4

50.8K 811 5
                                    


PINIGILAN ni Elizabeth na mapailing at mapangiwi habang nakatingin kay Aila, ang matalik niyang kaibigan mula pa sa medical school. She was smiling like a lovesick hyena. Ang dahilan ng pagkakaganoon nito ay walang iba kundi ang lalaking katabi nito, si Dondon, isang basketbolista.

Nang mga nagdaang araw ay bihira silang magkita ni Aila dahil kapwa sila abala sa trabaho. Ginulat na lang siya nito nang araw na iyon nang ipakilala nito sa kanya ang nobyo nito at ianunsiyo nito na magpapakasal na ang mga ito. Hindi niya mapaniwalaan na ikakasal na agad ito.

Nakilala raw nito si Dondon sa isang party. Whirlwind romance daw ang nangyari. Mula nang magkausap ang mga ito ay hindi na nilubayan ng mga ito ang isa't isa. Na-love at first sight daw si Aila. Tila ganoon din ang naramdaman ni Dondon sa kaibigan niya dahil tatlong linggo pa lang na magkakilala ang mga ito ay nagyaya na agad ito ng kasal. Pumayag naman si Aila.

Aila was insane. Was she really out of her mind to marry a man she had just met? Hindi nito makikilala nang lubos ang isang lalaki sa loob lamang ng ilang linggo. They were talking about marriage here. Nais na niya itong sabunutan pero pinigilan niya ang sarili.

Pinilit niya ang sarili na ngumiti. "Are you sure?"

"Of course," tugon ni Aila na ngiting-ngiti. She looked at Dondon with those twinkling eyes that were full of adoration. She was sick. She was disgusting. Masyado nitong ginagawang vulnerable ang sarili nito. Masyado nitong ipinapaalam sa lalaking ito ang nararamdaman nito. Ang mga ganoong babae ay mas prone sa heartbreak at life-long misery. She learned that from the best—her mother.

Pinagmasdan niya si Dondon. He was gorgeous, no doubt about that. He was tall, dark, and handsome. Wala siyang maipintas pagdating sa pisikal nitong anyo. Ang sabi ni Aila ay sikat ito at may nagawa nang ilang TV commercials. Wala siyang interes sa basketball kaya hindi niya ito kilala. She also seldom watched TV. Hindi niya ito gusto. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Parang may tinig na nagsasabi sa kanya na masasaktan lamang ang kaibigan niya.

Hinagkan ni Dondon sa sentido si Aila at saka siya nito nginitian. "I'd love to stay but I have practice this afternoon," sabi nito sa kanila.

Pag-alis ni Dondon ay agad niyang tinanong si Aila.

"Are you sure about this?" paniniyak niya.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Aila. "What do you mean?"

Elizabeth almost rolled her eyes. Nagkaroon lang ng love life, naging slow na. "Are you sure you wanna marry that man?" ulit niya.

"Of course! Dondon is perfect. I love him. I can't wait to marry him."

"Bakit agad-agad naman? Why don't you spend more time together, get to know each other better? Bakit ka nagmamadali? Marriage is not a joke. Nasa Pilipinas tayo, wala pang diborsiyo rito."

"I know marriage isn't a joke, Eli. It's a lifetime commitment. It's just that I've fallen in love and I'm pretty sure I don't wanna spend my lifetime with any other guy. Hindi ko makita ang bukas na hindi kasama si Dondon at sinabi niyang ganoon din ang nararamdaman niya sa 'kin. Hindi na namin kailangang maghintay pa. I'm not getting any younger, I'm almost thirty. We have to get married soon. Kailangan kong maghabol ng baby para hindi naman ako ituring na lola ng anak ko kapag teenager na siya."

Napailing-iling siya. Hindi niya ito maintindihan. Parang hindi ito ang matalik niyang kaibigan. Parang hindi niya ito kilala. Hindi niya akalain na may tendency pala itong magpakabaliw sa pag-ibig. She thought she was smarter than that.

Sa halip na ma-offend ay ngumiti ito. "Kapag umibig ka na rin, maiintindihan mo na ako nang lubos. Ganyan ka kasi hindi mo pa nararanasang magmahal nang totoo. Kapag nahanap mo na ang lalaking makakapagpatibok sa pihikan mong puso, malalaman mo rin kung bakit ako nagkakaganito. Baka magmadali ka rin sa pagpapakasal."

"Never, Aila." Hindi niya kailanman ninais na maging katulad nito—maging katulad ng kanyang ina. Hindi niya ibibigay ang buong puso at buong buhay niya sa isang lalaking hindi naman niya kaano-ano. Wala sa plano niya ang pag-aasawa.

Ngumiti nang makahulugan si Aila. "You know what they say, Eli. Never say never."

Nagkibit-balikat siya. "You know me, Aila. When I say never, I mean never."

Nabura ang ngiti nito. "Yeah. I really wish you can find your happiness, too. Sana ay maramdaman mo rin ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon. It feels great to be in love. Lahat ng nakikita mo ay maganda. Lahat ng nangyayari sa 'yo ay masaya." Huminga ito nang malalim. "The euphoria is overwhelming. I really can't explain it to you. You have to feel it, too, so you'd understand."

She decided to just shut the hell up and just be happy for her best friend. She was hopeless. Kahit ano marahil ang sabihin niya ay walang magbabago sa kapasyahan nito. Ngayon lang niya ito nakita na ganoon kasaya at ayaw rin naman niya iyong sirain. Ang dalangin niya, sana ay makasama ito sa iilang babae na nabiyayaang magkaroon ng happily ever after. Sana ay mali lang siya sa impresyon niya kay Dondon.

Hindi siya bitter na hindi naniniwala sa pag-ibig. Hindi rin siya man-hater. Alam niyang may happy ever after, hindi lang siya naniniwala na para iyon sa lahat. Hindi siya naniniwala na lahat ng tao ay may nakalaan na kapareha o kabiyak ng puso ng mga ito. May mga tao ring nakalaang mag-isa. They were meant to be alone but not exactly lonely. At isa siya sa mga taong iyon.

Niyakap niya si Aila. "I'm happy for you," aniya habang nakangiti nang masuyo. "I wish you all the happiness in the world. Sa 'kin ka lumapit kapag nabuntis ka, ha?"

Gumanti ito ng mahigpit na yakap. "Thank you, Eli."

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon