My Monster Girl is a Gangster

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tumigil ka, hindi kita mapapatawad sa ginawa mong yung sa Kuya ko, nabaldado sya dahil sa ginawa mo?" naging seryoso bigla angmgukha noong apat,

"GRABE SOBRANG NAKAKATAKOT KA, parang natatakot na ako ah hahahhahaha!" natatawang sabi ko, pero pangasar ko lang talaga yun sa kanya

"Pati kotse dinamay mo, walang kinalaman yung kotse sa ginawa ng Kuya ko, pero anung ginawa mo sinira mo, niyurakan mo lang yun!" unti-unti ko syang pinalakpakan sa sinabi nyang yun

"BRAVO...BRAVO...BRAVO...Bulag kaba oh tanga lang? Di ka ba tinuruang magbasa sa school mo? One way tong daang to" bulyaw ko sa kanya saka pinandilatan ko sya ng mga nanlilisik kung mga mata

"Hwag-mo kung-sigawan-dahil hindi ako-binge!" nauutal nyang sabi, muntik na tuloy akong matawa sa mga reaksyon ng mga mukha nila. kalalaking tao duwag naman pala

"Pare patulan na natin tong Monster na to, hwag na nating patagalin pa!" akmang lalapit na yung nanapak sa akin pero biglang binagsak noong lalaking umawat kanina yung malaking bato na sa mismong harap ng bago kung kotse.

"Holy----Shit" tae talaga nayupe yung harapan noong kotse ko

"Oh ayan may design na rin yang kotse ko"kumulo bigla ng dugo ko sa ginawa nila, please kung may aawat man sa akin, awatin nyo na ako bago pa man ako magbagong anyo

"Dahil sa ginawa mo bibigyan kita ng di malilimutang award!" i give him a punch sa mukha, sa ulo, sa tyan at kung saan-saan pa.

"Guys umpisahan nyo na!" Gumanti na rin sila. Unti-unti lang naman nilang pinaghahampas ang kotse ko, holy shit talaga, kapapalit ko lang tapos sisirain lang nila.

"Tigilan nyo yan" inawat ko sila, pinagtutulak, pero pinagahahampas lang din nila ako, pero di ako tumigil

"Tikman mo ang ganti namin!" isa labat sa kanila, hindi ko naipagtanggol ang inosente kung sasakyan, sirang-sira na ang harapan ng kotse ko. wala na ring side mirror pati mga salamin ng bintana basag-basag na din

"Bibilang ako ng hanggang tatlo, para tumigil kayo....ISA,,, DALAWA,,,TATLO ...................!"binigay ko sa kanila kung anung rararapat sa kanilang apat. kahit duguan at puro ako pasa, hindi ko ininda yun, bagkus lalo akong lumakas.

Inagaw ko ang tubo tapos hinarang ko yun, nagbanta akong hwag na nilang galawin ang kotse kundi lagot talaga sila sa akin..

"Tapos na kami sa kotse mo kaya ikaw na ang isusunod namin ngayon!" bahagya akong napaatras nang paligiran nila akong apat. oo may mga tama at bugbog sarado na rin sila pero parang wala rin eh.

"Galit na talaga ako!"Dito na nag-umpisang uminit ang ulo ko...... isa-isa ko silang pinagsusuntok.

"Aba palaban ka talaga ah" sinugod nya ako gamit ang kahoy, di ko nagawang pumagal dahil hawak nila ako, kaya sa halip na tatama sa mukha ko yung kahoy sa kamay ko to tumama, hinarang ko kasi yun eh, ginawa kung panangga.

"Holy Shit..,..Ginagalit nyo talaga ako ah!" pakiramdam ko nadurog ang mga buto sa daliri ko noong tumama na sa kamay ko yung matigas na kahoy, pakiramdam ko namanhed ang buong kamay ko, dugong-dugo ang kamay ko. Ito ang unang besis na nasaktan ako ng sobra sa pakikipag-away at basag ulo.

Natigilan silang lahat nang makita nila ang tumatagas na dugo sa sahig, na nangaggaling sa kamay ko.

"Sorry hindi ko sinadya na tamaan sya!" takot na takot yung namukpok sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong tumayo at gumanti sa kanila, at laking gulat ko na lang noong bugbugin ng isa sa kasamahan nila yung lalaking namalo ng kahoy sa akin.

"Gaganti lang tayo sa sasakyan hindi sa kanya"sabi noong isa na nanginginig sa takot

"Papatayin mo ba sya?" inalalayan ako noong matabang lalake kaya lkitong-lito ako

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon