33

31.7K 553 24
                                    


"'JUST got home?"

Napapitlag si George pagpasok niya sa bahay nila. Halos madaling-araw na. Kung wala lang siyang meeting kinabukasan ay kina Elizabeth na siya matutulog kagaya ng madalas na nangyayari nang mga nakaraang araw. Pagkagaling ng TV station ay sa mansiyon na ng mga Munis siya tumuloy. Nadatnan pa niyang gising si Sebastian kaya siya ang nagpatulog dito. Elizabeth was busy with her medical files.

He turned to look at Iñaki. Nakasalampak ito sa sofa at may hawak-hawak na bote ng beer. Hindi naman ito mukhang lasing. May punto sa buhay ng anak niya na nagkaroon ito ng bisyo. Natuto itong manigarilyo upang maka-cope sa stress noong nasa medical school pa ito. Paglaon ay na-realize din nito na hindi ito magiging magandang ihemplo sa mga pasyente kaya kusa itong nag-quit sa bisyo nito. Hindi ito lasenggo. Mabibilang sa daliri ng isang kamay ang pagkakataong umuwi ito na lasing.

Inatake na naman ng guilt ang buong pagkatao niya pagkakita sa anak niya. Alam na alam niya ang nararamdaman nito para kay Elizabeth. He had been aware of it since the day Iñaki first laid eyes on her. Hindi niya ito hinusgahan. Pilit niya itong inintindi. Pero hindi rin niya maikakaila na may espesyal siyang damdamin para sa ina ng kanyang anak. Masaya siya kapag kasama niya si Elizabeth at kapag malapit lang ito sa kanya. Kasiyahan na hindi niya naramdaman sa iba. Kaligayahan na halos sakupin ang buong pagkatao niya.

Marami nang babaeng dumaan sa buhay niya at ang ilan ay maituturing niyang espesyal, ngunit si Elizabeth ang pinakaespesyal. She was special not just because she was a brilliant doctor, not just because she was lovely, in an elegant way not just because she was different, and not just because she was the mother of her kid. She was special simply because she was Maria Elizabeth.

Sinubukan niyang labanan ang damdamin niya at iiwas ang sarili rito. Pero iba ang panghatak ni Elizabeth. Hindi ito mawala sa isip niya. Kahit nasa trabaho siya ay ito ang laman ng puso at isip niya. Tila naninikip ang dibdib niya kapag kaharap na niya ito. Tuwing umaga ay nahihirapan siyang kumbinsihin minsan ang sarili niya na totoo ito, na abot-kamay lang niya ito.

Nang mga nagdaang araw ay hinayaan niya ang kanyang sarili na makalimot at maging masaya. Habang yakap niya si Elizabeth ay hindi lamang kaligayahan ang nadarama niya. Nakakaramdam din siya ng hindi masukat na kapayapaan at kakontentuhan. He wanted a life with her.

Nais niyang umuwi rito pagkatapos ng trabaho niya. Gusto niya ang pakiramdam na inaasikaso siya nito pagkatapos ng maghapong trabaho. Gustong-gusto niya ang pakiramdam kapag nakukulong ito sa mga bisig niya. Nais niyang pakinggan ang opinyon nito sa lahat ng bagay. He just loved hearing her talk. He loved sleeping with her. Kapag magkatabi sila sa gabi ay palaging maganda ang tulog at panaginip niya.

Naroon pa rin ang pisikal na atraksiyon na naramdaman niya rito noon na dahilan kung bakit may anak sila ngayon. Maraming pagkakataon na nais niya itong siilin ng mainit na halik at angkinin ang katawan nito. Gusto niya ang pakiramdam na yakap-yakap niya ito sa buong gabi. Nais niyang makatabi at makayakap ito sa lahat ng gabi ng buhay niya. Ibayong kaligayahan ang rumaragasa sa dibdib niya tuwing nagigising siya at ang magandang mukha nito ang unang nasisilayan ng kanyang mga mata.

Napatingin siya kay Iñaki. Hindi siya makatingin sa mga mata nito dahil hindi niya makayanang makita ang matinding lungkot na mababakas sa mga iyon. Maybe, his son would understand. Maybe, he would see how much he needed Elizabeth in his life.

"Iñaki, anak, there's something I wanna tell—"

"I love her. I love her so much that I can barely stand it. Dad, if you love me, you would let me have her. Do this for me, Dad," pagsusumamo nito. Pati ang mga mata nito ay nakikiusap sa kanya.

Napalunok siya. Parang may malakas na puwersang sumuntok sa sikmura niya. He couldn't breathe. Nais niyang magwala pero hindi niya magawa. He could feel his heart break into pieces.

Kahit masakit, alam niyang pagbibigyan niya si Iñaki. Hindi niya ito maaaring agawan ng kaligayahan. Tungkulin niyang ibigay ang lahat ng makakapagpaligaya rito. Hindi niya ito maaaring biguin at saktan. Hindi maaaring ang anak ang magbigay-daan sa ama. Kung uunahin niya ang sarili niyang kaligayahan, anong klase siyang ama?

"O-of course, son."

"Thank you, Dad."

Niyakap niya ito. "Basta masaya ka, magiging masaya rin ako para sa 'yo." He knew he had made the right decision. It hurt him, though.

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now