13- The Unexpected Romantic

3K 163 113
                                    

Instagram: TongOreoPH / mewartphilippines

Forth's POV

[Phone Call]

"Oo na Ai'Forth! Aamin na ako. Noong una natutuwa lang talaga ako kay Wayo dahil magkasundo sila agad ni Oreo pero ngayon... parang gusto ko na ring mapalapit sya sakin at ituring nya ko bilang asawa nya."

Napangiti ako sa pag-amin nitong bestfriend ko.

Masaya ako para sa kanya dahil finally... mukhang ready na ulit syang magmahal.

Hindi naman sa gusto kong kalimutan na ni Ai'Ming yung mama ni Oreo pero matagal na kasi syang nawawala at hindi na namin alam kung buhay pa ba sya o hindi.

2 years nang miserable yung buhay ni Ming. Sa tingin ko it's time para sumaya naman sya.

Hindi ko na nga matandaan kung kailan huling naging masaya yung tao na yun.

Kung si Oreo natakot sa tao dahil sa incident 2 years ago, si Ming naman natakot nang ngumiti.

Well 'di ko naman sya masisisi kung bakit hindi na nya makuhang ngumiti. Ikaw ba naman mawalan ng asawa tapos hindi na pwedeng mabuhay ng normal yung anak mo dahil sa phobia nya. Para ka talagang pinarusahan ng langit.

Malas lang nun mga naging studyante nya sa university. "Halimaw ng medicine faculty" ang tawag kay Ming. Lahat ata ng frustrations nya sa buhay sa pagtuturo nya binuhos. Napakaterror na professor!

"Buti naman at naisip mo yan Ai'Ming.  Sa wakas makaka-score ka na! HashtagIlabasAngKaong." biro ko sa kanya.

"Gago ka talaga Ai'Forth! Puro ka kalibugan eh. Ibababa ko na 'to, masusunog na 'tong niluluto ko."

"Hahahahaha. Sige. I-save mo 'tong bago kong number ha. Wala na yung dati, may nagnakaw ng phone ko sa bar last friday."

"Yan ang napapala mo! Ang tanda mo na kasi Ai'Forth pero feeling teenager ka pa din. Kelan ka ba mag-aasawa?"

"Mag-asawa? No way. Hindi pa ako handang maging tulad mo. Oh sya ibaba mo na 'tong tawag, mag time-out na rin ako dito sa hospital."

"Sige bye."

[End Of Phone Call]

Pagkababa ko ng tawag, hinubad ko na yung white coat ko at nag-ayos ng mga gamit.

8 hours lang yung duty ko ngayon dahil naka-duty ako as university doctor. Mag-hapon akong tumanga sa clinic ko dito sa hospital.

Masarap talaga magtrabaho nang walang ginagawa pero bayad ka tapos wala pa kong for endorsement.

This is life.

Naglog-out na ko sa biometrics at naglakad papunta sa parking lot at nagdrive papuntang downtown.

Hahanap ako ng makakainan na mura. Konti na lang kasi yung cash ko dahil bumili ako nang bagong phone. Next week pa yung dating ng replacement ng mga nawala kong cards.

Nagpark ako sa harap ng isang noodle shop.

Maraming tao sa loob pero hindi naman ako nahirapan makahanap ng table. Nakaupo agad ako.

Hindi rin nagtagal, lumapit na sakin yung waitress para kunin yung order ko.

I'm having Kuai-tiao ruea for tonight.

Habang naghihintay, naisipan ko muna mag-facebook. Oo, kahit late 20's na ako, active pa rin ako sa social media pero syempre dummy account yung gamit ko.

Trending sa newsfeed ko yung mga representatives ng Star and Moon Competition ng university.

Na-upload na pala yung mga pictures nila para sa online voting.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Where stories live. Discover now