17

40.7K 738 43
                                    


NASA daan na sina Elizabeth at Iñaki patungo sa isang restaurant. Nakilala na nito ang anak niya habang hinihintay siya nito. Nadatnan niya itong nakikipaglaro sa anak niya. Napakagiliw nito sa bata. Walang bakas ng pagkayamot dito habang sinasagot nito ang mga tanong ng anak niya. She even thought they were a beautiful sight. Parang magkuya ang mga ito sa paningin niya. Iñaki was a natural when it came to kids. He should be a pediatrician.

"You have a wonderful kid, Eli," sabi sa kanya ni Iñaki.

"I know. Sebastian is the most wonderful kid."

"I like him a lot. He's so cute. He talks a lot about you and about his drawings."

Napatingin siya rito. Malinaw niyang nabasa ang fondness sa mga mata nito. "Sinasabi mo lang ba 'yan dahil interesado ka sa 'kin o talagang gusto mo ang anak ko?" Magaan ang tinig niya ngunit seryoso siyang malaman ang tapat na sagot nito. Malay ba niya kung mahusay lang itong umarte?

"Siyempre, gusto ko siya dahil anak mo siya. Espesyal ka sa 'kin kaya espesyal din ang lahat ng taong espesyal sa 'yo. Madali siyang makagaanan ng loob. Bibo at napakatalino ni Sebastian para sa edad niya. Ewan ko ba, parang may kakaiba akong naramdaman kanina nang una ko siyang makita. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko alam kung saan at kailan."

"Ganyan naman kayo palagi sa umpisa. 'Wag mong pilitin ang sarili mong makaramdam ng pagkagiliw kung hindi ka naman likas na magiliw sa mga bata."

"Hindi ganoon, Eli. I genuinely like your son," seryosong sabi nito.

"Ganyan din ang sinasabi ng iba. Sasabihin mo ang lahat ng gusto kong marinig dahil gusto mo akong makuha."

Tumawa ito nang marahan. "I'll show you."

Nagkibit-balikat na lang siya. Kusa rin siya nitong susukuan kapag napagtanto nito na hindi siya nito kailanman makukuha.

Dinala siya nito sa paborito niyang French restaurant. Hindi niya iyon nabanggit dito kaya malamang na nag-research muna ito. May plus pogi points ito roon. Kung hindi lang sana ito napakabata ay baka ikonsidera niya ito. Ngunit komplikado ang buhay niya at mas bata ito sa kanya kaya kahit makailan itong pogi points ay wala pa rin.

"Naisip mo na ba kung saan mo balak mag-specialize?" kaswal na tanong niya habang hinihintay nila ang mga pagkain. Nais niyang mailihis naman ang usapan sa hindi kapani-paniwalang panliligaw nito sa kanya.

"I've always wanted to be a pediatrician," nakangiting tugon nito. He looked boyishly handsome. Dapat talaga ay maghanap ito ng kasing-edad nito.

"Good," wika niya. "I'm sure maraming maitutulong sa 'yo si Lavender."

Tumango ito. "Oo nga. Madalas nga niya akong kuwentuhan ng mga naging case niya sa Amerika. Noong bata ako, sakitin ako sabi ni Jorge." Humagikgik ito na tila munting bata. He looked so adorable... and familiar. "He's my dad. He's just forty so I call him 'Jorge.' Napakaaga kong dumating sa buhay niya. Usually, sa mga case ng early pregnancy, ang tatay ang tumatakas. Sa sitwasyon ko, ang mama ko ang umalis na lang dahil hindi niya kaya ang responsibilidad. My dad was the one who took care of me. Maigi at supportive ang lola ko. Si Lola ang nag-aalaga sa 'kin kapag nasa university o field si Jorge. Hindi ko man naranasan ang kalinga ng isang ina, wala naman gaanong naging kulang. Hindi man ako nakatikim ng breast milk, nakapasa pa rin ako sa medical school at medical board. 'Buti na lang, hindi ako gaanong nabobo."

Natawa siya. It was easy to be with him. He was fun and young—too young for her.

They had something in common. Magkaiba kung tutuusin ang naging sitwasyon nila pero pareho silang hindi nakaranas ng pagkalinga ng isang ina. Mas masuwerte ito sa kanya dahil may abuela ito na nag-alaga at nakasuporta rito. Mula nang mamatay ang mama nila ni Pablo, napunta sila sa poder ng kanilang lolo.

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now