37

33.3K 590 24
                                    

ILANG araw na naging abala si Elizabeth sa trabaho at sa pagtulong kay Aila. Hindi na niya gaanong nakakasama si Sebastian at ramdam niyang nagtatampo na ito sa kanya. Madalas na hindi pa ito gising ay wala na siya sa bahay. Pag-uwi naman niya sa gabi, minsan ay tulog na ito.

Hindi niya naaabutan sa bahay nila si George kahit ang sabi ng kanyang anak ay madalas na itong pinupuntahan ng ama nito. Sa telebisyon na lang niya ito nakikita ngayon. She still missed him. Kung hindi siya abala sa trabaho ay malamang baliw na siya. Baka samahan niya si Aila sa kama at pabilisan sila sa paggawa ng mountain of soiled tissues.

Para hindi gaanong magtampo sa kanya si Sebastian ay nangako siya na ipapasyal niya ito sa Linggo at paplanuhin niya ang bakasyon nila sa unang linggo ng bakasyon nito sa eskuwelahan. He had always wanted to go to Disneyland and she seriously needed a break.

"Kasama si Daddy?" tanong nito pagkatapos siyang hagkan.

Umiling siya. Pilit niyang binale-wala ang biglang pagtibok nang mabilis ng kanyang puso. Hindi niya maaaring isama sa mga plano niya si George. Magiging ama ito ni Sebastian at alam niyang magagawa nito nang tama ang lahat ng responsibilidad nito. Ngunit hindi ito magiging kahit ano sa buhay niya.

"We'll see, okay?" sabi na lang niya sa anak niya. Ayaw niyang madismaya ito ngayon pa lang. Saka na niya ipapaliwanag kung bakit hindi nila makakasama ang ama nito. "You behave today. May pupuntahan lang na seminar si Mommy, 'tapos uuwi din agad ako."

Nang malaman niya ang tungkol sa seminar ng mga ob-gyn ay nakakita siya ng pagkakataon upang mapalabas si Aila sa lungga nito. Hindi na ito gaanong nagkukulong sa silid nito, ngunit hindi pa rin ito lumalabas ng bahay.

Sa isang five-star hotel ginanap ang seminar. Hindi naman nila talaga kailangan ni Aila ang seminar, nais lamang niya ng rason para mapalabas ito ng bahay.

"I'm bored," daing ni Aila sa kanya. "Sana ay hindi na lang ako umalis ng bahay."

"Para magmukmok? Puwede ba, Aila. Let's just eat and indulge ourselves. Ililibre kita ng chocolate cake. It should help lift our moods." Iginiya niya ito sa isang restaurant sa hotel. Pareho silang wala sa mood na sumama sa mga kasama nila sa seminar.

She snorted. "A boring seminar is your idea of fun, Eli?"

"Better than moping around."

She was about to approach the maitre d' when someone called her. Napangiti siya nang malingunan si Iñaki. May kasama itong magandang babae na ilang taon lamang yata ang tanda sa kanya. Nang mga nagdaang araw ay iniwasan niya ito hanggang sa kaya niya. Seeing him was hard for her because he looked like his father. Minsan ay tinanong niya ang kanyang sarili kung bakit hindi na lang ito ang minahal niya.

"Hi," nakangiting bati ni Iñaki paglapit nito sa kanilang magkaibigan. "Dito kayo magla-lunch?"

Tumango si Elizabeth. "This is my best friend Aila," pagpapakilala niya.

Binati ni Aila si Iñaki at saka nginitian nang tipid ang kasama ng lalaki.

"'Pleased to meet you. This is my mom Pauleen," pagpapakilala rin ni Iñaki sa kasama nitong babae.

Nagulat si Elizabeth. Napatingin siya sa babaeng minahal noon nang labis ni George. She was very lovely. Hindi aakalain nino man na anak na nito ang binatang kasama nito.

"H-hi," ang tanging nasabi niya sa babaeng nginitian siya nang matamis. Nais sana niyang tanungin kung kailan pa ito bumalik at kung ano ang naging reaksiyon ni George, pero hindi siya makapagsalita.

"It's nice to meet you," tugon ni Pauleen. "I've heard so many things about you."

Ngumiti lang si Elizabeth. Ayaw muna niyang alamin kung ano ang opinyon o impresyon nito sa kanya. Abala siya sa pag-iisip kay George. She wanted to know how he felt about seeing Pauleen again. She wanted to know if his heart was surprised? Most importantly, she wanted to know if he was still in love with the mother of his eldest son. Si Pauleen ba ang dahilan kung bakit bigla na lang itong nagbago sa kanya?

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon