32

31.5K 535 7
                                    


WALANG gaanong pasyente si Elizabeth nang hapong iyon. Nagpa-reschedule ang karamihan sa mga pasyente niya dahil may bagyo at hindi makalabas ng bahay ang mga ito. Nanatili siya sa clinic para maghintay sa mga naka-schedule na pasyente na hindi tumawag para mag-cancel ng appointment.

Natigilan siya nang makitang may naghihintay na namang bulaklak at banana cue sa mesa niya. Nang mga nakaraang linggo ay dumistansiya na sa kanya si Iñaki. Itinigil na nito ang pagpapadala ng bulaklak at banana cue kapag naroon siya sa clinic. Akala niya ay naintindihan na nito sa wakas ang sitwasyon nila.

Nalaman niya mula kay Sebastian na madalas din nitong nakakasama ang kuya nito kapag kasama nito si George. Nakita naman niya na mahal na nito ang kapatid nito. Nabanggit din sa kanya ni George na binibigyan ni Iñaki ng pagkakataong magkalapit ang mag-ama kaya may mga pagkakataon na hindi sumasama si Iñaki sa mga lakad.

Dinampot niya ang bulaklak at bumaba siya sa resident's clinic. Marahil ay wala ring pasyente si Iñaki dahil sa malakas na ulan. She wanted to talk to him. Hindi pa niya sigurado kung ano ang maaari niyang sabihin pero kailangan niya itong makausap.

Nakaawang ang pinto ng clinic kaya nasilip niya roon si Iñaki na nakaupo sa likod ng desk nito; ngunit wala itong kausap na pasyente. Hindi agad nito napansin ang presensiya niya dahil nakatitig ito sa pader. Minsan nang nabanggit sa kanya ni Lavender na palaging balisa at malungkot si Iñaki, ngunit ngayon lamang niya ito nakitang magkaganoon.

Sinalakay ng guilt ang buong pagkatao niya. She did this to him. Masyado siyang naging abala sa kaligayahan niya nang mga nagdaang araw at hindi na niya naisip na may nasasaktan siyang iba. Hindi niya naisip si Iñaki at ang mga nararamdaman nito.

"Hey."

Napapitlag siya nang marinig ang tinig ni Iñaki. Napansin na pala nito na naroon siya.

"Come in," nakangiting sabi nito. Ngiti na hindi umabot sa mga mata nito.

Pumasok na siya sa clinic. Mag-isa lamang ito roon. Marahil ay nasa reception ang ilang nurse at doktor na kasama nila. Nabura ang ngiti sa mga labi nito nang mapansin ang hawak niyang bulaklak.

"Eli, just give me a chance to fight for my love," pagsusumamo nito.

Umiling siya at inilapag sa desk ang bulaklak na ibinigay nito sa kanya. "You're George's son. Kahit paano natin paikot-ikutin ang mundo, hindi na magbabago ang katotohanang 'yon."

"So what?"

So what? I'm freakin' in love with your father! "It's too complicated."

"All I'm asking for is a chance."

Napabuntong-hininga siya. "You'll hurt yourself more. Don't do this to yourself and to me, Iñaki. Tanggapin na lang natin na may mga bagay na hindi puwede."

"I tried, you know. Hindi ko rin malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa 'yo. Hindi ko alam kung kaya kitang kalimutan."

"Kaya mo. You have to get over me." Bago pa man ito may masabing iba ay lumabas na siya ng clinic nito. Bumalik siya sa klinika niya.

Nanghihinang napaupo siya sa swivel chair. Nang mga nakaraang araw ay masaya siya na nakakasama si George. Pagkatapos ng trabaho nito sa TV station ay magtutungo ito sa bahay nila. He would spend the night there. Ito ang nag-aasikaso kay Sebastian sa umaga. Pati siya ay nadadamay sa pag-aasikaso nito.

He was the perfect man. Lalong nahuhulog ang loob niya rito sa paglipas ng bawat araw na magkasama sila. Hindi niya naiisip si Iñaki. Hindi niya naiisip na may nasasaktan na pala sila. Hindi sasaktan ni George ang anak nito. Wala namang magulang na sadyang mananakit ng damdamin ng anak. She had no right to come between George and Iñaki.

Tumunog ang cell phone niya. It was Aila. She told her she finally had enough. She would finally get her doomed marriage annulled. Iyak ito nang iyak sa telepono.

"Love sucks, Aila," tanging nasabi niya. She knew she was supposed to comfort her friend but it was hard to do that when her own heart felt heavy. She sighed heavily. When did life became so complicated?

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now