Chapter 1

1.1K 26 33
                                    

Minatozaki Sana's PoV

"Sus. Kaya na ni Momo yan!" sigaw ko.

"Tangina neto eh. Lagi mo nalang sinasabi yan kapag tinatamad kang gawin ang mission mo!" sabi naman ng bestfriend ko.

"Sana, mission is a mission." malamig na tugon ng kapatid ko na si Irene unnie.

Hands up talaga ako kapag siya na ang nagsalita madalas di na ko makatanggi.

"Katatapos lang mission ko unnie." tanggi ko. Kase ayoko munang mapasabak knowing na baka nakakatamad nanaman at walang ka-thrill thrill.

"Hindi pwedeng sumalang sa hard mission si Momo, Sana. You know, di pa magaling ang sugat niya." paalala ni Unnie habang busy sa pagtatype sa laptop niya.

Alam ko naman na may tinamong tama ng baril sa braso si Momo dahil siya ang nasa front line ng nakaraan naming mission.

Matindi pa ditong kaming pito na lamang sa grupo ang nagtungo doon.

Andito kami sa office niya dito sa secret agency na nasa pagmamalakad at pagmamay ari namin.

Sa susunod na dalawang taon ako na ang magiging Director ng agency na 'to.

Sa ngayon bilang pinakamagaling sa teen section ako ang inaasahan na laging nakasalang sa field.

"Ano ba yung mission na yan unnie?" tanong ko kaya naman iniabot niya ang itim na envelope sa akin.

Kim Dahyun

Yun ang bumungad na pangalan sa akin pagbukas ko ng envelope.

"Kim Dahyun, youngest heiress of the Kim Family. Isa siya sa pinakamain target ng mga Mafias' sa panahong ito." paliwanag ni unnie sa akin.

"Ang ganda naman pala niya." wala sa loob na sabi ni Momo nakatingin sa files na hawak hawak may pictures kaseng naka attach dito.

"Gaano ba kayaman at kakapangyarihan ang mga Kim? Bakit itong si Kim Dahyun pa ang pinakapinupunterya nila?" seryosong tanong ko.

"Kim Family has the biggest and most famous empire in the whole Asia. Maraming companies ang gustong makaagaw ng pagiging number one nito isa pa gusto rin nilang tuluyan ng mawalan ng susunod na tagapagmana ang mga Kim para makuha nila ang mga kayamanang pag mamay ari nila." explain ni Unnie sa akin.

"And accourding to these files Kim Dahyun is only 18 years old. Nasa legal age na siya, 2nd year college palang siya pero hawak niya ang posisyong Vice President sa kumpanya nila. How come she can't protect herself sa laki ng responsibilidad niya." sabi ko na parang nagdududa.

"Gaya ng sabi mo, Sana. Kim Dahyun is just 18 years old after all teenage girld padin siya, hindi padin mawawala ng aalis siya ng walang bantay. Si Kim Dahyun ang tipo ng tao na ayaw ng may body guard minsan nga pati ay driver ayaw niya." sabi ni Unnie kaya nailing nalang ako.

Iisa lang ang nasisiguro ko, may pagkabrat siya kung ganun.

"And paano ko siya mababantayan ng mabuti unnie sa tingin mo?" tanong ko.

"Kaya nga pinaayos ko na ang files mo. You are now officially enrolled sa Kang International Institution bilang 4th Year College with a course of Business Management." nakangising sabi niya.

"What?! Are you serious? Unnie, for God sake! Excellerated ako at natapos ko na ang course na yan 4 years ago na sobrang boring dahil ang dali dali lang pinahihirapan pa ang mga estudyante." naiinis na sabi ko.

"Akala ko ba matalino ka sis?" nakakalokong sabi niya. "Sana, hindi ka naman magkaklase you will be the prof sa tatlong subject na meron si Dahyun." sabi niya. "You will be the student teacher dahil nga excellerated ka at hindi kana kailangan pang turuan palalabasin nalang na ayaw mo munang ma engage sa trabaho that's why napagdesisyunan mong maging student teacher para kapag naggraduate ka eh sakto lang sa age mo." mahabang paliwanag niya.

Nung 16 years old ako, I graduated with the same course kada year level eh inaral ko lang ng dalawang buwan kaya sa dapat na apat na taong kong pag aaral natapos ko lang ng 8 months.

So far kinaya na ng utak ko ang mga yun.

Bilang isang agent, hindi lang naman ang pagpatay, pag aaral sa paggamit ng deadly weapons ang kailangan namin, kailangan din naming maging edukado at maging matalino para kahit na hindi kami normal na kabataan lang ay may ibubuga kami sa kahit na anong sitwasyon.

"Paano ba yan? Real quick ka dude, aral again." kantyaw ni Momo.

"Who told you na si Sana lang?" nagulat ako ng bumakas ang pintuan at iniluwa nito si Seulgi. Ang Top Secret Agent ng Adult Section, girlfriend siya ng unnie ko.

Yep, my sister is a gay. Hindi naman niya ikinahihiya yun. Pinagmamalaki pa nga ni unnie ang relasyon nila.

"Hey, babe." nakangiting sabi ni Irene unnie at harap harapan pang hinalikan ito sa labi.

"Eww. PDA." nakangiwing sabi ko.

"Whatever sis. Anyways, I forgot to tell you Momo na kasama ka sa misyon na 'to. Ang pinagkaiba lang ay si Sana ang magiging front line. Gaya ni Sana you have to be a student para maprotektahan niyo ang subject niyo. Momo, these is the files of your special mission." paliwanag ni Irene unnie.

"Naks. Kala mo makakalusot ka dito no Moguri? Asa ka naman." nakakalokong sabi ko.

"Sana, I know magiging komplikado ang misyon niyong ito kapag nag umpisa ng gumalaw ang mga kalaban kaya sana hangga't maari iiwasan mo na mapalapit sa subject mo." diretsong sabi ni Seulgi unnie habang may kinakalikot sa tablet na hawak hawak niya.

"You know me, kapag subject SUBJECT lang talaga. Di naman kase ako tutulad sa iba." sagot ko naman.

Alam na nila ang ibig sabihin ko nun. May mga sitwasyon na naging komplikado ang isang misyon kapag kapag nagiging attach ka sa subject mo.

It's either manganib ang buhay niya o the worst maging sanhi pa ng pagkahamak mo.

Ayokong mangyare sa akin yun, sa dinami dami ng misyon na ginawa ko ngayon pa ba ko papalpak? Hindi naman ako papayag kapag ganun.

"Starting tomorrow, uumpisahan mo na siyang bantayan. Sakto bukas na ang start ng second sem nila saktong ipapasok sa units nila ang subject na ituturo mo." sabi ni Seulgi unnie na nakaakbay kay Irene unnie ngayon. Nakaupo kase sila sa isang sofa ngayon.

"Bukas? Agad? Pakiexplain nga chief paano 'tong sugat ko?!" exagge na sabi ni Momo.

"Ang OA mo talaga kahit kailan." naiiling na sabi ni Seulgi unnie.

"Long white sleeve naman ang magiging uniform niyo kaya di yun makikita." plain na sabi ni Irene unnie. "Pack your things bukas ng umaga lilipat na kayo sa lilipatan niyong condo." dagdag ni unnie.

"Naks. New condo again." excited na sabi ni Momo.

"Pustahan new cars again?" gatong ko.

"Oo. Andun na nga sa labas iniintay na kayo. Matulog na kayo. 12 midnight na so paano ba yan? Chupi na at may pag uusapan pa kami ng Chief niyo." nakakalokong sabi ni Seulgi unnie sabay kindat sa Irene unnie ko. Napakalandi kahit kailan. Ang PDA amp.

Mabalis akong nagtungo sa kwarto ko dito sa Headquarters namin para matulog na at magpahinga kase sigurado akong magiging mahaba ang araw para sa akin bukas.

~

Off Limits||SaiDaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें