Chapter 7: Jasminum Sambac

Magsimula sa umpisa
                                    

Naka-lock yung pinto ng kwarto ko. Ibabalik ko sana yung ATM Card ko at titignan ko sana yung dalawa kung nakaayos ba ng higa. Maliit lang kasi yung kama ko e. Nahiga ako sa sofa at pinikit ko na mga mata ko. Makakatulog narin.

Nagising ako mga alas nwebe na ng umaga. Nanunuod ng T.V. yung dalawa ng TV sa may unahan ko, dahil dito nga ako nakatulog sa sofa, sila naman yung nakasandal. Tumayo ako at pinaupo ko na sila sa sofa tapos pumunta na akong lababo para mag-mumog at mag-hilamos. Nakita ko na may luto narin na sinangag at itlog. Nakita ko rin na may mug na may takip na platito, kape na nalipasan na ng init. Tinanong ko sila kung bakit di nila ako ginsing para sabayan sila sa umagahan at sumagot sila na ginising nila ako pero hindi daw ako magising. Wirdo nga e. Mabilis lang ako gisingin, isang tapik mo lang sa paa ko ay gising na ako. Kinain ko na yung niluto nila at masarap naman mag-sangag. Tinanong ko kung sino yung nag-luto at pareho silang nag-“AKO!”. Ayos. Pero masarap talaga. Pagkatapos non ay hinugasan ko na yung mga pinggan. Nag-sipilyo narin ako.

Pagka-balik ko ng salas. Nakita ko yung dalawa namang nakangiti. Sa totoo lang, natutuwa talaga ako at nasa bahay namin ang dalawang to. Isa na ako sa pinakaswerteng tao sa mundo ngayon, kung hindi man ako ang pinakaswerte. Nakikita kong nakangiti si Kamiseta, magaan na sa dibdib. Sana lang makarecover na sya at di sya matrauma ng todo. Ramdam ko pa nga sa dibdib ko yung mukha nya nung isang gabi. Medyo malungkot nga lang na hindi nya narin ako ganon kinakausap simula nung dumating si Sam. Pero ayos lang yon, okay lang.

Boring sa bahay, niyaya ko sila lumabas ng onti. Maglakad-lakad lang sa kalsada. Pumayag naman yung dalawa. Kaya naglakad-lakad kami sa may labas. Kahit na alas-dyis na ng umaga e makulimlim parin ang langit. Hindi naman s’ya naulan pero makulimlim lang, sa totoo lang ganto ang gusto kong klima. Walang araw, walang ulan.

Madami akong pinakita sa kanila. Pinakita ko pa kung nasan yung balon na pinag-iigiban ko dati ng tubig. Nung nabanggit ko yung pinag-iigiban, nabanggit ko rin ang Tita ko. Naitanong tuloy nila, pero para bang di na sila nagulat na mag-isa lang ako sa bahay. Sabi ko ay hindi ko alam kung nasan ang Tita ko, akala ko susunod na nila itanong kung nasan yung magulang ko. Pero hindi nila ito tinanong, mabuti nalang kasi di ko rin alam kung pano ko sasabihin. Pero sa makabilang bahagi, madami pa akong pinakita sa kanila. Pinakita ko yung tindahan ni Aling Pie na sarado ngayon. “Dyan may pinakamasarap na patis, kung interesado kayong malaman.” Sabi ko. Tumawa nalang sila at tinanong kung bakit patis daw ang masarap at hindi yung mismong pagkain. Hindi ko rin alam. Naisipan kong dumalaw sa tindahan ng siopao ni Aling Hevs. Nakita ko si Aling Hevs dun at binigyan nya ako ng tatlong siopao para daw sa akin at sa dalawa ko pang kasama. Bukas daw, Lunes, ay wag ko daw kalimutang bumalik. Hindi ko kakalimutang bumalik syempre, si Aling Hevs ang tumulong sa akin para maka-attend ng JS at may utang pa ako sa kanila dahil nga nagpa-advance ako ng sweldo. Bigla namang lumabas si Heav, ang kanyang anak, at nakita ako. Ganon parin yung suot nya, yung seksi na short at sando. Kinamusta nya ako at pinakilala ko si Kamiseta at si Sam. Sabi ni Heav ay kamukha daw ni Sam yung kakilala nyang stage-performer na taga-Letran, si Mela. Sinabi ni Sam na magkapatid sila at nagkwentuhan muna sila saglit. Kami naman ni Kamiseta ay nakaupo sa tindahan at nakain ng siopao. Ang tahimik namin at pareho kaming hindi nagsasalita. Makalipas pa ang ilang minuto ay natapos na ang pag-chi-chikahan ni Sam at Heav. Nakakatuwa, talaga palang pala-kaibigan si Heav. Bumalik na s’ya sa bahay nila at kaming tatlo naman ay napagdesisyunan naring umuwi, Bago pa lumabas si Million at makita kami. Sila naman y ung nanguna sa paglakad.

Habang naglalakad ako at nakatingin sa likod nilang dalawa ay bigla akong nalungkot. Iniisip ko yung graduation, sana makita ko pa sila pagkatapos non. Sana matulog ulit sila sa ilalim ng bahay namin kahit di na kami magkaklase. Nakakalungkot, nakakainis. Lalo lang ako nag-sisisi na hindi ko sila kinausap matapos ang tatlong taon kong highschool sa school nayon. Nakakalungkot talaga.

Kwento ng TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon