"baby girl naman eh...ang seryoso ko dito tapos dinadaan mo lang sa biro..." reklamo sa kanya nito. "ay wait lang, may kukunin lang ako diyan sa tree house, diyan ka lang ha huwag kang aalis..." bilin nito sa kanya.

"tingin mo sakin bata? Opo dito lang po ako promise..." sabi niya saka itinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa.

"good girl..."sabi nito sabay kindat. Umakyat na ito sa tree house, hindi rin nagtagal nakita niya na itong pababa hawak ang isang regalo. "happy first monthsary baby girl..." bati nito sa kanya saka binigay yung regalo.

"naks naman, akala ko nakalimutan mo na..." nakangiting sabi niya.

"pwede ba naman yun? Buksan mo na bilis" natatawang sabi nito.

"ha?"

"buksan mo na yang gift ko sayo, dali..." natatawa pa ring sabi nito.

"oo na, eto na po bubuksan na, ba't ba atat na atat kang buksan ko to? Bigla tuloy akong kinabahan kung ano to, baby boy ha, baka kung anong laman nito..." sabi niya habang binubuksan ang regalo, maya maya pa nabuksan niya na ito, nagulat siya nang makita ang laman ng regalo...

........

.........

...........

..........

"KATOL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" patanong na sigaw niya kay Gerald, tumawa naman ito ng pagkalakas lakas... "grrrrr...nakakainis ka, bahala ka sa buhay mo!!!" sabi niya saka naglakad palayo dito.

"baby girl wait lang! san ka ba pupunta..." natatawa pa ring tawag nito sa kanya.

"uuwi na!!!" sigaw niya.

"uuwi ka na? o sige bahala ka..." narinig niyang sabi nito.

"teka, tama ba ang dinig ko? Pumapayag na siyang umuwi ako, hindi man lang ba niya ako pipigilan?" sunod-sunod na tanong niya sa sarili.

"bahala ka, di kita pipigilan kung gusto mo na talagang umuwi, kaya lang walang maghahatid sayo, wala ding taxi dito..." natatawa pa ring sabi nito sa kanya. Saka niya lang naalala na nasa hasyenda nga pala sila nito at hindi siya makakauwi kung hindi siya ihahatid nito.

"argh...nakakainis ka talaga Heraldo" nanggigigil na sabi niya. Padabog na lumapit siya dito. "ihatid mo na ako..." asik niya dito.

"Ihahatid ka? O sige...pero hug mo muna ako..." nangingiting sabi nito.

"ayoko nga, tingin mo sakin uto uto?"

"ayaw mo? Eh di huwag, kung sabagay marami namang bakanteng kwarto sa bahay, pwe-"

"eto na nga oh, gagawin na..." sabi niya sabay yakap dito.

"I love you baby girl!!!" bulong nito sa kanya habang yakap-yakap siya.

Hinampas niya ito sa braso. "Nakakainis ka naman eh..."

"Bakit?" tanong nito sa kanya.

"nagtatanong ka pa, alam mo okay lang naman sakin kahit wala kang regalo eh, makasama lang kita masaya na ako dun. Hindi naman ako nagagalit dahil dun sa regalo, naiinis ako kasi parang lahat dinadaan mo sa biro."

"okay sorry na, gusto ko lang naman kasing maging memorable para sayo tong 1st monthsary natin. Ang hirap kayang mag-isip ng regalo for you alam mo ba yun? Kasi lahat parang nasayo na, gusto ko kung magbibigay ako yung siguradong hindi mo makakalimutan, yung tipong pag nakita mo maalala mo tong araw na to. Kaya nga yan yung binigay ko eh..." natatawa paring sabi nito, hinampas niya ulit ito sa braso. "seryoso, ineexpect mo ba ang ganyang regalo? Diba hindi? At pustahan tayo hindi mo talaga makakalimutan tong araw na to dahil diyan. Saka alam mo bang may meaning yang katol na yan for me?" kumunot ang noo niya. "alam mo bang simula ng maging girlfriend kita, sinabi ko sa sarili ko na akin ka lang, na wala ng ibang pwedeng humawak sayo kundi ako lang, wala ng iba kahit pa lamok man yan. Sa umaga alam kong mababantayan kita pero kapag sumapit na ang gabi, wala na ako para mabantayan ka pa, kaya ayan binigyan kita niyan para kahit wala ako, alam kong may proteksyon ka." Seryosong sabi nito.

"nakakainis ka talaga!!!"

"bakit na naman?"

"eh kasi kahit na ang corny mo kinikilig pa rin ako..."

"talaga? Kinikilig ka?"

"oo, akin na nga yang kamay mo."

"bakit?"

"basta bigay mo nalang..." sabi niya, inabot naman nito ang kamay nito.

"o ayan, happy 1st monthsary. Hindi ko ugaling mag regalo ha, salamat ka binigyan pa kita" sabi niya habang sinusuot niya dito ang relong regalo niya. "alam ko hindi yan kasing ganda at kasing mahal katulad ng binibili sayo ng mommy mo pero gusto kong malaman mo na...

....

....

....

....naubos ang allowance ko dahil diyan." Ganting biro niya dito. Humagalpak naman ito ng tawa... "I love you!!!" sabi niya dito.

"ang sweet naman ng baby girl ko..." yayakapin sana siya nito pero pinigilan niya.

"nakakarami ka na ahh..."

"baby girl naman, isa na lang please..." hindi na siya nakatanggi pa nang yakapin siya nito. "I love you too..." bulong ulit nito sa kanya. Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya at pumunta sa likuran niya, maya-maya pa'y naramdaman niyang may sinusuot ito sa leeg niya. "seryoso ako sa mga sinabi ko kanina, totoong lahat ng yun, pero hindi naman ako papayag na katol lang ang matanggap mo sa espesyal na araw na to, ayoko namang isipin mo na ang boyfriend mo mas kuripot pa sayo..." sabi nito matapos maisuot sa kanya ang kwintas na regalo nito. Pinitik niya ang tenga nito.

"hay naku Heraldo, gusto mo ata akong patayin sa mga pinagagagawa mo. Kelan ka ba mauubusan ng mga surprises? Huwag mo kong sasanayin sa mga ganyan kasi baka masanay ako."

"eh di masanay ka, wala naman akong planong ihinto to eh..." sabi nito sa kanya, hawak hawak ang kamay niya. "oh my God baby girl 5 o' clock na, we need to go 6 o' clock ang curfew mo, bilis..."

waaaaaaaaahhhhhhhhhh...nakakadrain ng utak...haha...

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionOnde as histórias ganham vida. Descobre agora