Chapter 8

741 32 22
                                    

Minatozaki Sana's PoV

Naging madalas na kaming magkakasama nila Dahyun.

Kaming siyam hindi kami mapaghiwalay sa tuwing walang klase.

Hindi ko maitatangging napapalapit na ko sa kanila. Lalo na kay Dahyun, may nararamdaman akong kakaiba sa kanya pero hindi ko naman sigurado kung ano yun.

At natatakot pa kong malaman kung ano yun. Sa estado pa lang ng mga buhay namin hindi na pwede. Talo na ko dun.

"Kaumay magklase minsan. Ulit ulit lang mga lesson." reklamo ni Momo sa akin.

Nagsasawa na 'to kakaturo. 4 months narin kase mula ng malipat kami dito.

Mabilis na nga yung mga panahong lumipas pero so far wala pa namang nangyayareng masama.

Hindi narin ako naassign sa fielding eh. Ayaw nila Irene unnie, mas okay daw na nakafocus ako sa mismong mission ko.

Minsan di maiwasang mapatrouble sa mga nang-aambush. Ilang beses ng may nagtangkang kidnap-in si Dahyun pero wala siyang ideya sa tuwing nakikipagpatayan ako sa kaligtasan niya.

Ganyan naman lagi and I was so eager to keep her safe. Ayoko ng may mangyare sa kanyang masama hindi lang dahil sa misyon ko, kundi narin sa may puwang na siya dito sa puso ko.

"Sana hindi na umabot pa ng taon 'tong misyon na 'to. Nakakamiss magfielding." sabi ni Momo napailing pa.

"Mahuli lang naman natin ang puno't dulo ng sitwasyong 'to matatapos narin ang misyon natin." seryosong sabi ko.

"Pero paano ka kapag natapos na 'to? Iniisip ko malalayo kana kay Dahyun, I mean Sana pansin ko kasi mahalaga na siya sayo." straight to the point talaga 'tong si Momo.

"Wala akong choice, tsaka kahit mahalaga siya sa akin mas mahalaga yung safety niya." agad na sagot ko.

Kung sakali man kasing matapos ang misyon namin magpapakalayu layo kami nila Momo, kami ng mga involve sa misyong 'to. Kailangan naming burahin ang pagkatao namin sa buhay ng mga naging subject namin.

Sa Agency namin sa Japan kami for sure ipapadala at di na muna kami pababalikin ng Korea for 4 years.

"Sana kasabay na nating umalis dito sila Mina at Nayeon unnie." sabi ni Momo.

"Last year na ni Nayeon unnie dito, si Mina naman for sure kasabay nating aalis yun dito." sagot ko.

"Dapat lang. Sakit sa mata kapag clingy subject niya sa kanya." luh nagseselos ba 'to kay Chaeyoung?

"Tama na asa, dude. Hindi ka type ni Mina." walang prenong sabi ko sa kanya.

"Wala kang pake. Hindi naman sila pwede." sabi ni Momo. "Alam mo namang nagtetraining palang tayo may gusto na ko sa kanya." dagdag niya pa.

"Pero.." hindi na niya ko pinatapos sa sasabihin ko kaya nasingit agad siya.

"Pero hindi rin kami pwede ni Mina, galing si Mina sa malaking pamilya and she's not allowed to be in a relationship to her co agent dahil delikado. Alam ko naman yun." pinangunahan na nga talaga niya ko.

"Balik na tayo sa mga condo natin. Wala na kong pasok." sabi ko.

"Oo nga tara." sang ayon niya.

Inayos ko yung mga gamit ko, andito kase kami sa classroom ko.

Inaayos ko yung gamit sa bag ko ng magring yung phone ko.

Director Kang Irene Calling...

Putang name yan.

Ang landi rin ng kapatid ko eh. Minatozaki last name niya pero nagpapaangkin na kay Seulgi unnie.

"Sana!"

"Oh bakit unnie?"

"Need ni Hyunjin at Chan ng assistance niyo sa fielding mission nila sa China."

"Kala ko ba bawal sa akin fielding?"

"Delikado kasi yung mission. Nutorious drug lord ang target na mahuli and as you know how complicated is that operation."

"Deal. Sinong kasama kong mag a-assist?"

"Nayeon, Joy, Jisung and Sowon. Si Momo at Mina ang maiiwan dyan for the safety ng mga subject niyo. I need you here in our quarters now."

"Okay noted."

End call.

Kapag misyon ang pinag uusapan nawawala ang pagiging ate niya sa akin.

I know it takes a week bago kami makabalik galing sa fielding mission na gagawin namin.

"Anong sabi?" tanong ni Momo.

"May fielding ako. Now na, kailangan na ko, with Jisung, Joy, Nayeon unnie and Sowon unnie." sagot ko.

"Iwan nanaman ako. Bwisit, dapat ako na lang sa fielding. Daya niyo." reklamo niya. "Pero dream team kaya yan. Han Jisung as in pinsan mo?" tanong niya pa.

"Oo, sino pa ba?" tanong ko. Naalala ko nanaman ang baliw kong pinsan. Matagal narin mula ng di kami magsama sa iisang misyon.

"Squirrel Cousins pa ang nais. Mag iingat nalang kayo dun." sabi ni Momo tsaka ko siya tinanguan.

Naglalakad kami sa hallway ng makasalubong namin sila Jihyo na nakasimangot kasama si Tzuyu at Dahyun.

"Pauwi na kayo?" tanong ni Momo.

"Oo, tuloy na sa main gate andun na sundo namin." sabi ni Tzuyu.

"Eh bakit nakasimangot yan?" tanong ko at nilingon si Jihyo na mukhang malungkot.

"Nagfile nanaman kasi ng 1 week leave si Nayeon unnie. Bigla na lang siyang umalis di man lang nagpaalam." sabi ni Dahyun at napailing pa.

"Para san daw?" tanong ni Momo, aish patay malisya.

"Walang sinabi unnie." sabi ni Tzuyu.

"Maiintindihan ko naman kase siya kung anong dahilan niya bat lagi siyang umaalis. Pero hindi eh, sinanay niya kami lalo na ko bigla nalang siyang nawawala. Nakakasama na ng loob minsan, akala ko naman importante ako kay Nayeon pero hindi pala." naiiyak na si Jihyo. Pakiramdam ko iba ang tingin ni Jihyo kay Nayeon unnie. Ito kaya yung tinutukoy ni Nayeon unnie at mukhang problemado siya kapag patungkol sa huling taon ni Nayeon unnie sa misyon niya.

"Hindi ka pa ba nasanay unnie? Ilang beses na ba niyang ginagawa ang umaalis nalang bigla." sabi ni Tzuyu.

"Easy baka may rason lang talaga yung tao." sabi ni Momo.

"Tutal nasabi niyo na yung aalis. Ako aalis din, bukas di muna ko makakapasok, for a week din. May business trip ako kasama unnie ko." pasimpleng paalam ko.

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ni Dahyun.

"Akala ko si Jihyo unnie lang ang totopakin, may isang tofu pa pala." sabi ni Tzuyu.

"Atleast nagpaalam ako diba? Tsaka Dahyun, babalik rin naman ako." pag aasured ko sa kanya.

"Akala ko naman di ko mararanasan yung nararamdaman ni Jihyo unnie. Kaso mas masakit pala kapag nagpapaalam sayo yung tao, yung wala kang magawa para mapigilan siya. Tanga ko kasi, bakit sinanay ko yung buhay kong andyan ka." sabi ni Dahyun at nagwalk out.

"Sundan na namin. Ganun kase talaga yun, maikli ang pag intindi. Ingat ka sa pag alis mo Sana." sabi ni Jihyo tsaka na sila naglakad palayo habang kami nagpatuloy maglakad hanggang sa makarating sa parking.

Ganito rin kaya yung nararamdaman ni Nayeon unnie sa tuwing alam niyang nagtatampo si Jihyo.

Ito yung una naming di pagkakaintindihan ni Dahyun.

Mahirap pala 'to kase kahit ayaw mong umalis wala kang magagawa kundi ang sumunod sa kautusan kase tungkulin ko 'to.

Dumiretso lang ako sa condo para magpalit at kumuha ng damit bago dumiretso sa quarters.

1 long week ahead. It's been a long time since our last fielding happened. Excited ako pero ramdam ko yung paninibago.

I'll miss you Dahyun.

~~

Off Limits||SaiDaWhere stories live. Discover now