8

45.3K 768 5
                                    


HINDI makapaniwala si Elizabeth sa ginagawa niya. Wala sa plano niyang makipag-flirt sa isang lalaki, lalo na sa isang reporter. Nasa dance floor na sila ni George at wala nang distansiya ang mga katawan nila. Pagtapak nila sa dance floor kanina ay agad siya nitong hinapit palapit dito na muntik na niyang ikinasinghap.

The man was good. He didn't say much but his eyes were killing her. She felt like melting in his arms. He was drop-dead gorgeous. His eyes were the sexiest eyes she had ever seen. His playful lopsided smile could melt any woman's heart... and panties. He must be around his mid-thirties. Nakikita niya ito sa telebisyon kaya kilala niya ito. Hindi niya inakala na mas guwapo pala ito sa personal. Masyado itong pormal sa newsroom.

She didn't really care who he was. Hindi na niya gaanong inabala ang sarili sa pag-iisip. Ang tanging rumerehistro sa isip niya ay kung gaano ito kakisig, kung gaano kasarap makulong sa mga bisig nito, at kung gaano niya ito kagusto. Hindi mapuknat ang tinginan nilang dalawa. Pakiramdam niya ay hindi siya magsasawang titigan ang mukha nito sa magdamag. Pero mas gugustuhin niya kung may gagawin sila bukod sa magtitigan.

Halos hindi niya mapaniwalaan ang nararamdaman niyang atraksiyon. Nang lingunin niya ito kanina at mahuling nakatitig sa kanya ay nag-elevate agad ang heart rate niya. Iba ang level ng kaba, anxiety, at excitement niya. Parang nanikip ang dibdib niya. Kahit wala siyang gana sa mga lalaki in general, at kahit plano niyang magpakatandang-dalaga, hindi rin naman siya bulag para hindi hangaan ang mga guwapong lalaki na nakikita niya.

Ngunit hindi siya kailanman nagkaganito sa isang lalaki. She never swooned. She had never wanted any other guy before this much. My God, she was almost thirty. Hindi na siya ang tipikal na adolescent na kinikilig pa at napapatanga sa isang lalaki.

Yumuko si George at inilapit nito ang mga labi sa tainga niya. "You're so lovely," bulong nito.

Muntik na siyang literal na kiligin. Nanayo ang mga balahibo niya sa batok. Hindi niya hinayaan na mawala siya nang tuluyan sa kanyang sarili. It seemed like the seduction would be a competition. At ayaw niyang natatalo sa kahit ano.

Inilapit din niya ang kanyang bibig sa tainga nito. Siniguro niyang dumaiti nang kaunti ang mga labi niya sa earlobe nito. "I know," bulong din niya. Pagkatapos ay hinagkan niya ang tainga nito.

Muntik na siyang matawa nang manigas ito. Ramdam niya ang epekto ng ginawa niya. Lalo siya nitong hinapit at isinayaw-sayaw. May amused na ngiti na naglalaro sa mga labi nito, ngunit ibang uri na ng apoy ang nakabadha sa mga mata nito. She was enjoying herself but a small part of her was worried. Alam na niya kung saan mauuwi ang ginagawa nila. Handa ba siya sa ganito? Hindi ba siya magsisisi sa huli?

Yes, she was badly attracted to this man. Yes, he was gorgeous and all but he was still a stranger. Wala siyang alam tungkol dito maliban sa nakikita niya ito gabi-gabi sa telebisyon. Paano kung mapahamak siya? Paano kung may hindi magandang mangyari sa kanya?

Malaking parte ng pagkatao niya ang buhay na buhay at excited. Tila ba iyon ang hinahanap niya. Tila ba iyon ang kailangan niya. Mula nang magtama ang mga mata nila kanina, kaagad na nabura ang lungkot na nadarama niya. May parte rin sa kanya na kampante, tila nais na magtiwala rito. Wala siyang madamang panganib. She liked being in his arms. She wanted a kiss. She wanted to know what he tasted like. And she wanted to be with him tonight.

Mula pa noong bata siya, palagi siyang nagtitiwala sa gut feel niya. Bihira siyang magkamali sa pagbasa at pakikiramdam sa isang tao.

May bahagi rin naman ng isip niya na nagsasabing masyado nang marami ang nakonsumo niyang alkohol. She was intoxicated and her judgment was clouded by the liquor. Maaaring nagsilbing relaxant ang alkohol kaya ganoon na lang siya kakampante. O masyado niyang pinaiiral ang hormones niya kaya nais niyang makasama ang lalaking ito ngayon.

Should she just walk out, leave with her friends, and forget about everything? How hard could that be? Noon lamang siya naguluhan nang ganoon sa buong buhay niya. Noon lang siya nakipagdebate nang ganoon sa sarili niya.

Napapitlag siya nang dumampi ang mga labi ni George sa mga labi niya. Hindi niya napigilan ang mapaungol. Kaagad na nabura ang lahat ng pag-aalala at pag-aalangan niya. Hindi masasabing totoong halik ang ginawa nito. Tila may pakpak ng paruparo lamang na dumampi sa mga labi niya. He was tempting her. She wanted the real thing.

"Let's get out of here," bulong nito. Malapit na malapit ang mga mukha nila sa isa't isa. Kaunting galaw lamang at kung gugustuhin niya ay maglalapat na ang kanilang mga labi.

Nginitian niya ito. "I don't know you," sabi niya habang pumapaloob sa buhok nito ang mga daliri niya. Hinila niya ito patungo sa kanya pero sa huling sandali ay umatras din siya. Two can play this game.

Umungol ito. "I'm George Salvador, as you already know. I'm thirty-five years old, a news anchor, single, a businessman, and a father. You can check my wallet later."

Tumaas ang isang kilay niya. "Father?" Kung nagsisinungaling ito tungkol sa status nito at may-asawa pala ito ay lalayasan agad niya ito kahit gaano kataas ang lebel ng atraksiyong nararamdam niya.

"Single parent. I've never been married and I have no girlfriend at the moment."

Naniwala siya rito. Walang babala na inangkin ng mga labi niya ang mga labi nito. Kanina pa niya nais na tikman ang mga labing iyon. Nais niyang magdesisyon base sa uri ng epekto ng halik na pagsasaluhan nila. Sandali lamang itong nagulat. He cupped the back of her head and then he deepened the kiss.

Nag-elevateang lahat ng vital signs niya. Halos sumabog ang dibdib niya sa sobrang bilisng tibok ng puso niya. Pure want pounded through her veins. She lost all herfocus and all her coherent thoughts. Ang tanging nasa isip niya ay hinahagkansiya nito at ayaw niya itong tumigil. She needed him. She wanted him so badly.    

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon