Epilogue

188 16 1
                                    


Lumabas si Theodore sa kanyang silid at pumunta siya sa may balkonahe.

Nakikita niya ngayon ang paglabas ng haring araw.

"Isa itong malaking tagumpay sa atin... At saka nga pala Theodore, nasa Underrealm na si Valker para siya ay litisin. Pati na rin si Veenix ay nandoon din" sabi ni Zack.

 Pati na rin si Veenix ay nandoon din" sabi ni Zack

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Magaling, mas panatag na ang loob ko ngayon. Nasaan na nga pala ang tungkod ni Veenix?" sabi ni Theodore.

"Nasa aking pangangalaga ito at makaaasa ka na hindi ito magagamit sa masama" sabi ni Zack.

"Gusto ko siyang makita Zack, dalhin mo ako sa kanya" sabi ni Theodore.

"Masusunod" sabi ni Zack at hinawakan niya si Theodore at sila ay mabilis na nawala nang may pumalibot sa kanilang gintong ilaw.

***************

Mabilis silang nakapunta sa labas ng selda ni Valker, sa Underrealm na isang lugar sa kung saan na siyang ubod ng dilim. Siya ay nakakadena.


"Kumusta ka na kapatid?" sabi ni Theodore.

"Mabuti namang nabisita mo ako, salamat at nagsayang ka pa talaga ng oras dito" sabi ni Valker.

"Nandito lang ako para sabihin sa iyo na magpakatatag ka dahil gusto pa kitang makalaban sa pagpapana" sabi ni Theodore.

"Asahan mo kapatid, Malapit na" sabi ni Valker.

"Sige, aasahan ko 'yan. Sige hindi na kami magtatagal. Paalam kapatid" sabi ni Theodore.

"Paalam..." naputol ang sasabihin ni Valker dahil nawala na sina Theodore at Zack nang biglang pinatunog ni Zack ang kanyang tungkod sa sahig na lumikha ng tunog at ilaw. "...Kapatid" dugtong ni Valker at biglang naging kulay violet ang kanyang mga mata at siya ay ngumiti.

************

Mabilis na nakapunta sa Isla ng Scaria sina Theodore at Zack, sa gusali ng Ressurgent.

Nasa loob din ang tatlong pinuno ng kani-kanilang teritoryo, si Vianus the Griffin, si Fortchtwig the Forest Keeper at si Dargath the Ice Elf.

Nagpupulong sila.

"Dapat ay paghandaan natin ang pagdating NIYA" sabi ni Dargath.

"Nandito lang kami para bantayan ang himpapawid" sabi ni Vianus.

Tumangu-tango naman si Fortchtwig tanda ng kanyang pagkikiisa.

"Tama kayo, dapat nga tayong maghanda para maprotektahan pa natin ang Legendaria!" sigaw ni Theodore.

************************

Zack's POV

Maraming taon na ang lumipas at parang wala namang kakaibang nangyayari.

Sa katunayan nga patuloy pa rin si Theodore sa pagiging isa sa mga Councilmen ng T.S.M.A. o ang The Secret Magic Association ng Earth.

At minsan dinala niya dito ang isang grupo ng mga kabataan para mag-insayo. At minsan na rin akong nakapunta sa Earth para tulungan sila.

************

Umuwi na ako sa aking tunay na tahanan. Ang Legendaria. Naglalakad ako ngayon sa loob ng kastilyo at bigla kong nakasalubong si Theodore ang kaibigan kong Centaur.

"Tapos na ba ang misyon mo?" sabi niya.

"Napakadali lang" sabi ko. "Ah wala ka bang pasok ngayon bilang isa sa mga Councilmen ng T.S.M.A.?" dugtong ko.

"Hindi muna ako papasok ngayon, at saka nandoon naman si Thumpyr kaya na niya 'yun" sabi niya.

Bigla namang may dumating na kawal at mukhang hinihingal ito.

"Mahal na hari at Royal Sorcerer..." sabi niya at yumuko bilang pagbibigay galang. "May masama po akong balita! Si Valker, ang inyong kapatid, ay nakatakas mula sa kulungan!" sigaw niya.

Nagtinginan naman kami ni Theodore.

"Ano?! Tawagin ang ibang mga kawal at hanapin siya!" sigaw niya.

"Masusunod po mahal na hari" sabi ng kawal at umalis na siya.

"Mukhang mapapalaban na naman tayo aking kaibigan!" sabi ko.

"Wala tayong pagpipilian mukhang kailangan na nating kumilos!" sigaw niya at siya ay tumakbo at maririnig mo ang tunog ng kanyang mga yapak.

Mukhang kailangan na naman naming iligtas ang Legendaria!

-The End-

***************

Tapos na nga ang lahat pero tapos na nga ba? Hindi pa SIYA nakakaumpisa. Dadating pa SIYA, malapit na.

LEGENDARIA: The Great Land of Mythical Creatures (CSU SERIES #2)Where stories live. Discover now