22

42.2K 649 46
                                    


HINDI kailangang maaga si Elizabeth sa ospital kaya nasabayan niya si Sebastian sa pag-aalmusal. Hindi pa man sila natatagalang nakaupo sa hapag ay dumating na sina George at Iñaki. May dala-dalang pagkain ang mga ito at nakisalo sa almusal nila. Mababakas ang katuwaan sa mukha ni Sebastian nang makita ang ama at kapatid.

Kaswal niyang tinanggap ang isang pumpon ng bulaklak na ibinigay sa kanya ni Iñaki. Sinikap niyang huwag na lang tumingin kay George. Ayaw niyang makita ang reaksiyon nito sa patuloy na "panliligaw" ng anak nito sa ina ng isa pa nitong anak. She hated being in that situation. Kailangan niyang gawan ng paraan ang bagay na iyon.

Dahil tanggap na niya kahit paano na magiging permanenteng bahagi ng buhay niya ang mag-ama, hinayaan niyang mag-relax sa company ng mga ito. Kahit parang hindi pa rin mapakali ang puso niya sa presensiya ni George ay pilit niya iyong hindi pinapansin. Kailangan niyang malaman ang plano ng mga ito ngayong araw.

Napansin niya na parehong kaswal ang suot nina George at Iñaki. Wala marahil duty sa ospital o clinic si Iñaki.

"I'm driving Basty to school," ani George habang sinusubuan nito ang anak nila. He was spoiling the kid. Nais sana niyang sabihin na kaya na ni Sebastian ang sarili nito pero ayaw niyang mabura ang kasiyahan sa mga mata ng kanilang anak. "Kami na ni Iñaki ang magbabantay at maghihintay sa kanya tutal naman ay ilang oras lang siya sa school. Plano ko siyang ipasyal pagkatapos ng klase."

"Isama n'yo si Marie," sabi niya.

"Boys' bonding," sabi uli ni George.

"Pretend that Marie's a boy," walang anumang sabi niya.

Sinalubong nito ang tingin niya. "You don't trust me, do you? Kahit nag-usap na tayo kagabi."

"I don't know you. I can't fully trust someone I don't know."

Tumikhim si Iñaki bago pa man makapagsalita ang ama nito. "Nasa harap tayo ng pagkain at naririnig tayo ng bata," nakangiting sabi nito. Tiningnan siya nito. "Ibabalik namin si Basty bago ka dumating mamayang hapon. We'll just spend time together. Hindi na namin kailangan ang yaya dahil narito naman kami ni Dad para mag-alaga kay Basty. Wala ring gagawin si Marie."

Nagpahinuhod na lang siya para sa kaligayahan ng anak niya. Pagkatapos kumain ay hinila at niyakap niya si Sebastian. "Be good, okay? Huwag kang pasasaway kina T-Tito George at Kuya Iñaki. Sila muna ang makakasama mo ngayong araw. Is that okay with you?"

Nakangiting tumango ito. "I like them po."

Sapat na iyon sa kanya. Nauna siyang umalis sa mga ito. Ipinagbukas siya ni Iñaki ng pinto ng sasakyan.

"Take care," masuyong sabi nito sa kanya.

Nginitian niya ito. "Have fun with your b-brother. Ipagkakatiwala ko siya sa inyo."

Bahagyang lumamlam ang mga mata nito. "Y-yeah."

Kinawayan niya si Sebastian na karga ni George bago siya sumakay sa kotse niya. Nakapagkit sa isip niya ang larawan nina George at Sebastian na magkasama. They looked so perfect. Huminga siya nang malalim at pinilit ang sarili na ngumiti. It was going to be okay. It was a just a matter of acceptance and getting used to things. Hindi mawawala sa kanya si Sebastian. She would just have to share her son with his father. Noong ipinanganak niya ito ay ipinangako niya na ibibigay niya ang lahat ng makakapagpaligaya rito at kailangan niya iyong tuparin.

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now