Chapter 6: Tropa ko si Rizal

Magsimula sa umpisa
                                    

“Naisip ko na itago muna si Kamiseta. May alam akong pwedeng tirahan nya muna, or pwede rin s’ya sa amin.”

“Di pwede.” Sabay nguya ko ng buko pie “Di mo ba naisip na pwede ka makasuhan ng kidnapping non? Sabi ko sayo, may pera si Horse.”

“Eh ano ang gagawin natin?!”

“Teka, nagiisip ako. Kalma lang.” Sinabi ko yun pero hindi rin ako makakalma.

Unang pumasok sa utak ko syempre ay ang magsumbong sa pulis. Pero ano nga bang magagawa nun? Wala kaming ebidensya e. Iniisip ko rin kung anong pwedeng gawin sa tatay ni Kamiseta. Ang komplikado. Anak ng problema nga naman oo.

“Tulungan natin s’ya.” Naluluhang sabi ni Sam. “Basilio, sige na.”

“Wag kang iiyak hoy.” Sabi ko “maaayos din natin to. Di ko alam kung pano. Pero basta.”

Grabe. Wala talaga akong maisip. Totoo, wala akong maisip na paraan. Gusto ko lang gulpihin si Horse at ipahid ang utak nya sa tulay upang patibayin pa ito lalo. Grabe, wala ako maisip. Nakakainis tong gantong pakiramdam. Yung wala kang magawa. Gusto mong makatulong pero wala ka talagang magawa. Alam mong may magagawa ka pero hindi mo alam kung ano yon. Nakakabugnot ang mga ganong pakiramdam. Kelangan ko magka-ebidensya kay Red Horse. Ano bang pwedeng gawin.

“Wala tayong magagawa sa ngayon.” Sabi ko “Lumabas na lang kaya muna tayo?”

“Tingin mo? Nag-aalala ako e.”

“Alam ko hindi ako yung tipong nag-a-aya ng ganito pero tara na.” Sabi ko “alas nwebe pasado na, bukas na ang SM.”

“Basang basa ako ng luha ni Kamiseta.”

“Okay lang yan.”

“Hindi yun okay no. Bilisan mo maligo, daan tayo sa amin muna.” Sabi nya “ wala ring damit si Kamiseta, ako muna magpapahiram sa kanya.”

Naligo nanga ako at pagkatapos ng sampung minuto ay natapos na ako. Gising na si Kamiseta at Sam, nakita nila ako na tuwalya lang ang suot. Natawa naman sila at nahiya ako. Nalimutan ko talaga na nasa salas nga pala sila. Agad agad akong nagbihis. Sinuot ko na naman ang paborito kong Ryu t-shirt. Pantalon at sapatos. Suklay, sipilyo at ready to go nako. Mukhang naka-ayos narin sila. Lumabas na kami ng bahay at nilock koyung pinto. Dinala ko na rin yung ATM card ni Tita. Sumakay kami ng dalawang jeep bago makarating sa bahay nila Sam. Medyo malaki ang bahay nila. Hindi ko pa alam ang storya sa likod, kasi alam ko talaga na taga-benta lang s’ya ng sampaguita dati.

Normal naman ang bahay nila. Wala rin naman silang madaming maid pero may isa isalang kasambahay. Si Ate Eta. Umupo ako sa salas nila. Na-alala ko bigla na hindi ko pala nailagay sa ref yung binigay na buko pie ni Sam. Siguro nilalanggam na yon. Naligo na silang dalawa, dalawa yung CR, maganda sana kung isang CR lang sila at sabay pero, biro lang. Ang tagal nila maligo pareho, isa’t kalahating oras ata ako nakaupo dun sa salas nila at nanunuod lang ng TV. Pagkalabas nila ng kwarto, suot ni Kamiseta ay ang kulay pink na dress ata yun kung tawagin. Basta, tapos may herban sya, kung pano man yun i-spell. Si Sam naman ay nag-suot rin ng dress, kulay puti naman. Maaliwalas sila tignan pareho. Para silang magkapatid talaga. Nakakatuwa pero nakakalungkot. Naalala ko lang bigla ang nawala kong kapatid.

Nag-hintay kame ng bus papuntang Cubao. Hindi kami sa Cubao pupunta pero ayaw daw nila mag-jeep kasi mainit. Malamig sa bus at masarap umupo. Natural, dun kami sa tatluhan umupo. Ako sa bintana, si Kamiseta sa gitna at si Sam sa natitira. Nag-usap kaming tatlo na para bang napakaclose na namin sa isa’t isa. Biro lang, si Sam lang yung nagiimik. Madaming kwento si Sam at kami naman ay nakikinig lang ni Kamiseta. Kahit na hindi kami naimik masyado ay pinapakita naman namin na nasisiyahan kami sa kwento nya. Hindi ko alam na niligawan pala ni Million si Sam. Napatawa ako ng malakas sa bus non. Hindi naikwento sa akin ni Million yun. 3rd year daw kami non at mga September ang panahunan. Hindi daw pinayagan ni Sam si Million manligaw kasi nga may boyfriend sya non. Oo, yung walangyang yon. Pero nag-pumlit parin daw si Million sa gusto nya. Araw araw ay dinadalhan daw ng ulam si Sam, bulaklak daw at lahat. Natutuwa nga daw si Sam e, pero hindi daw talaga pwede dahil “taken” na daw si Sam. Mabuti namang daw tao si Million, medyo hindi nga lang malinis sa katawan. Andami nga daw pick-up lines non e. Meron daw yung ginamit nya pa daw yung mismong pangalan ni Sam. Sabi nya “Ang pangalan mo ay nararamdaman ko, dahil ikaw ang aking ina-aSAM.” Anak talaga ng inhinyero. Palakpak ako nun sa bus, nahiya ako pero natawa ako ng sobra. Hindi nya sinabi sa akin yon at kung sa akin man mangyari yun, na imposble, di ko rin sasabihin kahit kanino. Nakangiti rin ng madami si Kamiseta non. Sa ngayon, yun lang ang kaya naming gawin para sa kanya. Ang damayan sya.

Kwento ng TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon