Maraming pagkakataon na pinagselosan niya ang kanyang kapatid dahil ito lamang ang nakikita ng lolo nila. Para sa lolo nila, si Pablo lamang ang magaling. Hindi naman siya makaramdam ng galit. Pablo needed someone badly after the traumatic experience he had been through. Kailangan nitong mailabas ang lahat ng nararamdaman nito na hindi nito ma-express sa pamamagitan ng mga salita. Ang isa pa, gifted talaga ang kapatid niya. Mahusay ito sa larangan ng pagpipinta gaya ng lolo nila.

Hindi siya pinalad na mabigyan ng ganoong talento. Kaya niyang gumuhit pero kung ikokompara kay Pablo, walang sinabi ang munting talento niya. Noong una ay pinilit siya ng lolo nila na maging pintor din kagaya nito. Kaya raw nilang hasain ang kakayahan niya. Ngunit wala siyang interes sa art. Nasa science ang interes at puso niya. Wala siyang ibang ninais kundi ang maging doktor.

Nakakatawa nga dahil ang ibang mga magulang at guardian, gugustuhing maging doktor ang kanilang mga anak. Mas pipiliin ng mga ito ang pagiging doktor kaysa sa pagiging pintor. Hanggang sa mamayapa ang kanyang abuelo, hindi niya alam kung naging proud ito sa kanya.

"Kahit na wala akong ina, naging masaya pa rin ako sa paglaki. Naging masaya ang buhay ko," pagpapatuloy ni Iñaki sa pagkukuwento. Naisilbi na ang kanilang mga pagkain. "Sagana ako sa pagmamahal. Hindi ako pinabayaan ni Jorge. Kahit gaano siya kaabala, palagi pa rin siyang gumagawa ng oras para sa 'kin. Ginawa niya ang lahat para mabigyan ako ng magandang buhay. Naiisip ko si Sebastian. Gusto kong maramdaman din niya kung gaano kasaya magkaroon ng ama. Where is his father?"

Hindi na bago sa kanya ang tanong na iyon sa ibang tao. Kung kina Pablo at Aila ay hindi niya sinasabi ang pangalan ng ama ni Sebastian, kay Iñaki pa kaya?

Nagkibit-balikat siya. "I don't know," matapat na sagot niya. Noong mga naunang taon ay maraming pagkakataon na natukso siyang panoorin ang news program ni George sa cable. Hanggang sa mainis siya at tinigilan na niya ang panonood at paggu-Google ng pangalan nito. Nagdesisyon siyang huwag na itong paglaanan ng oras. Ayaw na niya itong isipin. Kaya niyang maging magulang sa anak niya. Kahit wala ito, magiging masaya sila ni Sebastian.

Naisip niya na kapag sinabi niyang may anak sila ay baka hindi agad ito maniwala sa kanya. Baka hindi nito tanggapin si Sebastian. She wouldn't risk that.

"He was a jerk for leaving you," sabi ni Iñaki.

Natawa si Elizabeth. "He didn't leave me. It was the other way around. Ako ang nang-iwan sa kanya." Ako ang naunang nagising kaya ako ang naunang mag-walk out. Kung nagkataong naunahan niya ako, ako ang iniwan niya.

"Why?"

"Dahil komplikasyon lang siya sa buhay ko, Iñaki. Ayokong palawigin pa ang pagkakakilala namin. Ginusto kong magkaanak pero hindi ng asawa. Kaya kung ang susunod mong sasabihin ay handa kang maging ama sa anak ko para naman maranasan niya kung gaano kasayang magkaroon ng ama, the answer is 'no.' Ikaw na rin ang nagsabi, kahit walang ina ay hindi nagkapuwang ang pagkatao mo dahil sagana ka sa pagmamahal. I can be enough for Sebastian. I can give him all the love he needs. Hindi lang naman siya ang anak na nag-iisa ang magulang. Nariyan din ang tiyuhin niya na mahal na mahal siya. He should be fine."

Bumuntong-hininga ito. "Totoong hindi nagkaroon ng puwang ang pagkatao ko kahit wala akong ina, pero hindi naman ibig sabihin n'on na hindi ako naghanap. Naghangad din ako. Maipapangako ko sa 'yo, magiging mabuti akong ama sa anak mo. Paano 'pag lumaki na si Basty? Mag-aasawa siya at bubuo ng pamilya. Gusto mo bang mag-isa sa pagtanda? Ayokong tumandang mag-isa si Jorge kaya hanggang ngayon ay umaasa akong mahanap na niya ang katapat niya. Gusto kong maging masaya ang daddy ko. I'm sure, iyan din ang gusto ni Basty para sa 'yo. I can make you happy."

Hindi niya alam kung saan nito nahuhugot ang confidence nito. "Iñaki, you're twenty-four—"

"I'm turning twenty-five next month. Jorge was sixteen when he had me. He did a great job—I think."

Napailing siya. "Hindi lang sa edad 'yon. You have a bright future ahead of you. Marami ka pang nais na gawin sa buhay mo. Huwag mong balikatin ang mga responsibilidad na hindi ka sigurado kung kaya mong panindigan. Marami ka pang makikilalang iba. Fall in love with someone else. You're a great man, I know that. It's just that it's never gonna work. Truth is, it will never work with any man. Ilang beses ba kitang kailangang tanggihan bago mo tanggapin ang katotohanan na hindi tayo puwede? Nahihirapan din akong saktan ka nang paulit-ulit, Iñaki."

"Nahihirapan ka because you care. You already like me a little. We can work on that. Handa naman akong maghintay hanggang sa maging handa ka. Ilang beses ko rin bang sasabihin at ipapakita sa 'yo kung gaano kita kagusto para tigilan mo na ang pagtanggi? All I'm asking for is a chance."

Frustrated na nag-iwas siya ng tingin dito. Ayaw niyang makita nito na labis na siyang naiinis. Hindi niya malaman kung bakit ito nagpupumilit pa. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang katindi ang pagkagusto nito sa kanya. Kung makapagsalita ito ay parang wala nang ibang babae sa mundo. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang matuwa o lalong mainis.

Nang magawi ang mga mata niya sa entrada ng restaurant ay bigla siyang natigilan. Pamilyar sa kanya ang nakangiting lalaki na pumasok sa restaurant kasama ang isang eleganteng babae. Hindi siya maaaring magkamali. Halos anim na taon na mula nang una at huling beses silang nagkita nang personal pero nakapagkit na ang guwapong mukhang iyon sa isip niya.

It was George Salvador, the father of her son.

"Thank God, Jorge."

Napatingin siya kay Iñaki nang magsalita ito. Nakatingin din ito sa entrada ng restaurant, kay George Salvador mismo. Jorge. George. Iñaki Salvador. Binundol ng kaba ang dibdib niya. It can't be.

"Hor-hay!" tawag ni Iñaki kay George Salvador. "Dad, over here!"

Nais panawan ng ulirat ni Elizabeth.

e'>Ϧ<>

Love Drunk COMPLETED (Published by PHR)Where stories live. Discover now