41- World War III

2.6K 226 288
                                    

QM's Note: 150 votes / 250 comments for next update. Love you all.

Ming's POV

Kailan ba matatapos ang drama ng buhay ko?

Pagod na pagod na kasi ako.

Pakiramdam ko ay wala na talaga akong karapatan na sumaya.

Bakit kasi hindi na lang ako mamatay para matapos na ang lahat?

Hindi ko na kasi maintindihan kung bakit nagkakaganito ang buhay ko.

Kung naging masama sana ako all these years ay maiintindihan ko kung bakit ako pinaparusahan ngayon ng ganito.

Kaso hindi eh!

Buong buhay ko ay ginusto ko lang maging mabuting ama at asawa.

Pero bakit parang against ang fate sa kagustuhan ko na yun?

Noong kami pa ni Pring ay halos mamatay na ako sa pag-aaral at pagtatrabaho para lang mabuhay ko sila ni Oreo pero anong ginawa sakin ni Pring?

Nakipagrelasyon sya sa ibang lalaki dahil hindi nya masikmura ang buhay na kaya kong ibigay sa kanila ni Oreo.

Yan din ang rason kung bakit sya biglang nawala noon.

Noong na-rescue sila ni Oreo sa kidnapping incident ay tumakas si Pring at sumama na sa lalaki nya.

Oo, alam ko ang lahat.

Pinili ko lang magpanggap na walang alam para iligtas ang pride ko sa mata ng ibang tao at para hindi na madagdagan ang trauma na nakuha ni Oreo sa insidente.

Since that day, wala na akong ibang inisip kundi ang gumaling si Oreo.

Hanggang sa dumating nga si Wayo sa buhay naming mag-ama.

Sa maiikling panahon na pinag-samahan namin ay nahulog ang loob ko sa kanya.

Akala ko talaga ay magiging perpektong pamilya na kami nila Wayo pero sadyang malupit ang tadhana sakin.

Kung anu-anong problema ang dumating sa relasyon naming dalawa.

Si Joss at ang pagbabalik ni Pring.

Hindi ko naman talaga ginustong iwasan si Wayo noong mga panahon na kailangan namin ang isa't isa.

Pero tao lang din kasi ako eh, hindi ako exempted sa sakit.

Sobrang nasaktan ako nung malaman ko na may nangyari sa kanila ng kapatid ko at sa fact na tinago ni Wayo sakin yun.

Umiwas ako para pahupain yung galit at sakit sa puso ko.

Yun nga lang,  nung handa na akong kausapin si Wayo ay nakapag-desisyon na pala syang iwan ako.

Umalis sya dahil sa pag-aakalang nagkabalikan na kami ni Pring.

Ginawa ko ang lahat para hanapin si Wayo pero ginipit naman ako ni Pring noong pupuntahan ko na sya.

Naging biktima kami ni Wayo ng isang malaking kaso ng miscommunication sa loob ng sampung taon.

Pero hindi pa doon natapos ang lahat ng kamalasan sa buhay ko.

Nagkaliwanagan at nagkaaminan na kami ni Wayo na mahal pa rin talaga namin ang isa't isa pero hindi na kami pwedeng magkabalikan dahil masasaktan si Oreo.

Ako ang dapat sisihin sa complication na 'to.

Nalaman ko kay Wayo na ako pala ang dahilan kung bakit sya hinanap ni Oreo.

Pinaniwalaan ni Oreo yung pagpapanggap ko na hindi na ako interesadong hanapin si Wayo.

Hindi ko naman akalain na liligawan nya si Wayo dahil don.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Where stories live. Discover now