***

[2:03 PM, Mellow Gardens]

"Ano bang pag-uusapan natin at dinala mo pa ako sa ganito kakorni na kainan?"

Ngumisi lang ang matanda sa tanong ko. He gestured his hand toward the chair, offering me to sit first.

"Umorder muna tayo ng makakain, Adam. Tama ba 'ko?"

Hindi ko siya sinagot at umupo lang ako sa bakal na upuan. Punong-puno ng halaman ang paligid na parang pang-romantic dates tapos may naririnig pa akong violin. Para bang set-up sa mga marriage proposals, and stuff.

Ang pangit ng taste niya sa restaurant. Grabe.

Tumawag siya ng waiter at umorder ng isang salad at wine. Ako naman, wine lang. I don't think the food is good here so I don't want to risk myself.

"Mukhang tama ang sabi nila," tumawa pa siya. "Hindi ako magtatakang successful ang previous jobs mo, Adam."

"Tell it straight."

Umayos siya ng pagkakaupo. "Tall, brown-skinned, dark hair, brown eyes, and white teeth. 'Yon ang mga nakikita ko sa'yong gustong-gusto ng mga babae. You're quite attractive."

Gusto ko sana siyang tignan ng masama pero sinarili ko na lang. The way he praised me, it got into my nerves. Ayokong malasin ang araw na 'to nang dahil lang sa matandang 'to.

"I don't think you've had a hard time making your victim fall for you, Adam."

"I'd take that as a compliment," mahinang sagot ko.

Dumating ang order namin at uminom ako ng kalahati sa baso ko bago nagsalita.

"Ano ba talagang point ng appointment natin?"

Mahirap pag matanda ang kausap; masyadong paligoy-ligoy at ang daming satsat. Isa pa, hindi ko gusto ang ambience na nakikita ko. Nakakairita. Ang korni talaga.

"I want you to do me a favor." May nilagay siyang parang kopya ng resume sa table at nilapit sakin.

It's in a long bond paper. May pangalan ng babae, address, age, at kung ano-ano pang personal information na makikita sa resume.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" I asked rudely.

Natawa siya. "Ang bata mo pa para maging makakalimutin. I'm Miguel Guillermo."

"Sino siya?" I nodded toward the paper

May kinuha siya sa tuxedo na suot niya at binigay sakin ang isang wallet-size picture ng babae. Brown-haired, pink lips and round eyes. Natural Filipina look.

"Siya si Irish Jane Marcelo. 22 years old, at palipat-lipat ng trabaho."

I breathed in. "Why do you want me to kill her?"

Kinain niya muna ang kamatis sa salad niya, uminom ng tubig at nag-isip pa yata ng isasagot sa tanong 'ko. It's one of the important questions I always ask before accepting the offer. Kailangan ko ng reasonable point.

"Anak siya sa labas ng kapatid ko."

"And?"

"My brother doesn't know her, and as of now, wala siyang anak sa namatay na asawa niya," tumikim siya ng wine. "May sakit ngayon si William, at pag nalaman niyang anak niya si Irish, malaki ang possibility na maging kaagaw ko siya sa company—"  

"Magkano?"

Pinutol ko na ang kwento niya dahil masyadong mahaba at masyadong madrama.

I'm not the type of person who wastes time listening with nonsense issues of people. I live to finish everything as fast as possible.

He smiled victoriously. "Does that mean you accept it?"

"Unless the price is worth it."

Pinagdikit niya ang dalawang kamay niya at napaisip. Habang ako, sinimot ang natitira sa wine glass.

"Gaano mo ba katagal matatapos 'to?" mahinang tanong siya sakin habang naka-lean forward pa.

Umismid ako. "Wala akong specified time span. Commonly, I can finish it within a month or so. Clean, and neat."

My eyes went down to glance at the picture. Irish. Nice name. Mas bata siya nang isang taon kaysa sakin at sa itsura niya, mukhang magiging madali ang trabaho ko. Hindi ako manghuhula pero base sa nakikita ko, siya ang tipo ng babaeng madaling mapaikot—easy-going. Isa lang siya sa mga babaeng madaling maloloko.

In short, madaling mauto ng lalake.

The old man offered the price, and I wouldn't tell you. It's quite big, kaya di na ako tumanggi. Binigay ko na ang account number ko para ma-deposit ang kalahati.

Once I finish my job, I'll get the other half.

Habang nasa kotse ako, tinawagan ko si Gio.

Gio: Yo, zup?

Me: Nasa'n ka? Pupunta ako sa bahay mo.

Gio: At bakit?

Me: May ireresearch tayong bagong subject. Make sure your computer's ready.

Gio: Woah. Bagong trabaho? Grabe, ang bilis.

Me: Yes, and I bet it's going to be exciting.




Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Where stories live. Discover now