"ahh yan? Si daddy!!! Hindi mo pa ba siya nakikita? Ay!!! oo nga pala, ikaw pa si Ms. Sungit nung mga panahong buhay pa si dad." Sabi nito ng natatawa, hinampas naman niya ito. "Bakit? Gwapo noh? Sakin nagmana yan eh..."

Gwapo nga ang daddy nito bilugan ang mga mata, matangos ang ilong, perfectly shaped din ang mga labi nito pero bakit parang... "hay naku sarah kung anu-anong iniisip mo, tumigil ka nga" saway niya sa sarili.

Hindi rin nagtagal tinawag na sila ng mommy nito para kumain. Tawanan sila ng tawanan habang kumakain, nagkwento ang mommy nito ng mga kalokohan ng anak nung bata pa ito.

"grabe ka Ge, malala ka pa pala sa iniisip ko." Sabi niya matapos magkwento ng mommy.

"pero mabait naman yan, may pagkapilyo nga lang minsan..." sabi pa ng mommy nito. "sandali lang hija may kukunin lang ako sa taas." Tumayo ito pero nagulat sila ng bigla na lang itong natumba, mabuti na lang at naalalayan niya ito kaagad kaya't hindi ito tuluyang nahulog sa sahig.

"tita okay lang po ba kayo?" tanong niya dito.

"oo nga ma, maputla rin kayo..." nag-aalalang tanong ni Gerald sa ina.

"ano ba kayo, okay lang ako. Napagod lang siguro ako, huwag niyo kong alalahanin. Gerald ipasyal mo naman tong si Sarah sa hasyenda ng maenjoy niya naman ang pagpunta niya dito." Utos dito ng ina.

"oo nga pala!!!" sabi nito sabay tapik ng noo. "pero ma, sure kang okay ka lang?" tanong ulit nito sa ina, tumango naman ito. "kung ganun, let's go baby girl!!!" yaya nito sa kanya.

Namasyal sila sa loob ng hasyenda, pinakilala siya nito sa mga trabahador. Kitang-kita niya kung gano nito kamahal ang mga trabahor kaya hindi kataka-takang ganun din ang mga ito sa binata. Kung anu-ano rin ang mga kinain nila habang namamasyal, umupo sila sa isang bench malapit sa isang tree house ng makaramdam ng pagod.

"ang laki namang tree house nun!" turo niya dun sa tree house.

"ahh yan ba...pinasadya talaga yan ni dad for mom, mahilig kasing mamasyal si mommy kapag nandito sila kaya pinagawa yan ni dad para kapag nakaramdam sila ng pagod, hindi na nila kailangan pang bumalik ng bahay para magpahinga."

"ang sweet pala ng daddy mo noh?"

"yah!!!he's the sweetest ever...pero alam mo hindi ko iniexpect na magiging ganun sila ka sweet sa isa't-isa."

"hah? Bakit naman?"

"madalas silang mag-away when I was a kid, hindi ata kumpleto ang araw nila ng hindi nag-aaway. Minsan nga umaabot pa sila sa puntong nasasaktan nila ang isa't-isa. Ilang beses na rin silang nagplanong maghiwalay, pero hindi nila ito magawa because of lolo. It hurts, ang sakit na makita mo yung mga magulang mo na ganun, sino ba namang anak ang gugustuhin yun diba? Ten years din silang ganun, akala ko nga wala ng pag-asa na magkaayos pa sila, pero nagulat nalang ako ng isang araw dalhin kami dito ni Daddy at sinabing binili niya tong lupang to for mom. That was the happiest day of my life, dun ko nakita kung gano kamahal ni dad ang mom. Yun din ang araw na hindi ko sila nakitang nag-away. At lahat ng yun nangyari dito, dito sa hasyendang to. Simula nun itinuring kung couples land ang lupang to, feeling ko kasi swerte to sa mga couples. Sacred ang lugar na to para sakin even Maj and Fred didn't know about this, gusto ko kasi, yung pinaka unang babaeng dadalhin ko dito eh yung babaeng makakasama ko habang buhay at ikaw yun Sa, ikaw yun..." seryosong sabi nito.

Ayaw niya mang aminin pero kinilig siya sa mga sinabi nito. Sino ba naman ang hindi noh, ikaw ba naman ang sabihan ng lalakeng mahal mo na ikaw ang gusto niyang makasama habang buhay, hindi ka kikiligin? Dinaan niya na lang sa biro ang kilig na nararamdaman. "ikaw Gerald ha, chumicheesy ka na naman..." biro niya dito.

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon