Chapter 10

631 27 14
                                    

Minatozaki Sana's PoV

"In my go signal, move."

I heard Chan said through our bluetooth earpiece.

Dahil nga siya ang leader edi sa signal niya kami magdidepende.

"Hoy Christopher! Ayusin mo, wag kang mambibitin!"

Si Nayeon unnie yun, pinagtitripan niya talaga lagi si Chan kahit on going na missions namin.

Nakastandby lang ako sa isang giant container at naghihintay ng signal.

Naninibago ako sa fielding sa tagal ko ng di napunta sa ganitong misyon, nangapa ako ng konti.

At sa pagtapak ng suspect sa entrance ng port dinig ko na ang go signal ni Chan.

Pero hinayaan ko munang magbarilan ang mga kasama at yung mga body guards ng suspect.

"Sana, faster! He's behind you!"

Dinig kong sabi ni Sowon unnie. Kaya agad akong lumingon sa likuran ko.

Medyo tanga ang suspect na 'to at di ko na kailangang lumapit sa kanya siya na mismo ang lumapit sa akin.

Maybe, he's trying to hide pero nagtatago siya mismo papalapit sa ikakahuli niya.

In a split second hinatak ko siya sa kaliwang kamay niya. Nabitawan niya yung gun niya sa gulat.

Tinuhod ko siya bago mabilis ang posas sa kanya.

"I got the hiding mouse here." I smirked looking at him.

"Minatozaki Sana, huh? The sister of the GREAT DIRECTOR. Nakuha ko ng ipapatay ang daddy mo ngayon mo lang ako nahuli." nagitla ako sa sudden confession niya.

He's the killer of my father. This man infront of me is the reason why my dad is not here anymore.

Nag init ang dugo ko, agad ko siyang sinapak.

"You jerk. I've been searching for you and I've been waiting for this day na ako na mismo ang babawi ng buhay mo." madiin kong sabi.

"Pantay lang tayo, mamamatay tao rin naman ang tatay mo diba? Pati ikaw? Kayo ng buong pamilya mo. Hindi naman mamamatay ang daddy mo kung di siya pakialamero." madiin niyang sabi at ngumisi pa.

"But my dad killed a lot of evil people! Wala siyang pinatay na matinong tao, pero hayop ka! Napakagago mo! Bakit mo siya pinapatay!? Ano bang kasalanan ng daddy ko sayo?!" galit na galit ako ngayon, hindi ko lubos maisip na nasa harapan ko na ang nakapatay sa daddy ko.

"It's crazy that your dad died with his own plan. You're father is a loser! Commander Yago is such a loser." nababaliw na siya.

"You don't have the right to say that! Hindi mo kilala ang daddy ko! Wala pa sa kalingkingan mo ang nagawa niya." agad ko siyang sinapak ulit sa mga sinasabi niya.

"Hindi lang naman ako ang nasa likod neto. At patayin mo man ako, hindi mo padin makukuha ang hustisyang hinihingi mo." madiin niyang sabi.

Hindi ako nagsalita. Binitawan ko siya tsaka pinagsusuntok at sinipa hanggang sa mapahiga siya.

"Gago, tangina mo. Kahit sino pa kayong nasa likod ng pagpatay sa dad ko iisa isahin ko kayo at mauuna ka." sabi ko at itinutok ang baril ko sa kanya.

"Sana! Stop that!" madiing sigaw ni Nayeon unnie. Kasunod niya sila Chan at iba pa naming kasama.

"Hindi unnie, tatapusin ko ang buhay ng hayop na 'to." sa bugso ng damdamin tuluyan ko ng napindot ang gantsilyo ng baril ko.

3 shots, sinagurado ko na di na siya makakasurvive.

Tumalikod ako at nilingon ang mga co-agents ko.

Pero sa paglingon ko sa kanila agad silang sumigaw.

"Sana! Look out!" sigaw nila at napalingon ako sa direksyon ng taong binaril ko.

Sumalabong siyang nakahiga, duguan pero walang alinlangang pinaputok ang baril na pinulot niya pa ata kahit nahihirapan siya.

In a blink of an eye namanhid ang katawan ko sa pagtama ng bala sa tagiliran ko.

Tuluyan ng bumagsak ang katawan ko sa semento at unti unting nilamon ng dilim ang buong pagkatao ko.

Mom... Dad...

Hirai Momo's PoV

"What?!"

Halos mapasigaw ako dito sa loob ng condo ko dahil sa balita sa akin ni Nayeon unnie.

"Momo, alam mong wala kang dapat pagsabihan. Ikaw na muna ang bahala dyan, she's not responding and we don't kung kailan siya gigising."

"Nasaan na ba kayo?"

"Nasa China padin kami, pupunta si Chief 'to, to see her."

"Ano bang nangyare?"

"Isa yung suspect na target namin ang nagpapatay kay Commander Yago kaya galit na galit si Sana at di na niya nakontrol damdamin niya. The suspect died but Sana is in critical stage right now."

"Sige unnie. Balitaan mo ko ulit, sa ngayon I have to rest." paalam ko bago patayin ang tawag.

Hindi naman ako pagod pero di kinaya yung mental breakdown.

My bestfriend is in critical stage but I have nothing to do.

Ilang beses na siyang nabaril noon pero iba ngayon. Sa tuwing mababaril or masusugat siya madali lang bumabalik yung malay niya.

Pero ngayon, hindi ko inasahan na kailangan pang dumating sa ganito.

Hindi rin ako makakatulog kaya lumabas ako at nagpunta sa Han River.

Nagpunta ako dun using a motor bike.

Nakita ko sa blueprint ko na andito sila Chaeyoung, Jihyo at Dahyun na subject nila Sana.

Sa pagbaba ko palang ng motor may nakapansin na sa akin. Si Chaeyoung, ang pinakamaingay.

"Momo unnie! Buti andito ka!" hyper na sabi niya. I gave her a sweet smile.

"Nagpapahangin lang." I answered.

"Join us. We're having a night picnic." yaya ni Jihyo.

Andito silang lima tsaka si Mina. Bale anim sila, gala rin sila eh.

Hindi na ko tumanggi para mailihis narin ang nasa isipan ko.

Si Mina nakatingin ng makahulugan sa akin, mukhang alam narin niya kung anong nangyare.

"Sana unnie is not answering my calls." biglang sabi ni Dahyun, umiiwas na nga sa topic na yan eh. Tsk.

"Baka busy lang." Mina answred plainly.

I just clenched my fist not joining in topic.

Matatagalan pa panigurado ang pabalik ni Sana.

Nag aalala rin ako, alam ko sa nangyareng 'to sa kanya sa paggising niya maraming magbabago.

I've known her as a control freak pero about sa death ng parents niya ibang usapan na.

Sana could kill a person and she's heartless when the pain and anger just ate her.

Huli ko siyang nakitang ganun nung mamatay ang dad niya at mom niya.

Muntik na niyang malumpo yung escort ng dad niya sa galit nung malamang wala na yung dad niya.

And now I'm worried. Only Irene unnie can make her calm at baka makaapekto ito sa current mission niya.

~~

Off Limits||SaiDaWhere stories live. Discover now