Chapter 7: The Deal

192 19 1
                                    

Sa isang madilim na lugar naman na mausok ay nagkalat ang mga buto ng mga tao, mga buto ng mga Archillans o mga Ice Elves na nakasuot ng kani-kanilang armor at makikita ang mga sirang barko na dulot siguro ng nakaraang labanan.

May makikita namang isang centaur na nakatalukbong.

Mapapansin ang kulay itim na lupa na inaapakan ng misteryosong nilalang na ito.

Hawak ng centaur na ito ang isang isang lampara na may kulay lila na ilaw.

Naglalakad siya sa isang daan sa gitna ng isang gubat ng mga patay na puno. Kumakapal na ang hamog at natatakpan na ang tatlong buwan na may iba't ibang laki at kulay.

Patuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa isang wasak na templo.

Dumaan siya sa isang tulay na gawa sa bato na may nakaukit na mga malumang letra at imahe.

Mapapansin naman ang dalawang malalaking sulong umaapoy na nakatayo sa bungad ng tulay.

Pumasok siya sa lumang templo at tinanggal ang kanyang talukbong na itim na tela.

"Ano ang ginagawa ng isang centaur sa aking kaharian?" sabi ng isang nakakatakot na boses na nagtatago sa dilim.

Biglang lumiwanag ang lugar dahil sa hawak na lampara ng centaur at makikita ang isang malaking nilalang na may malalaking sungay. Para siyang demonyo, mapapansin ang kanyang pulang mukha at itim na mga mata. Mahaba ang kanyang buntot na para bang may matulis na bagay ang nasa dulo nito.

Nakaupo siya sa isang trono o upuang gawa sa bato at may hawak siyang gintong goblet o baso na may lamang inumin.

"Valker, ang traydor na centaur. Ano ang kailangan mo sa akin?" sabi niya.

"Gusto kong makipagsundo" sabi ni Valker.

"At bakit naman? Wala na bang pakialam sayo ang kapatid mo?" sabi niya at uminom siya.

"Matagal nang walang pakialam sa akin ang aking kapatid, Caprithorn. Simula pa lang talaga nung bata pa ako ay parang nararamdaman ko na talaga na parang hindi ako kabilang sa kanila" sabi ni Valker.

"Pagkatapos ng ilang taon hindi mo pa rin alam na ikaw ay isa lang ampon? Naaawa ako sa iyo dahil lumaki kang walang ka malay-malay" sabi ni Caprithorn.

"Ano? Paanong nangyari iyon?" sabi ni Valker.

"Tingnan mo ang nakaraan Valker!" sigaw ni Caprithorn at biglang may nagpakitang imahe sa hangin na gawa sa kulay violet na ilaw.

Ipinakita ng imaheng ito ang nakaraan.

Nasaksihan ni Valker kung paano siyang ipinanganak ng isang karaniwang centaur at hindi ng kanyang kinikilalang ina.

Nasaksihan niya kung paanong pinatay ang kanyang ina at kung paano siya natagpuan ng isang kawal na centaur at paano siya ibinigay at nagustuhan ng reyna.

"Ano ito?!" sigaw ni Valker.

"Iyan ang katotohanan Valker. Iyan ang mga katotohanang itinago mula sa'yo sa mga nagdaang taon! Tingnan mo nang maigi kung paano ka ginawang hangal ng kinikilalang mong pamilya!" sabi ni Caprithorn.

Nag-uumapaw ang galit na nararamdam ngayon ni Valker.

"Ngayon Caprithorn, papayag ka na ba?! Hihingi ako ng isang pabor, gawin mo akong isang makapangharihang centaur na walang sino mang makakatalo at asahan mong magiging kaalyansa mo ako!" sigaw ni Valker.

"Sa isang kondisiyon Valker, kung hindi mo matalo si Theodore ay magiging akin na ang iyong kaluluwa!" sigaw ni Caprithorn.

"Wala na akong pakialam sa kung ano man ang mangyayari sa akin. Basta ang mahalaga ay ang makapaghiganti ako sa kanila!" sigaw ni Valker.

"Sige papayag ako Valker! Yah!" sigaw ni Caprithorn at mula sa kanyang mga kamay ay biglang may lumabas na kulay violet na magic energy at pinalibutan nito si Valker.


Biglang nabitawan ni Valker ang hawak niyang lampara at nabasag ito at biglang dumilim ang paligid.



*********

LEGENDARIA: The Great Land of Mythical Creatures (CSU SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon