8- The RMS Titanic

3.5K 186 229
                                    

Facebook page: MewArt PH
IG: mewartphilippines

Forth's POV

Dalawang oras na lang makakatapos nanaman ako ng isang 24-hour duty.

Sigh.

Nakakapagod 'tong paulit ulit na routine ko. Nakakasawa.

Bakit ganon?

Akala ko pag naabot ko na yung mga pangarap ko magiging masaya na ako pero bakit parang hindi?

Oncologist na ako't lahat pero pakiramdam ko hindi ako satisfied sa buhay ko? I feel something's really missing.

Hindi ko naman ma-figure out kung ano yung kulang sa buhay ko.

Baka naman hindi lang talaga ako makuntento sa kung anong meron ako? Or maybe 'di ko lang talaga alam kung anong gusto kong gawin?

Tulad nang pagiging oncologist ko. Imbis na magtayo ng sariling clinic andito ako sa isang university hospital at nagtratrabaho bilang general practitioner slash university doctor.

Ang weird ko no?

*door opens

Sigurado akong si Ai'Ming yan kahit hindi ko pa nakikita.

Sya lang naman ang pumapasok sa clinic ko dito sa hospital nang hindi kumakatok.

"Ano nanamang problema mo?" tanong ko sa bestfriend ko.

Umupo sya sa seat sa harap ng table ko. Mukhang problemado nga sya.

"Anong oras na discharge yung asawa ko? Akala ko aabutan ko pa kaya pumunta ako dito."

"Kakadischarge lang 1 hour ago. Mga 5pm yun. Hindi mo naman sinabi sakin na susunduin mo pala. Pwede namang i-extend yung oxygen theraphy nya."

Tumango si Ming sa mga sinabi ko.

"Okay lang. Hindi rin naman sasakay sa kotse ko yun kahit sunduin ko pa. May bumisita ba sa kanya before madischarge?"

Inisip ko kung may bumisita sa asawa nya pero wala naman akong napansin kanina.

"Bukod sa classmate nyang nagbabantay sa kanya kanina wala ng ibang dumating. Anong ibig sabihin mo na hindi sasakay sa kotse mo?"

Nagsalubong yung kilay ni Ming nun nabanggit ko yung classmate.

"May motion sickness daw sya. Takot syang maalog sa loob nang luma kong kotse."

Hindi ko napigilan yung tawa ko sa sinabi ni Ai'Ming.

May point yung asawa nya. Kahit ako hindi sasakay sa kotse nya eh. Baka matanggal yung gulong. Haha!

"Bakit kasi hindi mo pa palitan? Para naman bumagay ka sa asawa mo."

Napailing sya sa sinabi ko.

"Kahit magpalit pa ko ng kotse hindi pa rin sasakay sakin yun. Pag nakita mo yung limang sports car nya sa bahay namin, matutulala ka na lang. Bukod pa yung Mercedes-Benz na SUV nya don ha."

Wow. Alam ko na anak ng pinakamayaman na tao sa Thailand yung asawa nitong si Ming pero hindi ko alam na sobrang spoiled pala.

"Ehh di humingi ka na lang ng kotse sa kanya."

Inirapan ako ni Ming.

"Kilala mo ko. Kahit sa daddy ko, never ako humingi ng kahit ano."

Oo kilalang kilala kita. Si Ming at ang kanyang towering pride.

Mayaman din yung family ni Ming pero pinili nya maging independent simula noong mag college sya.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ