40

35.5K 604 29
                                    


IÑAKI couldn't stand seeing his miserable father drown himself in alcohol every day. Pagdating nito galing ng trabaho ay alak na ang kasama nito. Paggising nito sa umaga ay hinahaluan nito ng alak ang kape nito. Pero hindi ito nagpapakalasing nang husto dahil kailangan nitong magtrabaho. Responsable pa rin ito, kung konsuwelong matatawag iyon.

Ilang beses na nila itong tinanong ng lola niya kung ano ang problema, ngunit tikom ang bibig nito. Parang ayaw nga nito na may kausap. Ayaw nitong may nakakasama sa pag-inom. He wanted to be alone.

Alam niyang si Elizabeth ang dahilan ng pagkakaganoon ng kanyang ama. Kahit walang magsabi sa kanya ay kapansin-pansin sa klinika na wala sa sarili si Elizabeth. She had been so disorganized lately. Napagpapalit-palit nito ang medical records ng mga pasyente nito. Her clinic was a mess. Palagi itong masungit sa mga pasyente man o sa mga staff ng clinic. Marami ang labis na nagtataka sa biglang pag-iiba ng ugali ng pinakaorganisadong doktor na nakilala nila. He even caught her crying in the bathroom one time. Hearing her cry and look her so devastated broke his heart.

Hindi dating ganoon ang daddy niya at si Elizabeth. Nasasaktan dahil alam niyang siya ang may kagagawan niyon. Alam niyang kung hindi niya kinausap ang kanyang ama ay masaya sana ito ngayon sa piling ni Elizabeth.

Hindi na niya matagalan ang mga nakikita niya. Hindi niya hahayaang maging miserable ang mga taong mahal niya kung alam niyang may magagawa naman siya. He couldn't afford to be selfish. Kung talagang nagmamahal siya, alam na dapat niya kung anong hakbang ang gagawin niya.

He gathered all the courage and strength he could muster. Sinamahan niya ang kanyang ama na nasa bar at nag-uumpisa nang magpakalunod sa alak.

"Stop being miserable already," aniya sa magaang tinig. Ayaw niyang mas mahirapan pa ito dahil sa kanya.

Sinulyapan siya nito. "Wala kang duty sa ospital o sa clinic?" Inisang-lagok nito ang laman ng baso nito at agad na sinalinan ng panibago. Bago pa man nito madala sa bibig ang baso ay pinigilan na niya ito.

"Doctor's orders," nakangiting sabi niya. "Seriously, Dad, stop being like this."

Hindi ito nagsalita. Tila hinihintay lang nitong umalis siya upang maituloy nito ang paglalasing.

Tinapik niya ang balikat nito. Hindi siya aalis hangga't hindi niya nasasabi ang lahat ng kailangan nitong marinig. "You're the greatest father in the whole universe. Kung ipapanganak uli ako at kung maaari akong mamili kung sino ang magiging ama ko, ikaw pa rin ang pipiliin ko. Lumaki ako na hindi ko pinagdudahan kahit minsan ang pagmamahal mo sa 'kin bilang ama. Hindi mo 'ko tinuruang magtanim ng galit kay Mom. Pinatawad mo siya at pinatuloy sa buhay ko nang magbalik siya pagkalipas ng mahigit dalawang dekada. Hindi mo isinumbat ang lahat ng sakripisyo mo."

"Hindi matatawag na sakripisyo ang ginagawa ng magulang sa isang anak, Iñaki."

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay wala siyang naibigay sa kanyang ama, samantalang ito ay ibinigay ang lahat sa kanya. Kesehodang masaktan ito, pilit pa rin nitong ibibigay sa kanya ang kaligayahan niya. Pakiramdam niya ay wala siyang kuwentang anak.

"I want you to be happy, Dad. I've always, always wanted that. You've been alone for so long. You deserve to be with someone you love. You deserve to be loved. Gusto ko namang may mag-aalaga sa 'yo pag-uwi mo galing ng trabaho. Iyong ipagluluto ka—"

Puno ng pait ang naging tawa nito. "She can't cook but she can make a wonderful sandwich."

"Okay. I want you to be with someone who can fix something for you to eat. Someone you can talk to all the time. Someone you can confide in about everything. Someone who would fight with you once in a while. Someone to cuddle every night. Someone who would grow old with you. Gusto kong maranasan mo ang sayang nararanasan din ng ibang lalaking may-asawa. Masaya na si Mom sa asawa niya at sa mga anak niya. It's never too late for you, Dad. It's not too late for you and Elizabeth."

Natigilan ito. "Iñaki? Anak..."

Nginitian niya ito. "I love her and I know you love her, too. Mahal ko kayong dalawa kaya gusto kong maging masaya kayo sa piling ng isa't isa. Gusto kong magkaroon ng masayang pamilya si Basty. Gusto kong lumaki siya na buo ang pamilya niya. Gusto kong magkaroon pa ng mga kapatid."

"P-paano ka?"

"I'll be fine, Dad. I'm young. I have a bright future ahead of me. Marami pa akong makikilala. Ganito talaga ang buhay, magtatagumpay at mabibigo ka paminsan-minsan. Malaki na po ako, kaya ko na ang sarili ko. Doktor na ako, kaya ko nang gamutin ang masakit sa 'kin." He tried to laugh. "Promise me you'll make her happy."

Nakatitig lang ito sa kanya at walang sinabing anuman. Tila hindi pa rin nito mapaniwalaan ang mga sinasabi niya.

"I know I've been selfish before. Alam kong nasaktan kita nang labis. Naisip ko na kung talagang anak mo 'ko, hindi ko 'to gagawin sa 'yo. Kung talagang mahal ko kayo, hahayaan ko kayong maging masaya. Hindi ko na kayang makita kang gabi-gabi na lang na nagpapakalasing. Baka dumating ang araw na magalit ka na sa 'kin."

"Iñaki, that's not gonna happen."

"Don't talk to me anymore."

"I can't be happy knowing you're—"

"You can, Daddy. You can. 'Wag mo na akong masyadong isipin. Huwag mong isipin na inagawan mo 'ko dahil hindi naman. Wala kaming relasyon ni Eli at kahit ano ang gawin ko ay walang mabubuong espesyal na relasyon sa 'ming dalawa. In time, matututuhan ko rin siyang mahalin nang tama. In time, matatanggap ko rin nang buo sa puso at kalooban ko na siya ang babaeng mahal mo."

"I don't know what to say, son."

"Just promise me you'll be happy together. That's more than enough for me."

Niyakap siya nito nang mahigpit. "Thank you, son."

"I love you, Dad." Kahit nasasaktan ang kanyang puso, alam niyang tama ang kanyang ginawa. Darating din ang araw na magiging masaya siya.

g lalaki. Ibi ;􅩧

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now