Chapter 9: Limited Immortality

169 20 1
                                    

Patuloy pa rin sa paglalaban sina Zack at Veenix.

Parang nasa loob sila ng walang katapusang dimensyon. Kulay violet ang kalangitan dito maging ang kalupaang kanilang tinatapakan.

"Ano ang iyong dahilan kung bakit mo tinutulungan si Valker?! Sabihin mo!" sigaw ni Zack.

"Hindi si Valker ang tinutulungan ko. Kung ako lang ang masusunod, ayaw ko nang magsayang ng oras, pero dahil may iba akong sinusunod wala akong magagawa!" sabi ni Veenix.

"Anong sinabi mo? May iba kang sinusunod?! At sino naman ang taong ito?" sigaw ni Zack.

"Hindi siya tao Zack, isa siyang makapangyarihang demonyo!" sigaw naman ni Veenix.

"Ibig mong sabihin?..." sabi ni Zack.

"Tama ang iniisip mo, siya nga! Hayah!" sigaw ni Veenix at itinutok niya ang kanyang tungkod kay Zack at may lumabas na violet magic energy dito.

"Nung una pa lang pala ay plano na niya ito? Hah!" sigaw ni Zack at tinapatan niya ang pag-atake ni Veenix ng isang golden magic blast na nagmula sa kanyang tungkod.

"Magaling sorsero, ang talino mo. At dahil alam mo na ang lahat dapat ka nang mamatay!" sigaw ni Veenix at lumakas pa lalo ang kapangyarihang lumalabas sa kanyang tungkod.

"Subukan mo lang!" sabi naman ni Zack at bigla niyang pinatunog sa sahig ang kanyang tungkod na lumikha ng malakas na tunog na sinundan pa ng kulay gintong ilaw.

**************

Patuloy lang sa pagpana ang mga kawal. Sumugod na rin ang ibang kawal bitbit ang kani-kanilang espada at katapangan.

Maririnig ang malakas na sigawan ng mga kawal na ito. Sumugod na rin ang kampon ni Valker.

Sumugod ang kanyang kampon habang umaapoy ang kanilang mga katawan.

Their bodies were covered with blue and orange flame literally.

Nagmula ang apoy sa mga palasong nagliliparan kani-kanina lang. Nagmukha ang mga Centaur na ito na para bang mga kabayong umaapoy.

Bigla namang nagkaroon ng pana si Valker. He make a bow and arrow out of black energy. Nagtipun-tipon ang enerhiyang nagmula sa hangin at bumuo ng kakaibang klase ng pana. Bigla niyang hinila ang tali nito at mahiwagang nagkaroon ito ng palaso, para bang ang kanyang ginawang pana ang kusang gumagawa ng bala nito.

Huminga ng malalim si Valker at binitiwan niya ang tali at lumipad ang palaso. Ang palasong ito ay kakaiba, ito ay gawa sa itim na enerhiya at habang nasa ere ito ay umuusok ito na para bang bulalakaw.

Tinamaan ng pag-ataking 'yun ang isang mandirigmang centaur at nagulat si Theodore sa nakita.

Biglang sumabog ang centaur na ito at naiwan ang kanyang suot na Armor.

Sumigaw ang centaur pero huli na ang lahat, kaya siya ay sumabog at naging usok.

"Hayop ka Valker!" sigaw ni Theodore.

Isang malakas na tawa lang ang naging sagot ni Valker at ipinagpatuloy ang kanyang pag-atake.
Nasundan pa ang mga pag-atake niya at masasaksihan ang mga sumasabog na mga kawal.

Masasaksihan ang labanan ng dalawang panig. Centaur laban sa Centaur, ang kaibahan nga lang ay dahil binuhay lang na mga patay ang nasa panig ni Valker at mga buhay naman na mga mandirigma ang nasa kay Theodore. Kaya malaki ang lamang ni Valker sa digmaang ito.

"Valker! Tama na! Hindi na kami lalaban pa! Susuko na lang kami basta't 'wag mo lang sasaktan ang aking mga kawal!" sigaw ni Theodore.

"Talaga?! Oh sumusuko na ang kaisa-isang pinuno na kanilang kinakapitan?!" sigaw naman ni Valker.

LEGENDARIA: The Great Land of Mythical Creatures (CSU SERIES #2)Where stories live. Discover now