Chapter 6: Giants

233 21 1
                                    

Lumabas silang lima para tingnan kung ano ang nangyayari sa labas. Patuloy pa rin sa pagyanig ang lupa na para bang may isang malaking nilalang na paparating.

"Giants!" sigaw ni Zack.

"At dalawa sila!" sigaw naman ni Theodore.

Bigla namang nagbagong-anyo si Fortchtwig. Unti-unti siyang lumalaki habang may kumakapit sa kanyang mga ugat na parang mga ahas na gumagapang sa kanyang katawan.

Bigla namang sumugod ang isa sa mga higante.

Hawak-hawak ng higanteng ito ang isang napakalaking kahoy na hugis pamalo na may mga malalaking tinik. Sumisigaw ang higante habang ito ay papalapit.

Bigla namang inihanda ni Theodore ang kanyang pana.

"Maghanda kayo! Vianus buhatin mo ang napakalaking batong 'yun at ipatama mo sa ulo ng isang higante!" sabi ni Theodore.

Dahil si Vianus naman ay may telekenisis ability, kaya niyang magpalipad ng mga bagay gamit ang kanyang isip at hindi lang 'yun, kaya niya ring magpalipat-lipat ng anyo.

"Masusunod mahal na hari!" sabi ni Vianus at bigla siyang sumigaw na para bang agila at siya ay lumipad.

Lumutang mag-isa ang bato habang kinokontrol ito ni Vianus sa isip.

"Theodore! Si Valker!" sigaw ni Zack.

Nandoon pala si Valker at nagmamasid siya.

Bigla namang tumakbo si Theodore habang hawak-hawak ang kanyang pana.


"Valker!" sigaw ni Theodore.

Para siyang kabayong tumatakbo dala-dala ang galit sa bawat yapak ng kanyang mga paa. Mabilis siyang tumakbo at maririnig ang malalakas na tunog habang siya ay tumatakbo.

Bigla rin namang tumakbo si Valker. Pumasok siya sa isang masukal na parte o parang gubat at sumunod din dito si Theodore.

Hinahabol ni Theodore si Valker at lumiliku-liko sila sa mga puno at tumatalun-talon sa mga nakaharang na mga natumbang katawan ng puno na nababalot ng lumot.

Mapapansin naman na dumidilim ang paligid at lumalamig ang hangin dahil sa makapal na hamog.

Maririnig ang huni ng mga ibon at ng isang kuwago.

Bigla namang tumigil si Theodore dahil nawala sa kanyang paningin si Valker. Maririnig ang mahihinang yapak ni Theodore at gumagawa ito ng nakakatakot na tunog dahil natatapakan niya ang mga tuyong dahon.

Inihanda ni Theodore ang kanyang pana. Dahil sa apoy sa kanyang palaso bahagyang lumiwanag ang paligid.

"Valker! Lumabas ka sa kinalalagyan mo! Pag-usapan natin ang lahat! Isa lamang itong hindi pagkakaintindihan!" sigaw ni Theodore na para bang may sumasagot sa kanya o umaalingawngaw ito.

Parang nagulat naman si Theodore nang biglang nagsiliparan ang mga uwak.

"Mga ibon lang pala..." sabi niya.

Nagulat naman siya nang biglang may lumiwanag sa likod niya at biglang hinawakan ang kanyang balikat. Sa gulat niya ay agad-agad niyang tinutukan ng kanyang hawak na pana ang nilalang na ito.

"Whoa! Kalma lang Theodore. Si Zack 'to" sabi niya.

"Whoo... Ikaw lang pala" sabi ni Theodore at siya ay huminga ng malalim.

"Halika na bumalik na tayo doon" sabi naman ni Zack at bigla niyang hinawakan si Theodore sa balikat nito at sila ay pinalibutan ng gintong alikabok o parang magic energy at mabilis silang nakabalik sa Ressurgent.

************

Pagkabalik ay nagulat si Theodore na nakahandusay na ang dalawang higante. Ang isa ay nababalot ng yelo na siguro ay nagmula kay Dargath at ang isa naman ay nababalot ng mga ugat.

"Ano ang nangyari dito?" tanong ni Theodore.

"Walang kahirap-hirap lang naman namin silang natalo" sabi ni Vianus the Griffin.


****************

Pagkatapos ng nangyari ay bumalik sila sa loob at ipinagpatuloy ang pagpupulong.

"Tama ka nga Theodore dapat na nga tayong maghanda!" sabi ni Dargath na para bang may lumalabas na hamog sa kanyang bibig.

"Magpapadala ako agad ng mga Griffinmor sa Mainland" sabi naman ni Vianus.

"Ihahanda ko na rin ang mga Archillan para naman makatulong din kami" sabi ni Dargath.

"Yawoo-hasa Umma gavana-ra!" sabi ni Fortchtwig sa ibang lenggwahe.

"Magaling..." seryosong sabi ni Theodore na para bang naiintidihan niya si Fortchtwig.

"Ah Theodore, ang plano ko sana ay dapat siya ang lumapit sa atin hindi 'yung tayo ang humahabol sa kanya! Katulad kanina, kung hindi ako dumating eh baka, kung ano na ang nangyari sa'yo" sabi ni Zack.




"Tama ka kaya tayo na at magsimula!" sigaw ni Theodore.

************

LEGENDARIA: The Great Land of Mythical Creatures (CSU SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon