39

33.7K 563 4
                                    

"YOU SHOULD leave," ani Elizabeth habang nakatitig siya sa kisame ng kuwarto niya. Nasa tabi niya si George at pareho silang naghahabol ng hininga. Nais sana niyang yumakap dito pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Ngayong hupa na ang init na tumupok sa kanila, nakakapag-isip na siya nang matino.

And she hated herself when she was thinking. She hated it when she knew what she—they—did was wrong. She hated that they had to go back to reality. Tumagilid siya ng higa at binalot ng kumot ang kanyang katawan. Napatingin siya sa digital clock sa nightstand. Malapit nang mag-umaga. Ilang oras na lang ay magigising na si Sebastian. Nangako siya na dadalhin niya ito sa Enchanted Kingdom nang araw na iyon. Nanigas siya nang yakapin siya ni George. Ibinaon nito ang mukha sa buhok niya.

"This feels so good," bulong nito habang sinasamyo siya. "Let me stay. Gusto kong sumama sa inyo ni Basty. I wanna forget everything and just be happy."

Sinubukan niyang alisin ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya pero mas humigpit lamang iyon. Every inch of her back was intimately curved into his body. May gumapang na init sa buong katawan niya. Not sexual heat. It was something else. She wanted him to stay. She had always wanted him to hug her like that. She wanted him in her bed for the rest of her life. She wanted to build a family with him. She wanted to have more kids. She wanted to grow old with him. Habang lumilipas ang bawat sandali na naroon ito sa tabi niya at yakap-yakap siya ay lalong sumisidhi ang kagustuhan niyang maangkin ang kabuuan nito.

"Marry me," sabi niya.

Nanigas ang katawan nito.

"Marry me," ulit niya sa mas matatag na tinig. "Or leave me alone." Nagpasalamat siya na hindi nabasag ang boses niya o nautal man lang. Ipinangako niya sa sarili na iyon na ang huling pagkakataon na magpapakagaga siya. She wanted to know if she stood a chance. Or she would go crazy.

"Wala kang sasabihin?" tanong niya pagkalipas ng mahabang sandali ng katahimikan. Mahirap ba talagang makabuo ng isasagot sa kanya? Napakasimple lang naman ng gusto niya. Simple lang ang mga maaaring maging sagot kung tutuusin.

"Y-you said you didn't want to get married."

George broke her heart just like that. Kaya ba ito naroon ay dahil inakala nito na hindi pa rin niya gusto ng mga permanenteng relasyon? Naisip ba nito na wala siyang komplikasyon kaya nasa kama silang dalawa ngayon at walang kahit anong saplot sa katawan? She willed herself not to cry.

"That's the best you've got?" sarkastikong sabi niya. "I'm a woman. I can always change my mind."

Totoo naman na hindi niya ginustong magpakasal at magkaroon ng lifetime partner hanggang sa dumating ito sa buhay niya. Naroon pa rin ang takot sa dibdib niya, ngunit nang mahalin niya ito ay naging matapang siya. He made her believe in love. He made her want the things she used to be scared of. Kasalanan nito kung bakit nagkaganoon siya. He turned her world upside down.

Her heart beat wildly. Taimtim siyang nagdarasal na sana ay hindi nito tuluyang durugin ang puso niya. Sana ay gustuhin din nito ang lahat ng gusto niya. Sana ay may tsansa na mahalin din siya nito.

Nanatiling tahimik si George kaya nagpatuloy siya.

"I want you, George. I want love and romance. I want us to build a family. Hindi ko rin inakala na darating ako sa puntong ito ng buhay ko. Hindi ko gustong kainin ang mga salita ko. Lalong hindi ako nagsinungaling nang sabihin ko sa 'yo na ayoko ng married life. I'm scared, you know. But I can risk everything. Knowing is better than wondering. So answer me now because I'll never ask you again. When I say never, I meant never." Napangiwi siya sa huling pangungusap niya. Naalala niya na sinabi rin niya iyon dati kay Aila.

She had broken all her promises to herself. She had become a typical pathetic woman in love. She was worse than Aila. At least, si Aila ay hindi ipokrita. Binilang niya ang bawat sandaling lumipas na nanatiling tahimik si George sa tabi niya. Wala itong kagalaw-galaw. Kung hindi niya nararamdaman ang marahas na paghinga nito sa batok niya ay iisipin niyang nakatulog na ito.

"I'm waiting, George. You either marry me or you walk out of my life now," untag niya nang hindi na niya makayanan ang katahimikan nito.

Wala pa rin itong sinabing anuman. Naiinis na bumangon siya at inalis ang braso nito sa kanya. Naupo siya sa kama at binalot ng kumot ang kanyang sarili. Bago pa man siya makatayo at makalayo ay pumaikot uli ang mga braso nito sa kanya. Ibinaon nito ang mukha sa leeg niya at niyakap siya nang mahigpit na mahigpit.

"Don't make me ask again, George," pagsusumamo niya. "I wanna know your answer."

"I... I can't," he whispered in anguish.

Huminga siya nang malalim. She was beyond heartbroken. "Can't or won't?"

"You don't understand, Eli." Pilit siya nitong pinaharap. There was anguish in his eyes. He looked so tortured and miserable. Hindi niya maintindihan kung bakit.

"Really? It's really simple. Ayaw mo 'kong pakasalan. I get it. Hindi naman 'yon mahirap intindihin," sabi niya sa malamig na tinig. "It's okay. Hindi naman talaga ako umasa nang husto." She was too hurt to even shed a tear. Nasa stage pa marahil siya ng denial. Kapag nag-sink in na sa kanya ang naging tugon nito ay doon lamang niya mararamdaman nang husto ang sakit.

"Eli, I... I..." Hindi nito maituloy-tuloy ang sasabihin nito. Parang hirap na hirap ito at hindi malaman ang gagawin o sasabihin.

"Leave. Just leave, George. Nasabi ko na ang dapat kong sabihin sa 'yo at naibigay mo na rin ang sagot mo. Naiintindihan ko na nariyan na uli si Pauleen. Hindi kita pipilitin sa isang bagay. I need time to be alone. Go. 'Wag ka munang magpakita sa 'kin. You can visit Basty but do that when I'm not around." Pilit siyang kumawala sa mga bisig nito. She desperately wanted to put some space between them.

"Eli, you're wrong. I want... I'm... God!" Marahas na sinuklay nito ang buhok nito.

"Please, George..." Babagsak na ang mga luha niya kapag hindi pa ito umalis. Fortunately, pinagbigyan na siya nito sa pakiusap niya. Lumabas ito ng silid niya na walang anumang saplot. Nasa opisina pa niya ang mga damit nito. Humiga siya sa kama at pinakatitigan ang kisame na parang lalabas doon ang solusyon sa pinagdaraanan niya.

She cried. Hinayaan niyang maramdaman niya kung gaano kasakit ang mabigo sa pag-ibig. Ninamnam niya ang bawat kirot at pait. Next time, she would know better. Next time, she wouldn't even try to hope.

hV9�؍�)

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon