5- Start of Something New

3.7K 184 319
                                    

Facebook pages: Singto PH / Josswayar PH / MewArt PH

Wayo's POV

Hot topic nanaman ako sa klase dahil sa nangyari kanina.

Sigh.

Alam na nilang lahat na kasal ako. Hindi lang basta kasal dahil alam na rin nilang lahat na lalake ang asawa ko.

Well, hindi naman na big deal sa panahon ngayon kung lalake or babae ang asawa pero nag-aalala ako sa magiging approach sakin ng mga classmate kong lalake.

Confirmed na yung pagiging "bottom" ko gaya nga nang sinabi ni Kit.

Bakit ba kasi ako yung kailangan magpalit nag apelyido?!

AFAIK. Sabi sa law may choice naman ang "bottom" kung gagamitin nya or hindi yung apelyido ng "top" nya.

Kung i-demanda ko kaya yung asawa ko dahil hindi ko na-practice yung karapatan ko?

Pero ako pa siguro yung makukulong kapag ginawa ko yun. Pumirma na ako sa contract na pumapayag na gagamitin ko yung apelyido nya.

Sabi ko nga wag na lang. I'll just deal with it. Dami ko pang sinabi.

"Ai'Kit san ba kasi tayo pupunta?"

Habang busy ako mag-isip hindi ko namalayan kung saan na pala ako dinala nitong bestfriend ko.

"Wait lang may titignan lang ako."

Pumasok kami sa isang gym then umakyat kami sa bleachers.

Andito pala yung swimming pool ng university, anong gagawin namin dito?

Maraming mga naka swimsuit na babae. Mamboboso ba kami?

May tinitignan si Kit pero 'di ko alam kung sino, andaming tao eh. Sobrang lalim ng dimples nya ngayon dahil sa ngiti nyang abot tenga.

So I therefore conclude na isa sa mga tao na 'to ang gusto nya.

Then biglang may kumaway samin.

Lalaking naka swimming trunks. Masasabi ko na matangkad sya kahit andito kami sa bleachers. Malaki rin yung katawan at tan ang balat.

Tinignan ko si Kit at kumakaway din sya don sa lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tinignan ko si Kit at kumakaway din sya don sa lalaki.

Napalunok nalang ako. Ganyan ba ang tipo ni Kit? Masyadong alpha male.

"Ai'Kit boyfriend mo ba yan?"

Inirapan nya ako.

"Hindi ahh. Classmate ko yan nung elementary."

Nakahinga ako ng maluwag. Ligtas sa pagkawasak ang bestfriend ko.

Sumenyas yung lalaki at tumango lang si Kit. Okay. Meron silang sariling sign language.

Umalis na yung lalake sa pool.

"Buti't naalala mo pa yung classmate mo nung elementary?"

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon