Chapter 12

801 34 35
                                    

Kim Dahyun's PoV

I was busy tapping my pen in my desk thinking about Sana na lagpas ng dalawang linggong hindi pumapasok at di man lang kami kino-contact.

Buti si Nayeon unnie nakabalik na last week pa. Tsk.

Masama yung loob ko sa kanya, sinusubukan ko siyang intindihin pero hindi ko na talaga feel. Nag aalala ako na ewan tagal na niyang walang paramdam na kahit kay Momo wala akong makuhang impormasyon sa pagkawala niya.

"Hoy, 3 weeks ka na halos badtrip. Mega simangot nanaman ang itsura mo." singit ni Chaeng na katabi ko lang.

"Wala. Wag mo nalang intindihin." walang ganang saad ko.

Hindi inis lang ang nararamdaman ko. Takot at pagkamiss na hindi ko alam pero nahihirapan ako na para bang may maling nangyare sa kanya.

"Dahil yan kay Sana unnie no? Nag away pa ata kayo bago siya umalis at hindi kayo bati kaya ka naggagaganyan." tamang hinalang sabi niya.

Wala kaseng tao sa classroom kundi kaming dalawa lang.

May mga klase parin kasi yung mga kaibigan namin. Short period kami this day si Tzuyu lang na kaedad namin ang aabot pa yata sa night shift ang klase.

1pm pa lang. Ang haba ng oras para tumengga na lang dito sa classroom.

Kadalasan kung andito si Sana dun ako sa room niya eh. Kaso wala siya eh, bakit ba.

"Labas lang ako Chaeng, bibili lang ako ng inumin." paalam ko.

Tumango lang siya kaya lumabas na ko ng room naglakad ako sa may hallway ng may nakabungguan ako.

"Yeri?" bungad ko sa kanya.

"Oh, nagmamadali ka ata?" tanong niya.

"Di ah, pupunta lang akong canteen." saad ko. "Bat andito ka?" dagdag ko pa kase di na siya nag aaral dito, mula ng maggraduate siya ng highschool dito.

1st year college na siya ngayon may nangyare kase nun before siya gumraduate kaya nagtransfer na siya.

"Babalik na ko, ayoko na dun sa school ko malungkot." sagot niya.

Pansin ko ngang may hawak siyang folder transfer slip yun I'm sure.

"Bakit dito rin ah malungkot tsaka alam mo namang wala na siya dito ko." paalala ko.

Si Joy unnie ang tinutukoy ko. Nagbreak sila tapos bigla na lang umalis si Joy unnie tas ang sabi nalang sa amin wala na siya dito sa Korea.

"Andito naman kayo. I miss her presence pero tanggap ko naman na wala na siya sa akin." mapait niyang tugon.

Yung love story nila ang pinakapinanghihinayangan ko, to think ang cute nilang couple but before Yeri graduated may nangyare pero di ko alam kung ano ba talaga tapos nagulat na lang ako nasa ospital si Yeri then after a week nag break sila kasabay ng pag alis ni Joy unnie.

"Hayaan na. Andito naman nga kami, may nadagdag nga eh." nakangiting sabi ko.

"Aba naman." she smiled. "Paano dun muna ako sa principal's office submit ko muna 'to mula bukas na kasi ako papasok dito." paalam niya.

"Sige. Ingat ka." I answered.

Naglakad na lang ako ulit papuntang cafeteria hanggang sa makarinig na ko ng bulungan.

"Nakabalik na pala si Prof. Minatozaki."

"Oo nga. Kasabay niyang pumasok si Prof. Momo kanina."

"Ayos yun, balik na ang pinakamagandang prof natin."

Napahinto ako sa narinig ko.

Nandito na siya, nakabalik na siya.

Off Limits||SaiDaWhere stories live. Discover now