato ako sa kinatatayuan ko at napatanong sa sarili ko.

Naawa nga lang ba ako sa kanya?

Pero bakit parang hindi awa yung nararamdaman ko ngayon?

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko ngayon.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें