Chapter 5: Iniwang Ibon

Bắt đầu từ đầu
                                    

Pagkababa ko ay nakita ko syang nakatayo ang tinitignan ang picture frame namin. Nakangiti na s’ya at bumalik na naman ang paghihingalo ng puso ko. Gabing gabi na, ang kintab parin ng mga mata’t ngiti nya. Pinagtatawanan nya yung mga litrato ko nun kasi ginagaya ko si Ryu tapos puro ako sugat. Mejo nahiya ako ng onti non pero okay lang at least nakangiti sya.

“oh eto, si Cammy para sayo Kammie” nakangiti kong sinabi.

“Kammie?! Seryoso kaba?” natatawa nyang sinabi “Salamat at bagay pala kayo ni Sam.”

“Bute naman at nakakangiti ka na” sabi ko na pilit ang ngiti.

“Salamat sayo.” Sabi nya ng medyo nahihiya “Di ko alam na simpleng yakap lang ay makakapagpagaan ng puso ko kahit papano”

“Ikaw yung unang yumakap sa akin e” sabi ko na medyo mag pagmamayabang “tsaka nabasa ko dati yung isang libro na may sinabi tungkol sa pagpapawala ng lungkot sa pamamagitan ng pag-yakap”

“Oh, siguro nga” sabi nya “umepekto sa akin e”

“Magpalit ka muna ng damit” sabi ko “wag sa harap ko ha”

“Kapal mo!” sabi n’ya ng nakangiti “Sige, pahiram muna saglit ng kwarto mo ha.”

“Sige, ingat sa daga” sabi ko.

“Muntik na ako magahasa ng kabayo kanina, tingin mo ba matatakot pa ako sa daga?” ibinalik nya sa akin.

Ang tagal nya magbihis. Kumatok ako sa kwarto ko at hindi sya sumagot. Napansin kong hindi pala nakalock yung pinto kaya dahan dahan ko tong binuksan, nakita ko s’yang nakadapa sa kama ko suot suot ang binigay kong damit at may maikli s’yang short. Lumapit ako ng onti para i-check kung gising pa s’ya. Nakita ko yung unan ko na basang basa ng luha. Grabe talaga yung pinagdanasan n’ya. Naisip ko rin na siguro hindi pa n’ya kayang pumasok sa Lunes at malamang hahanapin s’ya ni Red Horse. Magiging okay lang ba pag umuwi s’ya sa kanila? Mukha namang walang pakealam ang tatay nya sa kanya e. Umupo ako sa salas at nagtimpla ng panibagong kape. Iniisip ko ang pwede kong gawin para matulungan s’ya. Mapagbiro talaga ang buhay, mapipikon ka talaga. Patibayan ang laban.

Wala akong maisip na paraan. Malakas na kalaban si Red dahil sa kanyang pera. Kung pisikal na lakas lang naman ay may ibabat-bat naman ako, ilang taon ko na pinagpa-praktisan ang Shoryuken ni Ryu. Huminga ng malalim at ibaba ang mga tuhod, tigasan ang mga kamao at lahat ng pwersa ng katawan mo ay buong braso. Gamitin din ang bigat ng katawan mo upang dumagdag ang pwersa sa kamao at tumalo ka ng paikot at i-uppercut ang kalaban mo. Syempre wag kakalimutan na sumigaw ng “SHORYUKEN!!!!” Mas malakas ang sigaw mo, paniguradong mas malakas ang damage. Pangarap kong magawa yun sa totoong buhay.

Hindi na ako makatulog dahil sa mga nangyayari. Masyado akong nag-a-alala kay Kamiseta. Nakakapraning. Di ko akalaing ganon na pala talaga ang kalokohang pinag-gagagawa ni Red Horse. Hindi naman ako makaisip ng paran kung pano siya pigilan. Aaminin ko, naiisip ko rin na wag na siyang pakialaman dahil wala naman s’yang pakialam sakin diba? Pinapahirapan ko lang sarili ko sa pag-iisip ng paraan e samantalang sya ay di man lang ako naiisip. Pwede ko yung gawin, oo tama, pwede ko yung gawin. Kaso ano ang pinagkaiba ko sa taong mga nirereklamo ko? Kaya iisipan ko talaga to ng paraan. Matagal na akong punong puno sa kabayong pula at ngayon, sana at siguro, ay tama ang desisyon kong tulungan si Kamiseta. Pag nakaisip ako ng paraan at nag-tagumpay ako, sasakalin ko si Red Horse at isisigaw sa mukha nyang “ITO ANG TAMA!”.

Nung nakita kong pasikat na ang araw, tumayo na ako. Sinimulan kong na mag-saing, magprito ng itlog at syempre magtimpla ng kape. Mga ala-syete na ng umaga at bumangon na sya. Suot suot ang green T-shirt na si Cammy at nakashorts, andami nyang bakat sa mukha galing sa gusto ng unan ko at pulang-pula ang mga mata nya. Nginitian nya ako at binati ako ng magandang umaga. Anak ng dalaga! Sinong umaga ang hindi gaganda kung kwarto mo mismo bumangon ang araw? Ang sarap sa pakiramdam na para kaming bagong kasal. Kung iisipin mo pa, basa yung kwarto ko dahil sa kanya. Considered narin kaya yon? Biro lang. Kung gusto ko talagang gawin yon, pinagsamantalahan ko na sya.

Kwento ng TaoNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ