Chapter 31 "Unexpected"

Start from the beginning
                                    

Sa huling picture na tinignan ko,may kakaiba akong bagay na bigla ko na lang naramdaman.

Katawan iyon ng lalaking nakatalikod.Hanggang leeg lang ang picture at nasa buong likod nya ang tattoo.Kakaiba ang tattoo nito sa lahat dahil bukod sa malaki ito at sakop ang buong likod nya,kaliwang bahagi lang ng pakpak ito.Wala ang kanang bahagi pero hindi iyon ang nakakuha ng pansin ko.

Well-built ang katawan nya.Sobrang attractive kahit nakatalikod lang sya.Bakit pakiramdam ko.....palagi akong nakatingin dati sa likod ng lalaking to...?

"Sheol....."

Umiling-iling ako para maibalik ko ang pag-iisip ko sa katinuan.

Ano ba tong iniisip ko?Tsk.

Tinignan ko na lang ulit ng mabuti ang mga larawan sa harap ko.

May sinuot akong singsing na may censor sa magkabilang middle finger ng dalawang kamay ko.Hindi lang ito basta-basta Data Room.

Lahat ng gadgets at computer na nandito,high tech.Alalahanin nyong nanay ko ang "Brain of the Strike Organization".

Tumayo ako sa gitna ng kwarto at pumalakpak ng isang beses.May mga transparent screen na lumabas paikot sakin.

"File 338.Six Rings' folder."

Malamig ang boses na sabi ko.Yun ang pangalan ng file na pinadala sakin.

Agad lumabas sa mga screen ang limang pictures.Ngayon,nakapaikot ang lahat ng larawan sakin.Umikot-ikot ako habang nakahawak sa baba ko ang kanang kamay ko at sinosoportahan naman ng kaliwang kamay ko ang siko ng kanang kamay ko.

Six Rings.

Tsk.

Ano nga bang misteryo sa likod ng pangalan nila.Lima lang naman sila sa grupo pero bakit Six Rings?

Pinagmasdan kong mabuti ang mga larawan.Bukod sa mga tattoo nila,ano pa ba ang pwede kong gawing clue???

Malalim akong nag-iisip ng may mapansin akong isang bagay.

Teka.....

"Pare-pareho sila ng suot.....iisang uniform....."

Parang nakita ko na ang uniform na to kung saan....Lalo na ang uniform ng mga lalaki....

Namilog ang mga mata ko at napatingin ulit sa mga screen.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now